(Errol)
Hindi ko na pinaliwanag kay Jansen kung ano talaga ang nangyari sa akin sa Amerika. Ayoko na marami pang makaalam. Marami din naman kaming ibang pinagkuwentuhan. Professor na siya sa isang unibersidad. Kasalukuyan siyang kumukuha ng doctorate degree. Masaya ako para sa kanya, medyo naiinggit dahil gusto ko din sana noon na kumuha ng master's degree. Pero dahil nga sa mga nangyari nag-iba na ang takbo ng buhay ko.
Maliban sa nawalang salamin, dahil naka-contact lenses na siya, halos walang nagbago sa kanya. Siguro tumaba siya ng konti. Pero ganun pa rin ang itsura niya. Sila pa rin ng nobyo niya.
"I'm really happy to know you're okay," saad niya. "Kung alam kung ga'no kami nag-alala dito. Si Ivan laging umiiyak yon."
"Oo nga eh. Pero okay na kami, nakapag-usap na."
"Kayo na ba?"
Tumango ako. Ngumiti naman siya.
"At least, okay ka na. Kelan nga pala ang balik mo sa U.S.?"
"Next month."
"Mamimiss ka na naman ni Ivan."
"Susunod daw siya." Ngumiti ako. Kinikilig ako sa prospect na susunod siya sa akin.
"Mahal na mahal ka talaga niya. Kung nakita mo lang itsura niya nung wala ka."
Nakita ko siya minsan, sa vision ko, pero siyempre hindi ko naman pwedeng sabihin kay Jansen. Baka isipin pa nito may schizophrenia ako.
"Sorry din pala, Errol."
"Bakit?"
"Alam ko kasi yung plano nila ni Felicia. Actually, kung tutuusin part ako ng plan na yon."
"Naipaliwanag na niya sa akin."
"Sorry talaga. Tutol naman ako talaga sa plano niya, knowing you. But I also understand why he had to do it."
"Okay na. Past na yun. At least may mga natutunan tayo."
"Sana, Errol, this time maging truly happy ka na, kasi isa yan sa mga inaasam ko para sa'yo, na maging masaya ka."
"Sweet mo naman. Mas sweet ka pa dito sa cake."
Marahan siyang tumawa. Kahit paano namimiss ko ang pagka-deep ni Jansen. Napaka-sensible niya kausap. "I'm just saying," saad niya. "H'wag mo na pakakawalan ang pagkakataong ito."
"Kamusta na kayo ng bf mo?"
"Paminsan-minsan nag-aaway, pero going strong. Two years na din kami."
"Mabuti naman. Hindi na siya dapat magreklamo sa'yo. You're a good catch. Matalino ka. Sensible. Masarap kausap."
"Errol, ibang-iba ka na."
"The weird thing is, hindi ko maramdaman na nag-iba ako kahit sabihin niyo na nag-iba ako."
"Your voice, your demeanor, your disposition." Hindi ko alam pero nakakailang ang titig niya. "Pati katawan mo nagbago na rin."
"Sa nature kasi ng trabaho."
"Kargador ka ba doon?"
Natawa ako. "Hindi naman. Siya nga pala, okay lang ba kayo? Hindi ba kayo naapektuhan ng mga nangyari?"
"Hindi directly. Pero hassle ang byahe papuntang trabaho kasi mas grabe ang traffic."
"Mas nakakalungkot tingnan ang mga nasirang buildings at mga bahay." Bumuntong-hininga ako habang nakatingin sa labas. At least walang bakas ng destruction sa Mandaluyong. Pero kanina pa ang news advisory tungkol sa relief at rehabilitation updates.
Tiningnan ko ang telepono ko. Nagtext si nanay. Nasa byahe pa daw sila pabalik ng Maynila mula sa Tanay. Magaan sa pakiramdam na okay sila ng nanay ni Ivan.
"Ang weird ng mga nangyari. Pero mas weird na suddenly parang wala ng mga tectonic at weather phenomena."
Hindi ko alam ano'ng isasagot ko.
"Nakita mo ba yung nakunan nila sa TV?"
"Alin?"
"Yung babae na nasa TV habang nasisira yung Malacanang."
"Hindi eh." Alam ko si Neptuna yun, pero oo nga naman hindi ko talaga nakita kung paano niya sinira ang Malacanang.
"Rumors are spreading that it was all a gimmick."
"What do you mean?"
"That the government is fooling the public to divert attention from real issues like terrible governance."
"Pero wasak ang Malacanang."
"May kumakalat ngayon sa Facebook na mga conspiracy theories tungkol diyan."
Nalilito ako kung ano ang isasagot ko. Alam ko kasi ang mga nangyari pero kelangan ko magpanggap na walang alam.
"Don't you see? Iba-iba ang kumakalat na news. Some are saying we were invaded by aliens, at pinagtatawanan tayo ng international community because our netizens are spreading those videos."
"Ano'ng videos?"
"Gaya nito." May hinanap siya sa phone niya at hinarap ito sa akin.
Kinabahan ako sa mga pigurang nakita. Hindi ko alam na nakunan ang paghahasik ng lagim ng mga elemento.
"Ito pa." May isa pa siyang video na pinakita.
"Malabo eh." Pero mas kinabahan ako. Nakunan sina Kyle, malabo nga lang, pero alam kong sila yun dahil sa mga suot nila.
"That's why a lot of people don't believe it. At ito pa. Marami actually yang kumakalat na ganyan noong isang araw, pero nawawala ang mga videos, nabubura o binubura."
"Paano?" painosente kong tanong. Pero deep inside dalawang organisasyon lang ang alam kong pwede gumawa nito, ang CIA o ang ISA. "Ikaw, ano ba sa tingin mo?"
"I don't believe in aliens and supernatural beings. Maliban na lang kung makakita talaga ako."
"Yup, ako rin. Siguro nagkataon lang na sunud-sunod ang trahedya na nangyayari sa bansa natin."
"Ganyan din ang iniisip ko. Besides, this isn't worse than, say, Syrian war."
"Pero iba naman yun dun."
"Oo nga, pero mas okay na itong sa atin dito. May political unrest, but it's not as bad as theirs."
"Ano'ng tingin mo dun sa videos?" Sinandal ko ang mga bisig ko sa mesa. Gusto ko pakinggan nang maigi ang sagot niya.
"It's 2018. Advanced na ang CGI."
Ngumiti ako, awkward na ngiti, at tumango. "May point ka."
"It's just unfortunate na maraming nauuto sa mga ganyang pakulo."
Hindi na namin naipagpatuloy ang kwentuhan kasi dumating na sina Ivan. Ang arte ni Monique maglakad. Masyado niyang siniseryoso ang pagiging babae.
Nag-usap pa kami konti hanggang sa magpasyang umalis. Nagpaiwan si Jansen na may ibang lalakarin.
BINABASA MO ANG
Enchanted Series 4: This Is It!
Roman d'amourAs you can see in the cover, m2m o boyxboy po ang story na ito. So kung hindi ka komportable na makabasa ng intimate scenes sa pagitan ng dalawang lalaki, huwag ka na magpatuloy. Hindi ako makapagdesisyon kung ilalagay ko siya sa Romance o Humo...