Chapter 28

1.8K 103 7
                                    

Note: I vary my chapter intros. Sometimes I start with narration. Minsan naman I start with dialogues. I hate lengthy expositions. 

-----------

(Errol)

"Bakit tayo nandito?" Pamilyar ang lugar. Mas kaunti yata ang tao ngayon kesa noong maparito ako. Pero maingay pa rin.

"Dito tayo unang nagkita. Naaalala mo?" Ngumiti sa akin si Ivan.

Tumango ako. Hindi na ako nakapunta dito pagkatapos ng gabing yun. Napangiti ako.

"Bakit?" Tinukoy niya yata ang pagngiti ko.

"Na-remember ko lang sina Kuya Bryan at Ate Cindy." Umupo kami sa bakanteng mesa. "Grabe, Ivan. Ngayon ko lang na-realize, simula nung gabing yun ang daming nangyari sa buhay ko."

Tinitigan niya ako. Masuyo ang mga tingin niya. "Sila talaga una mong naalala, ha." Kinurot niya ang pisngi ko.

"Siyempre ikaw rin."

"Alam mo ba lagi ako bumabalik dito nung nawala ka?"

"Kasi namimiss mo ako?" Ngumiti ako. Gusto ko siya halikan, pero nag-alangan ako.

Tumango siya at tumawa. "Nire-reminisce ko lang ang mga panahon na magkasama tayo dati. At isa 'tong lugar na 'to sa pinaka-memorable sa'kin."

"Ang romantic mo." Marahan ko siyang sinuntok sa braso.

Ngumiti lang siya, yumuko, tapos ginala niya ang tingin niya.

"Sana sing-romantic mo ako. Sorry, Ivan, ha, kung hindi ako masyadong expressive."

"H'wag mo isipin yan." Nilapit niya ang upuan niya sa akin. Siguro marahil upang mas magkarinigan kami. "Ang importante alam ko na love mo'ko." Ninakawan niya ako ng halik sa pisngi.

"May mga tao."

"Ano naman?" Muli niya akong hinalikan sa pisngi. "Love kita, eh."

Hinanap ko ang kamay niya at pinisil ito.

"Ano'ng first impression mo sa akin?" Inakbayan niya ako.

"Gwapo."

"Gwapo lang?" Pinisil niya ang ilong ko.

Tinitigan ko siya. "Hot."

Lumaki ang ngiti niya. "Pinagpantasyahan mo na pala ako nun pa, ha."

"Hindi naman." Gusto ko ialis ang titig sa kanya, pero di ko nagawa. "Konti lang."

"Siguro destined tayo na magtagpo that night."

"Hindi ako naniniwala sa destiny, eh."

Binaling niya ang tingin sa paligid. Ganun din naman ako. "Alam mo nung gabing yun, gusto ko maglasing kasi namimiss ko yung ex ko."

Sinulyapan ko siya. Hinayaan ko siyang magsalita habang nasa malayo ang tingin niya.

"Tapos nakita kita, sumagi sa utak ko si Jed."

"Magsesenti ka na naman."

Tumawa siya. "Loko! Di na. Nakakamiss lang yung moment na yun."

"Ivan." Hinintay ko na lumingon siya. "Kelan mo na-realize na mahal mo ako?"

Tinitigan niya ako. Siguro nirerecall niya. "Hirap naman sagutin. Ikaw ba kelan?"

"Maaga akong nainlove sa'yo, eh. Ilang araw pa lang tayo magkakilala nahulog na ako."

"Loko ka, ginawa mo pa akong hukay."

"Hindi nga ako nakaahon sa hukay, eh."

"Nagsisisi ka pa yata. Pinagsisisihan mo 'tong poging 'to na di lang basta pogi" -- binulong niya ang kasunod -- "masarap pa."

Enchanted Series 4: This Is It!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon