Chapter 30

1.7K 98 36
                                    

(Errol)

Naakyat namin ang kanang bahagi ng bapor na nasa tuktok nito dahil sa pagkakatagilid nito. Pwede na yata kaming sumapi sa akyat-bahay gang.

Maalat ang simoy ng hangin. Hindi na namin tanaw ang dagat kasi natakpan ito ng rugged na dike. Tahimik ang paligid. Parang kelan lang matao ito. Parang kelan lang dinadaanan ito ng maraming sasakyan. Medyo umalingasaw ang amoy ng krudo. Pero di na namin alintana.

Malinaw ang kalangitan. Mainam mag-star gazing. Kaya pinagmasdan na lang namin ang clear night sky.

"Ano na kaya ang nangyari sa light and darkness?" tanong niya. Nakatitig lang siya sa alapaap habang nakahiga. Gaya ko, ang isang kamay niya ay nakahawak sa handrail.

Hindi ko muna siya sinagot. Nakatingala lang din ako. Ang totoo iniisip ko rin kung ano ba talaga ang nangyari sa dalawa matapos nila kaming lisanin. "Hindi ko rin alam. Pero ang sabi naman ng liwanag magdidisperse lang sila."

"Tingin mo ganun talaga mangyayari?"

"Wala akong paraan para malaman kung anong nangyayari sa kanila."

"Di ba kayang abutin ng pangitain mo?"

"So far hindi pa ako nakakakita ng pangitain sa outer space. Katakot naman nun."

Ilang minuto ang dumaan na walang nagsalita sa amin. Pareho kaming naging tahimik, tahimik na nakatanaw sa mga bituing makinang. Hindi ko alam ang iniisip niya noong sandaling yun. Pero ako alam ko ang nasa isip ko, isang bagay na bumagabag sa akin. "Ivan," saad ko. Hinintay ko siyang lumingon bago muling magsalita. "Naaalala mo nung sinama ako ni Ate Cindy sa kanila?"

"Oo, bakit?"

"Ayoko kasi ilihim 'to sa'yo."

Kumunot ang noo niya. "Ang alin?"

"Kasi ang anak nila ni Kuya Bryan may kakaibang kakayahan."

"Ang inaanak ko?" Mas sumimangot siya. "Bakit walang nakwento si Cindy sa akin?"

"Sa'kin niya lang sinabi."

"Ano'ng kakayahan?"

"Hindi ako sigurado. Yung kwarto kasi ng bata puno ng kumakatay na halaman."

"Naloko na." Binalik ni Ivan sa himpapawid ang tingin niya. "Pa'no nangyari yun?"

"Hindi ako sure." Bumuntong-hininga ako.

"Ikaw, ano ba sa tingin mo ang dahilan?"

"Ang feeling ko, naapektuhan ng mga elemento ang katawan nila."

"Pero di ba wala na sa kanila ang mga hiyas nung nabuntis si Cindy?"

"Yan ang pinagtataka ko."

"What if parang may natirang powers sa amin after mo inalis ang mga hiyas sa katawan namin?"

Napalingon ako sa kanya. Inisip ko ang sinabi niya. Pwede. Hindi malayo. "Subukan mo nga kung kaya mong utusan ang hangin." Natawa lang ako nang walang mangyari sa pagkumpas-kumpas niya na parang engot.

"Ano kaya nangyari?" tanong niya nang tumigil siya sa pagkumpas ng mga kamay.

"Hindi kaya" -- nag-pause ako dahil di ako sigurado sa naisip ko -- "naapektuhan ng mga hiyas ang genes niyo?"

Nagkamot si Ivan ng ulo. "Wala akong masyadong alam sa ganyan, eh. Kung tungkol sa business at bookkeeping, pwede kita kwentuhan, kaso di mo rin naman kasi trip, eh."

Humugot ako ng malalim na hininga at pinakawalan din ito sa bibig ko. May maiibigay kayang sagot ang mga bituin sa itaas? "Wala akong maisip na ibang dahilan. Yun na ang pinaka-logical na naisip ko."

Enchanted Series 4: This Is It!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon