KABANATA 13

42 2 0
                                    

*isang mensahe ang natanggap*

Nagising ako dahil sa tunog mula sa aking cellphone at nakita kong hawak ito ni Paolo.

"Uhh... pwede ko bang makuha yung cellphone ko?" Alanganin kong tanong sakanya.

"Nag-uusap pa pala kayo ni Angelo?"Halata ang tabang sa mga salitang binitawan niya.

"Oo naman, magkaibigan pa rin naman kami."Sagot ko sakanya.

"Magkaibigan? Na ganyan Kung makapagtext tsk."Tapos ay binato niya sa kama ang aking cellphone at pinagpatuloy ang ginagawang takda.

Napakunot ako sa inasta niya? Anong ibig niyang sabihin.Binuksan ko ang mga mensahe at nakita ko ang text ni Angelo sa akin.

From Angelo:

Magandang umaga mahal 💓 Gising na po, tapos kain ka na ng almusal. Mahal na mahal po kita 💓

Bigla akong naguluhan. Anong sinasabi nito? Hindi naman kami ganito mag-usap noong nakaraan.

Tumunog muli ang aking cellphone at nakita kong si Angelo ang nagtext. Naramdaman ko ang paglapit ni Paolo upang makibasa.

From Angelo:

Hala pasensya na Pat, nagkamali ako ng pinagbigyan ng mensahe. Para kay Krystal sana iyan, pasensya na talaga.

Naalala ko pala noong mga nakaraang araw natuto ng makiramdam itong si Angelo. Si krystal naman talaga ang gusto niya at hindi ako hays. Napatingin ako kay Paolo na ngayon ay hindi maipaliwanag ang mukha. Isang matamis na ngiti ang gumuhit sa aking mga labi.

"Anong nginingiti mo riyan Patricia?"Naasar niyang tanong.

"Wala po, maliligo na po ako." Di ko napigilan ang pagtawa kaya't tumakbo na ako papuntang banyo upang di niya magawa ang kanyang nais gawin.

Matapos kong maligo ay bumaba muna kami upang makapagumagahan. Sabado ngayon at napagdesisyunan naming lumabas ni Paolo, ngayon ko na rin plinanong ipagtapat sakanya ang lahat, dahil kinabukasan ay aalis na ako patungong Paris.

Hindi ko alam kung paano ko ito sasabihin at kung paano niya tatanggapin ang lahat ng katotohanang malalaman niya.

"Ano tara na? May pupuntahan tayo dali." Nagulat ako ng nakita ko ang isang magarang sasakyan sa labas.

"Sa iyo ba ito?" Tanong ko ng may pagkamangha.

"Oo binigay ito ni daddy noong birthday ko." Bigla akong nakaramdam ng kaba ng sinabi niya ang tungkol sa kanyang ama na aking ama. Naging mabuti nga ang aking ama sakanya ngunit alam kong may kapalit ang lahat ng ito. At iyon ang saktan si Paolo.

"Ano tara na? Wag kang mamangha masyado dyan at baka pati iyan ay pagseselosan ko." Napakunot ang aking noo sa kanyang sinabi kahit kailan talaga napakapalabiro nitong lalaking ito.

"Saan ba tayo pupunta?"Tanong ko ng nagsimula na siyang magmaneho.

"Basta. Maganda doon, alam kong magugustuhan mo."Tas ngumiti at ipinagpatuloy ang pagmamaneho.

Ang kanyang mga ngiti ay napakatotoo, parang ayoko ng saktan siya.

Ayokong mawala ang masasayang ngiti sakanyang mukha.

Buhay niya o Ang kaligayahan niya Patricia?

Kung pipiliin ko ang kanyang kaligayahan, may posibilidad na ito'y maglaho na lamang.

Kung ang buhay niya ang aking pipiliin, maaari pa siyang maging masaya kapag nakalimutan na niya ako at mahanap ang taong nararapat para sakanya.

Mapatawad mo sana ako Paolo

(Asymptote) Pinagtagpo ngunit hindi ItinadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon