Chapter 43

1.6K 86 21
                                    

Note: Daily updates na po hanggang sa matapos ito sa Linggo.

----------------

(Ivan)

Ayoko na banggitin kung saang beach resort kami pumunta. Baka libreng plug pa sa kanila. Buti sana kung may bayad kami sa marketing and promotions. May mga bagong resorts kasi dito sa Pinas na hindi pa masyadong explored. Mahirap nga lang ang byahe. Pero nakapag-rent kami ng van para hindi mahirap ang byahe. Sulit na rin. Sa ganda ng view pagdating mo sa beach, tanggal lahat ng pagod mo.

Pinayagan ko si Clark na sumama sa amin. May kondisyon lang ako sa kanya. Tirahin niya si Monique. Loko lang! Kayo naman.

Sayang hindi nakasama si Julie. Walang partner si Diana, pero game na game naman ito. Gusto niya rin daw mag-unwind.

Kapag talaga nasa mga ganitong resorts ka ang sasarap ng mga pagkain. Baka pagbalik namin ng Manila wala na kaming abs ni Errol. Maghapon kaming nag-island hopping. Ang gaganda ng views.

"Boss," saad ng bangkerong kanina pa lingun nang lingon sa amin, "magkapatid ba kayo?"

"Hindi ho," sagot ko. "Bakit ho?"

Ngumiti siya sa amin. Nagdadalawang-isip yata si manong kung itutuloy ang pagtatanong. Pero di rin yata siya nakatiis. "Ang lapit niyo kasi sa isa't isa."

"Mag-asawa kasi kami." Inakbayan ko si Errol at kiniss sa pisngi.

Hindi kaagad sumagot ang mama. Palinga-linga lang siya, tinitingnan ang paligid. Tingin ko di siya komportable. Muli niya kaming tiningnan. "Marami na rin akong nasakay dito na kagaya ninyo."

"Kagaya namin na?" tanong ko.

"Parehong lalaki na magsyuta."

"May problema ho ba kayo dun?" Hinawakan ko ang kamay ni Errol at pinatong sa tuhod ko habang nakaupo kami.

"Wala naman," sagot niya. "Siguro nagtataka lang ako."

"Nagtataka saan ho?"

Tinapik ako ni Errol. "H'wag ka na lang magtanong."

"Sorry po." Matagal din siyang tumahimik. Paminsan-minsan sinasabi niya sa amin kung nasaan na kami. Tinuturo niyaa ng mga isla at sinasabi niya sa amin ang mga pangalan nito. Bumaba kami sa isang isla at kumain ng halo-halo kasama ang ibang turista. Lumapit siya sa amin ni Errol. "Boss, pasensiya na kayo kanina."

"Saan?"

"Sa mga tanong ko."

"Okay lang yun," saad ko habang sumusubo ng halo-halo. At least man lang naibsan ang init. "Gusto niyo?"

"Sawa na ako diyan, boss." Habang nakatingin siya sa ibang turista ay muli niya akong kinausap. "May anak din akong lalaki." Nadadyahe yata siyang magkwento. Di ko na rin tinanong. Pero nagpatuloy din si manong. "Nagka-syuta din siya ng lalaki."

"Ganun po ba? Okay lang naman ho sa inyo?"

"Syimpri nung una hindi, piro wala naman akung magawa."

"Suportahan niyo na lang ho kung san siya masaya."

"Kayo ba tinanggap kayo ng mga magulang niyo?"

"Oo naman." Inakbayan ko si Errol na tahimik yata. Nakikinig lang. "Alam naman ng mga malapit sa amin, eh. Invited nga silang lahat nung kasal namin."

Nagulat si manong. "Di ba lalaki at babae lang kinakasal?"

"Yung amin naman hindi naman yun legal. Gusto lang namin i-celebrate kung ano'ng meron kami." Nilingon ko si Errol na ngumiti ng hilaw. "Di ba, baby?" Kinindatan ko siya. Yun, kinurot ako sa pisngi.

Enchanted Series 4: This Is It!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon