KABANATA 8

44 3 0
                                    

Dumating ang unang araw ng presentasyon ng mga estydyante. Kami ay nasa huling araw. Kaya ngayon ay parang libreng araw lang namin, lahat ng tao ay busy sa kani - kanilang mga ginagawa.

May mga estudyanteng naglilibot, dahil may mga booths rin na inihanda na may iba't-ibang tema. Nasa may rooftop lamang ako kaya't kita ko ang mga taong mistulang langgam mula sa taas.

"Malalim ata ang iniisip mo?" Napatingin ako kay Paolo na tumabi sa akin habang pinapanuod ang mga tao.

"May problema ka ba Pat?" Umiling ako bilang sagot.

"Sigurado ka ba? Napansin ko na ilang araw mo na kong hindi kinakausap ng maayos. Nagsasalita ka lang kung importante. May nagawa ba ko?" Nakita ko ang panlulumo sa kanyang mga mata. Napayuko ako dahil sa kahihiyan na aking naramdaman.

"Sabihin mo naman sakin, nakakabaliw kasing mag-isip kung bakit ka ganyan." Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin.

Naramdaman ko ang paghawak niya sa magkabilang balikat ko at tinitigan ako sa aking mata.

"Wala lamang ito Paolo, marahil ay pagod lamang ako sa nakalipas na araw kaya't di kita nakakausap ng matino. Pasensya na." Tinanggal ko ang mga kamay niya sa aking balikat at naglakad palayo.

Narinig ko ang pagtawag niya sa akin ngunit nagpatuloy lamang ako sa paglalakad. Parang awa mo na Paolo, tama na. ayokong masaktan kita.

Nahuli ako sa paguwi sa bahay dahil madami akong tinapos sa silid-aklatan. Pasado alas-diyes na ko dumating sa bahay. Alam kong tulog na sila mama kaya't ikinabigla ko na bukas pa ang ilaw sa ibaba ng bahay namin.

Pagpasok ko mukha ni Paolo ang humarap sa akin. Kitang-kita ko ang pag-aalala sa kaniyang mga mata.

"Saan ka nanggaling ha? At bakit ngayon ka lang? Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko sa iyo? Bakit hindi ka man lang nagtext? Alam mo bang alalang-ala ako sayo, dis oras na ng gabi Patricia ano ka ba naman?!" Nabigla ako sa sunod-sunod na tanong niya.

"Una sa lahat Mr. Paolo Buenaventura, hindi na po ako bata para magpaalam kahit kanino. Pangalawa, hindi kita tatay para pagalitan ako ng ganyan. Uuwi ako sa oras na gusto kong umuwi at wala kang pakealam dun!" Inis kong sabi sakanya. Nabigla siya sa inasal ko sakanya. Ano ka ngayon ha?

"Magpapahinga ako, sa susunod wag mo na kong pakekealaman ha? Dahil wala kang karapatan sa lahat ng bagay tungkol sa akin." Iniwan ko siya sa sala at umakyat sa kwarto upang makapagpahinga.

Ang araw na ito ay sobrang nakakapagod. Puro nalang kami pagtatalo at hindi kami magkaintindihan.

Paano kayo magkakaintindihan kung ayaw mong sabihin ang problema mo?

Ano ba ito? pati ba naman konsensya ko nakikisali hays. Mukhang pagsisisihan ko ito bukas, wala pa namang pasok.

Tama nga ang hinala ko. Kinabukasan ay hindi kami nagkikibuan ni Paolo. Pero pinagsisilbihan niya pa rin ako ngunit ramdam ko ang pagkailang niya sa akin.

"Uhh..anak? Ayos lang ba kayo ni Paolo?" Tumango lamang ako bilang sagot.

"Hay nako ma, hayaan mo na nga muna yang sila ate. Masyadong nagiinarte halata naman." Napatingin ako sa kapatid kong si Nicole at tinaasan ng kilay.

"Halata namang ano nicole?" Takang tanong ni mama.

"Halata namang gusto nila ang isa't-isa, nagtataguan pa ng feelings." Naramdaman ko ang pagkabigla ni Paolo sa sinabi ni Nicole

"nicole, hindi yan totoo. Wala akong gusto kay Paolo at kahit kelan hinding-hindi ako magkakagusto sakanya." Bakit nasasaktan ako sa mga salitang binitawan ko? Diba dapat hindi. dahil iyon ang totoo!

Narinig ko ang pagbagsak ng kubyertos ni Paolo kaya't napalingon ako. Tumayo siya at tumalikod ngunit nagsalita muna bago tuluyang umalis. Ang mga salitang binitawan niya ang nagpayanig sa mundo ko.

"Pasensya na po Tita,pero mahal ko po si Patricia. Mahal na mahal."

Umalis siya ng bahay matapos ang pangyayaring iyon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya bumabalik.

"Ahh ganun ba? Sige buti na lamang ay tumawag ka. Nag-aalala na ko sa batang iyan,nandyan lang pala." Alam kong si Paolo ang tinutukoy ni mama.

Siguro ay kasama niya ang kanyang ama ngayon..

Naramdaman ko ang pagpasok ni mama sa kwarto kaya't nagpanggap akong tulog.

"Alam kong gising ka pa at gusto mong malaman kung nasan siya. Nandun siya sa tito niya at dun magpapalipas ng gabi wag ka ng mag-alala." Nang hindi ako sumagot ay sinarado na ni mama ang pintuan.

Hays Paolo, patulugin mo naman ako. Lintek na yan bakit kasi kailangan pang magkagusto ka sa akin!

Kung sana lang ay kaya ko kitang mahalin pabalik.

(Asymptote) Pinagtagpo ngunit hindi ItinadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon