Chapter 23

1.7K 90 17
                                    

(Errol)

Mabagal ang lakad ko patungo sa swimming pool. Nandun si Ivan nakaupo sa gilid, ang mga paa ay nasa tubig. Sa tabi niya ay may alak at isang basong kalahati ang laman. "Naghapunan ka na ba?" Malamig ang tono ng boses niya.

"Oo," sagot ko. Hindi totoo yun. Hindi ako naghapunan dahil nagmadali akong makauwi.

"Alam mo..." Nababasag ang boses niya. "Alam mo pagkatapos ng mga nangyari noon, noong namatay ang lolo mo at namatay si Erik..." Tumungga siya ng alak at pinaikut-ikot ang bote sa pagitan ng kanyang mga palad, ang kanyang mga siko ay nasa mga hita niya. Nakatitig siya sa bote, ngunit alam ko na hindi yun ang nasa isip niya. "Nakita ko noon kung ga'no ka kalungkot, kung ga'no ka nagdalamhati. Sobrang lungkot mo nun. Pero alam mo kung ano ang masakit?" Nang sulyapan niya ako, dun ko nakita kung ga'no kamugto ang mga mata niya.

Kinain ng lalamunan ko ang boses ko. Natulala na lang ako na parang binuhusan ng nagyeyelong tubig.

"Alam mo ba kung ano... kung ano ang masakit nun?" Malamig pa rin ang boses niya. Binabasag ito ng bara sa lalamunan niya. "Yung wala akong magawa nun para maibsan ang lungkot mo." Ngumiwi siya at napaluha. Alam ko pinipigilan niya ang emosyon. Napadiin ang hawak niya sa bote bago niya ito ilapag sa gilid niya. "Gusto kita pasayahin pero hindi ko alam kung paano. Gusto kita patawanin, pero hindi ko alam ano'ng gagawin ko." Nagpakawala siya ng mahabang buntonghininga. Hinayaan niyang dumaloy ang mga luha sa mga mata niya. "Dun ko din na-realize kung ga'no talaga kita kamahal."

Parang naparalyze ako sa mga narinig ko.

"Pero gago din ako." Ngumisi siya. "May naisip pa akong katarantaduhan na akala ko uubra. Yun, nawala ka tuloy."

"Ivan, nangyari na yun. Kalimutan na natin."

Tumawa siya nang payak. Pagkatapos ay suminghot. "Alam mo, Errol, nung nawala ka, nawala rin ako. Nawalan ng saysay ang buhay ko. Di ko alam kung ano'ng gagawin ko, kung pa'no magpapatuloy. Naisip ko nun na baka guilty lang ako dahil sa kagaguhan ko, pero di, eh. Malalim yung dahilan, dahil ramdam ko nun yung sobrang sakit dito." Bigla niyang sinuntok ang dibdib niya. "Ang sakit dito, Errol."

"H'wag ka naman umiyak ng ganyan." Pinahiran ko na rin ang mga luha sa mata ko.

"Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko kanina?" Matigas pa rin ang tono ng pananalita niya. Hindi niya ako nilingon.

"Sorry..." Halos kainin na ng lalamunan ko ang boses ko.

"Alam mo ba'ng parang mamamatay na ako sa pag-aalala sa'yo?" Tumungga siya ng alak at binagsak ang baso sa gilid niya.

Umupo ako malapit sa kanya. Pinakiramdaman ko siya. "Ivan, sorry na."

"Si Nay Celia halos maiyak na naman kanina, akala kung ano na naman ang nangyari sa'yo. Buti na lang sumagot ka kanina sa telepono. Yun kumalma din." Umiling siya, ngumisi nang sarkastiko, at naglagay ng alak sa baso niya. Hindi niya pa rin ako tinitingnan.

"Kasi kinausap ako ng Secretary ng National Defense." Humina ang boses ko to the point na hindi ko alam kung audible pa ba yung mga huli kong sinabi. Hindi ko natanto kung malakas na ba yung pagkakasabi ko. Binaling ko ang titig sa tubig. Nanuot yata ang lamig nito sa mga binti ko.

"Bakit hindi ka nagpaalam!" Namumula ang basa niyang mata. Tinitigan niya rin ako.

"Ivan..." Tama ba ang dahilan ko? "Ayoko kasi na... baka kasi mag-alala ka."

"Pero ano ba nangyari sa paglilihim mo!" Natapon ang kaunti sa laman ng kanyang baso nang marahas niya itong ibagsak sa semento.

Natakot ako sa kung pa'no niya ako tingnan. "Okay, mali ang naging desisyon ko." Yumuko ako.

Enchanted Series 4: This Is It!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon