Chapter 39 - The Wedding

1.5K 89 24
                                    

(Ivan)

Hindi ko na pinakinggan ang sermon ng ministro. Sulyap lang ako nang sulyap kay Errol. Para siyang isang cute na angel. Ang saya niyang tingnan. Sana batid niya rin kung gaano ako kasaya. Pareho kaming naka-coat. Mainit ang umaga. Di bale na. Medyo umiihip naman ang hangin. Hinintay ko ang signal mula sa ministro na pwede ko na hawakan ang kamay niya.

"To everyone here, to Ivan's and Errol's family and friends, may you bless them now that they enter this union. May you promise that that in the years ahead you shall give them your love and support in good times and in bad." Tumango ang ministro kina mama.

"Yes, we do," sabay na saad nina mama, nanay, at tatay.

"It's time" -- ngumiti ang ministro sa amin -- "to say your vows to each other."

Ngumiti ako kay Errol. Hinawakan ko ang kamay niya. Nanginginig siya. "I'm here with you today to join you in the years to come. Baby..." Huminto ako nang tumawa ang lahat. May sumipol pa. "I promise to be true to you, to respect you, and to grow old with you."

Tuluyan na siyang umiyak.

"Ang dami na nating pinagdaanan, at na-realize ko kung gaano ka kahalaga sa akin." Hinawakan ko ang baba niya para matingnan niya ako. "You are a brother to me, my best friend, my trusted pal, my sweetheart, my baby." Kinurot ko ang baba niya.

Medyo natawa na naman ang mga nasa paligid namin.

"Sana maging stronger pa ang samahan natin. Sana kahit sa pagtanda natin ako pa rin ang hot para sa iyo."

Tumango siya habang ang nasa paligid namin ay tumatawa.

"Time shall pass, but I don't know what the future holds for us. I vow that you will be here" -- nilapat ko ang kamay niya sa dibdib ko -- "for as long as I live. At kung may next life man, hahanapin ulit kita, at sana dun ako pa rin ang piliin mo." Hindi ko napansin ako rin pala naiyak.

Pero mas grabe ang iyak ni Errol. Nababasag ang boses niya habang nagsasalita. "Ivan, words... words are not enough to describe how happy I am. And words are not enough to pledge my love to you. I promise to be with you for the rest of my life. I promise to be your partner, your friend, your companion whatever the future holds."

"May I have the rings?" saad ng ministro. Inabot ni Diana sa kanya ang mga singsing. Ta's muli siyang nagsalita. "Let these rings be forever a symbol of your unwavering love. Let these rings be a symbol of you giving each other love and receiving each other's love. May they remind you of the vows you have taken. Blessed be these rings. Ivan, will you place this ring on Errol's finger."

Kinuha ko ang isang singing at sinuot ito kay Errol. "Errol, I give you this ring as a symbol of my love for you."

"Errol," saad ng ministro, "will you place this ring on Ivan's finger."

"Ivan, I give this ring to you as a symbol of my love."

Tahimik kaming nakinig ni Errol sa sermon ng ministro. Hindi na sumagi sa isipan ko kung ano pa ang mga sinabi niya. Ang tumatak na lang sa isipan ko ang mga huling katagang binanggit niya.

"...it is my joy and pleasure to pronounce you partners in life."

Sinunggaban ko na ang lips ng misis ko, este mister pala. Nagpalakpakan na ang lahat. Naging abala kami buong maghapon. Akala ko konti lang dadalo. Dumalo ang mga dating kasama ni Errol sa dalawang trabaho niya noon. Kausap naman ni Errol sina Aling Sol. Of course, sina Cindy at Bryan naroon. Ang cute nina Baby Patricia at ni Chloe. Nandun din si Shanice, yung dating gf ni Erik, kasama ang anak niya. Syempre, mawawala ba sina Ate Liz at Jansen?

Hindi ko inasahan na iimbitahan ni mama ang dati kong barkada. Medyo nadyahe ako kasi ang alam nila dati chickboy ako. Chick naman 'tong inasawa ko, chicksilog, chick na may itlog. Oy! H'wag kayo, mahal na mahal ko 'to.

Hindi ko na inisip kung okay ba sa kanila o ano. Ang mahalaga naman ang nararamdaman ko at ang nararamdaman ni Errol. Kami naman ang magsasama. Hindi naman sila. Masaya ako, hindi lang dahil kasal na kami, kundi dahil din sa unang pagkakataon ay nagkaroon ako ng paninindigan.

Ang saya ni Errol. Ang sigla ng mukha niya. Habang tinitigan ko siya sa di kalayuan kausap si Shanice ay napapangiti ako. Malayo na siya sa dati niyang malungkot na disposisyon. Napalingon siya sa akin at nagngitian kami. Ewan ko kung maniniwala kayo, pero kinikilig din ako kapag nakikita ko ang ngiti sa maamo niyang mukha.

Lumapit si Dane sa akin. "Congratulations." Nakangiti niyang nilingon si Errol na abala pa rin sa kwentuhan nila ni Shanice. "I'm envious," saad niya nang muli siyang tumingin sa akin.

"You shouldn't be," sagot ko. "You have David."

"That's not what I mean. I'm envious of your marriage."

"I know it's just a ceremony, and our country doesn't recognize it," saad ko. "But who cares? It's us that matter here."

Tumango siya. "David and I talked about marriage plans, too, but I personally want to do it when we're no longer working for Rod."

"Why don't you quit?"

"I want to." Nilingon niya si David na kausap si Diana at si Julie. "But I can't leave David."

Pinatong ko ang kamay sa balikat niya. "If you're meant for each other, time will make a way for you."

"You believe that?" Kumunot ang noo ng loko-loko. Ayaw pa yata ako paniwalaan. Minsan lang ako nagpapaka-life guru, eh.

Tinitigan ko na lang si Errol at tumango habang ngumingiti.

Tumayo si Dane sa gilid ko at pinagmasdan na rin si Errol. "I don't think it was time or destiny or whatever force in the universe that brought you to each other. You made a decision to stay in each other's lives." Ngumiti rin siya. "It's your conscious decision that counts."

Napaisip ako sa sinabi niya. May punto si Dane.

"We're going back to Nevada next morning."

"Thanks for staying for our wedding." Inakbayan ko siya.

Inakbayan niya rin ako. Parang magkumpare lang kami. "I'm going to miss that short guy. Take care of him for me, will you?"

"Of course."

--------------------------

Hi, guys. We're almost there. I'll post the next chapter next week. Abangan niyo ang isa na namang mainit na kabanata. 

On Christmas Day, abangan ninyo ang isang proyektong nilahukan ko. Isa siyang One Shot Writing Event na nabanggit ko noong nakaraan. It's a compilation of BXB stories na may temang "Defining the Colorful Love in Christmas." Sa unang pagkakataon ay makakasama ko ang mga well-established na mga Wattpad writers gaya nina Xakni_allyM, Iam Kenth, Elusive Conteuse, at Elle Sugi. Abangan ninyo ang collaboration na yan na ipapaskil namin simultaneously on Sunday (December 25).

The next chapters are posted in Private. Only my followers can read them.

Enchanted Series 4: This Is It!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon