KABANATA 12

32 3 0
                                    

Gabi na ng dumating kami ni Paolo sa bahay dahil sa marami kaming ginawang proyekto. Labis ang kabang naramdaman ko ng nakita ko si Mr.Buenaventura sa aming sala na masayang nakikipagkwentuhan kay mama.

"Oh mukhang ginabi kayo? May mga ginawa ba kayong mga proyekto?" Takang tanong ni mama sa akin

Wala siyang alam sa mga nangyayari dahil sa akin mismo ipinagtapat ng aking ama ang lahat. Hindi niya ako hinayaang sabihin ito sa kinikilala kong ina.

"Opo, Madami lang pong proyekto sa paaralan." Sagot ni Paolo. "Bakit po kayo nandito dad?" Baling nito sa kanyang amahin.

"Nangangamusta lamang. At dinala ko na rin ang iyong allowance para sa loob ng dalawang linggo." Parang paulit-ulit kong narinig ang salitang dalawang linggo. Nanahimik na lamang ako.

"Balita ko ay aalis ka papuntang ibang bansa?" Rinig ko mula sa kusina ang kanilang paguusap. Hindi ko ata kakayaning makaharap ang aking ama kaya't iniwan ko na lamang sila roon.

"Oo pupunta akong sa Paris, upang dumalo sa isang kasal." Natigilan ako sa paginom ng tubig, bakit ba puro pahiwatig ang kanyang ginagawa?

Gusto niya ba talagang saktan ng lubusan si Paolo? Hindi ko kaya, ngunit mas pipiliin ko ang masaktan na lamang si Paolo kaysa kuhanin ng aking ama ang kanyang buhay.

Dalawang linggo. Dawalang linggo nalang ang natitira sa akin upang gawin ang bagay na ayaw kong gawin. Sana ay pagtapos nito ay tigilan na ng aking ama si Paolo.

"Kamusta? Bakit nagiisa ka rito?" Napatingin ako sa likod at nakita ko ang aking kinilalang kapatid na si Nicole.

"Ayos lang. Mukha kasing kailangan ng mag-ama na magusap." Sagot ko sakanya.

"Ate magpapanggap ba tayo dito? Dalawa lang tayo dito. Alam ko ang lahat-lahat." Nagulat ako sa sinabi niya at mas nagulat ako nang tawagin niya akong ate.

"Anong alam mo na ang lahat-lahat?" Gulat kong tanong sakanya.

"Alam ko lahat ng tungkol sayo at sa ama ni Paolo. Hindi sila tunay na magkadugo dahil ikaw ang tunay na anak. Alam ko rin ang pananakot na ginagawa niya sayo Ate." Labis ang pagkakaba ko sa kaniyang mga sinabi. Hindi dapat ito malaman ng kahit na sino.

"Ate." Naramdaman ko ang paghawak niya sa aking mga kamay.

"Huwag kang magpadala sa takot. Labanan mo ang iyong ama lalo na't alam mong nasa tama ka." Sabi niya.

Bakit niya sinasabi sa akin ang lahat ng ito?

"Oo alam ko hindi tayo magkadugo at palagi kitang inaaway. Ngunit kahit ganon ay minahal pa rin kita, nag-aalala rin ako sayo ate. Sana maging tama ang lahat ng desisyong gagawin mo." Nakangiti niyang sabi sa akin.

"Salamat Nics, sana nga maging tama ang desisyon ko." Sabi ko at niyakap siya.

"Kung mahal mo talaga si kuya Paolo, ipaglaban mo siya sa lahat ng posibleng paraan." Bulong niya sakin at mas niyakap pa ako ng mahigpit at ganon din ang ginawa ko sa kanya.

"Aww ang saya naman tignan ng mga anak ko na nagkakasundo. Anong meron at napakasweet niyong dalawa?" Natatawang tanong ni mama pagpasok niya sa kusina.

"Wala ma, namiss ko lang itong si Ate." Nakangiting sabi ni Lea.

"Sali ka nga dito mama ." Tapos niyakap niya kami ng mahigpit.

Masaya ako dahil kahit hindi nila ako kadugo ay tinuring nila akong totoong kapamilya nila.

Ngayon, isang pagsubok ang dumating sa buhay ko. Panginoon, sana po ay gabayan niyo ako upang maging tama ang lahat ng aking gagawin.

Sa buhay ng tao hindi laging masaya. Dumadating din yung panahon na dapat tayo magsakripisyo para sa ikabubuti ng lahat.

(Asymptote) Pinagtagpo ngunit hindi ItinadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon