Ilang araw matapos ang aming entrance examination, natanggap ko na ang resulta at masayang masaya ako dahil nakapasa ako at makakapag aral ako sa Genie National College, ngunit nakakalungkot dahil hindi kami magkasama ni Anne, hindi kasi siya nakapasa kaya kumuha ulit siya ng entrance exam sa ibang university at doon siya nakapasa.
"ate! Nasaan yung mga hiniram mong mga damit sa akin?" Tanong sa akin ni nicole pagkarating ko sa bahay
"Naisoli ko na sa cabinet mo nicole, baka hindi mo lang nakita." Sagot ko sa kanya.
"Kapag kasi nanghiram ka ibalik mo sa akin ng maayos" Inirapan niya pa ako bago siya umakyat sa kaniyang kwarto
HAYS!! Kahit kailan talaga iyong kapatid kong iyon. Bakit kaya siya mataray? Mabait naman si mama sa amin
"Anak , halika dito tulungan mo ako" sinalubong ko si mama at tinulungan sa kaniyang mga dala, at may tinawag siyang lalaki
"halika hijo,ipasok mo iyang mga dala mo rito" Napatingin ako sa lalaking tinawag ni mama.. WAIT!!! SERYOSO BA TO!!???
"IKAW!!!" Sabay naming sabi
Bakit siya nandito? Anong ginagawa niya dito?
"Magkakilala kayo?" Takang tanong ni mama
"Hindi po!" sabay na naman namin sabi
Aba't! ginagapaya pa talaga ako!! Kaimbyerna! Bakla talaga bwiset!
"paano at saan kayo nagkakilala? Tanong ulit sa amin ni mama
"tsk! Sa entrance exam po tita, nakasabay ko po siya." Aba kunyari magalang pero salbahe namn itong baklang ito!
"aba'y mabuti naman kung ganun, magkakasundo na kayo agad" nagtaka ako sa sinabi ni mama
"magkakasundo? Bakit ma?" tanong ko kay mama
"kasi anak dito muna titira itong si Paolo, para naman ay may mag bantay sayo."sagot sa akin ni mama
"Ano ako ma!? BATA!? 6 years old!? Na kailangan pang bantayan? tsaka hindi ako mababantayan niyan! mas babae pa nga sa akin yan eh." inis kong sabi kay mama
"Huwag kang mag inarte, hindi ko rin naman ito ginusto, at anong sinasabi mong mas babae ako sayo baka gusto mong makatikim sa akin!" sabi ni Paolo ba yun!?
" Tignan mo! Tignan mo bakla ka talaga!! nananakit ka ng babae! BAKLA! " sabi ko sa kanya
"Tama na yan Patricia! Pasensiya na Paolo" sabi ni mama "anak pansamantala lamang ito wag kang mag – alala" dagdag pa ni mama
May magagwa pa ba ako?
Ang nakakainis pa sa kwarto ko siya pinapatulog ni mama, dahil mas malaki ang kwarto ko kumpura sa ibang kwarto dito, May pull – out bed pa ang kama ko kaya dun siya hihiga.
Ang hirap ng ganito wala na akong privacy, hindi na ako pwedeng magbaliw – baliwan hahhahaha
Hinayaan ko na lamang siyang mag – ayos at magpapahinga na lamang ako. Unang araw ko bukas ayokong maistress kailangan sa first day ko maganda mood ko..
IKAW NA KAYA?
BINABASA MO ANG
(Asymptote) Pinagtagpo ngunit hindi Itinadhana
Short StoryMay masaya, komplikado at nakakalungkot. Masaya sa paraang na kuntento kayo sa kung anong meron kayong dalawa Komplikado dahil hindi niyo alam kung saan ang patutunguhan ng relasyon niyo. Nakakalungkot dahil hindi niyo alam kung mahihirapan ba kayo...