Chapter 4

3.1K 120 23
                                    

(Errol)

Tahimik akong nakaupo sa passenger's seat, paminsan-minsan ay sinusulyapan si Ivan. Gusto ko lang siya pagmasdan, ang mukha niya, ang mga pilik-mata niya, ang ilong niya, ang mga labi niya. Ang gwapo niya.

Naalala ko noong una ko siyang makita. Naalala ko kung paano ako natulala that time. Noong gabing iyon, pinangarap ko na siya. Noong gabing yun pinangarap ko ang isang bagay na noon ay feeling ko imposibleng mangyari. Parang kelan lang. Ang dami na naming pinagdaanan ni Ivan.

Tinapik niya ako. "Ano'ng problema?"

"Wala," bigla kong nasambit habang binabalik ang tingin sa labas. Pinunasan ko ang mga mata ko.

"May namimiss ka siguro sa States, 'no?"

Namimiss ko talaga itong pilyong ngisi ni Ivan. Mamimiss ko ito pagbalik ko ng Amerika. Pwede bang dito na lang ako? Pwede bang tumigil na lang ang oras?

"Huy!" Muli niya akong tinapik.

"Ano?" Kunyari ay naiirita ako.

"Sino yang nagpapaluha sa baby ko?" asik nito. "Uupakan ko yan."

"Wala --"

"Don't tell me napuwing ka lang." Muling pinalitaw ng kanyang tawa ang mapuputi niyang mga ngipin. "Walang alikabok dito sa loob ng kotse. Di ka mapupuwing." Ang sigla ni Ivan. Maaliwalas ang kanyang itsura. Parang ang saya niya tingnan. Nakakahawa yung mood niya.

"Ang gwapo mo!" Marahan ko siyang sinuntok sa braso. Sandali niya akong sinulyapan. Napabuntong-hininga ako sa tamis ng ngiti niya. Hindi ko na namalayan na kinukurot niya pala ang pisngi ko.

"H'wag ka nagpapacute sa'kin nang ganyan," saad niya habang kinukurot ako. "Baka gahasain kita dito."

"Aray!" Marahan ko namang sinuntok ang bisig niya.

"Nanununtok ka na talaga, ha." Ginulo niya ang buhok ko.

"Ano ba?" Nagkukunyari na naman akong naiirita pero kinikilig talaga ako. Namimiss ko kasi 'tong mga gan'to.

"Baby, alam mo maninibago yun pag nakita niyang ganyan ka na."

"Ano na ba ako? Ako pa rin naman 'to!"

"Di, iba ka na. Macho ka na!" Marahan din niya akong sinuntok sa braso at hinawak-hawakan ito. "Yan oh! Malaman ka na. Di na gaya ng dati."

"Ano ba ako dati?"

"Slim!"

"Pangit ba ako dati?" Inalis ko ang kamay niya sa braso ko.

"Cute ka naman dati pa, eh. Mas pumogi ka lang."

"Sino ba 'tong imemeet natin?"

"Matagal ka na gustong makita nito. Galit 'to sa akin nung nawala ka. Parang peace offering ko na 'to."

Napakunot ako ng noo. "Alay talaga ako?" Tawa lang ang narinig ko mula sa kanya habang dinadanaan namin ang mga nasirang bahay. Nalinis na ang marami sa mga kalsada. Pero kitang-kita ang pinsala sa malaking bahagi ng Manila. "Ang daming nasira."

"Wala kang kasalanan dito."

Ewan, pero parang nagiguilty pa rin ako. Parang part ako ng malagim na nangyari. Hindi pala parang. Part talaga ako. "Alam mo ba kung ilan na ang casualties?"

"Hindi ko alam, eh."

Sinandal ko na lang ang siko ko sa bintana ng kotse habang tinatanaw ang mga napinsalang gusali.

"Bakit ba kasi dito tayo dumaan?" asik ni Ivan na biglang niliko ang kotse.

"Sino ba talaga yang pupuntahan natin?" muli kong tanong.

Enchanted Series 4: This Is It!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon