Chapter 40

1.9K 93 43
                                    

(Errol)

Tahimik na natutulog si Ivan sa tabi ko. Wrong timing naman. Kung kelan naghanda ako, tulog siya. Pero alam ko pagod siya dahil sa pag-aasikaso ng mga bisita't kaibigan namin. Nakatagilid siya paharap sa akin. Nakapikit ang mga mata. Dinampi ko ang daliri ko sa kanyang pilikmata, tapos sa dulo ng kanyang ilong. Matagal ko siyang pinagmasdan. Matagal kong pinakinggan ang tunog ng kanyang paghinga. Siya marahil ang regalo sa akin ng universe matapos ang lahat ng hirap na dinanas ko.

Nauhaw ako. Nakakauhaw pala titigan siya nang matagal. Kaya bumangon ako at kumuha ng tubig sa fridge ni Ivan sa room niya. O sa fridge namin. Napangiti ako sa idea. Ginala ko ang tingin sa malawak niyang room. Mas maayos na siya kesa nung una ko itong nakita. Ang tahimik. Kaya lang ayaw talaga kong dalawin ng antok.

May ginagawa si Ivan sa akin na gusto ko ring gawin sa kanya. Humiga ako sa tabi niya at halos mahulog na ako sa gilid ng kama. Pinatong ko ang hita ko sa hita niya at niyakap ko siya. Malamig ang braso niya, dahil malamang sa "aircon." Sarap hawakan ng muscles niya. Sorry, Ivan, pinagnanasaan kita habang tulog ka. Napangiti ako. Inamoy ko ang leeg niya. Hindi siya naligo bago matulog. Kaya amoy ko pa rin ang cologne niya na medyo naghalo sa natuyo niyang pawis. Hinalikan ko ang leeg niya, matagal na halik.

Pinatong ko ang pisngi ko sa pisngi niya. Clean-shaven siya ngayon kaya hindi ko nararamdaman ang mga matutulis na balbas niya. Habang nasa ganoon akong posisyon ay sumagi sa isip ko ang napakaraming bagay, mga bagay na nagpanatili sa aking gising. At dahil ayaw nga akong dalawin ng antok ay naisip kong lumanghap ng sariwang hangin.

Mula sa terrace ng kwarto ni Ivan ay tanaw ko ang tahimik na subdivision. Marami sa mga bahay ay patay ang mga ilaw. Walang tao sa kalye. Sino naman ang maglalakad ng madaling araw? Masyado ko lang kinumpara ang lugar na ito sa Sampaloc. Namimiss ko ang simoy ng hangin doon. Kahit sabi nila grabe na ang pollution, doon pa rin ako lumaki. Maraming alaala ang lugar na yun.

Kahit malamig ang handrail, hindi nito inibsan ang init na nararamdaman ko sa puso ko. Ang cheesy nun. Natawa ako. Tumingala na lang ako habang pumapasok sa ilong ko ang malamig na hangin. Kumikislap ang mga bituin.

Laking gulat ko nang biglang may yumakap sa akin. Ang higpit ng yakap. Nahawak na lang ako sa mga bisig ni Ivan habang hinahalikan niya ang batok ko.

"Ba't ka umalis sa tabi ko?" bulong niya. Hinimas niya ang mga braso ko. Nakadama ako ng relief mula sa lamig dahil sa init ng katawan niya.

"Hindi kasi ako makatulog." Napapikit ako sa ginagawa niyang paghalik sa leeg ko. Ang sarap, nakakakiliti.

"Ba't naman hindi makatulog si Mr. de la Torre?" Oo nga pala. Dahil asawa na niya ako, pareho na kami dapat ng apelyido. Pero hindi nga recognized ang kasal namin legally. Pero that's not the point.

Nakakakiliti ang hininga niyang tumatama sa balat ko. "Marami kasi akong iniisip."

"Ano na naman ba yang mga iniisip mo? Dapat hindi ka na masyadong nag-iisip." Dinuduyan ako ng masuyo at malambing na bulong ni Ivan.

Parang mawawalan na naman ako ng ulirat. "Masyado lang siguro akong masaya, kaya di ako makatulog." Humarap ako sa kanya. Gusto ko siyang halikan. Pero bago ko pa magawa yun sinunggaban na niya ako. Gumapang ang mga kamay ko mula sa mga braso niya papunta sa batok niya habang siya naman ay diniin ang ulo ko sa kanya. Lumaban ako sa halikang yun kasabay ng pagpapaubaya sa kanya.

Nagtama ang mga dila namin, nilaro ang bawat isa, habang binabasa ng mga labi namin ang labi ng bawat isa. Walang humpay ang halikang iyon. Tinangay na ako ng mga sensasyon sa kung saan. Tuluyan na akong nawala sa dito at ngayon.

Nag-iinit ang katawan ni Ivan, at ganun din ang sa akin. Maging ang hininga niya ay mainit na rin. Sabik na sabik kami sa isa't isa. Batid ko yun sa kung paano namin siniil ang labi ng bawat isa. Hindi na ako magkakaila. Na-arouse na ako sa mahina niyang mga ungol.

Enchanted Series 4: This Is It!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon