"Anong nagyari kay Paolo?" Tanong ni Jasper.
"May problema ata, Patricia sundan mo kaya." Natauhan lang ako sa sinabi ni Kristine sakin.
Pinilit kong maglakad para sundan si Paolo. Hinanap ko siya kung saan saan sa campus. Nang napagod ako ay napagdesisyonan kong umakyat sa rooftop para magpahangin..
"Bakit Patricia! Bakit ganito ang epekto mo sakin?."
"Ikaw lang ang gumawa ng ganito sa akin."
"Ikaw lang ang babaeng minahal ko ng ganito, ngunit ang hirap ipagtapat sayo."
Natigilan ako sa mga salitang binitawan ng lalaking pamilyar ang boses sakin..
"Mahal na kita Patricia, mahal na mahal." Nakita ko si Paolo habang sinisigaw ang mga katagang iyon.
Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Matutuwa ba ko? Naguguluhan ako sa lahat ng nararamdaman ko.
Mahal niya ako. Ngunit ako? Magulo pa ang aking isipan. Kaya mas pinili kong tumakbo palayo at isiping walang nangyari, wala akong narinig.
Umuwi ako matapos ang lahat. Hindi ako sumabay sakanya at nagtext nalang sa kanya
Dumiretso ako sa kwarto ko para makapagpahinga. Pinagisipan ko lahat ng nangyari sa araw na ito.
Mahal ako ng tao na hindi ko siguradong mahal ko rin. Ano nga naman kung mahal niya ako? Kailangan ba'y dapat mahal ko rin siya?
Ngunit may kakaibang pakiramdam siyang ibinibigay sa tuwing magkasama at magkausap kami. Hindi ko pa ito naranasan sa tanang buhay ko.
"Patricia." Isang malambing na tinig ang nagpagising sa aking diwa.
Pilit kong iminulat ang aking mga mata upang masilayan si Paolo na nakangiti sa akin.
Nakatulog pala ako sa sobrang pagod.
"Okay ka lang ba? May masakit ba sayo?" Tanong niya. Umiling lamang ako bilang sagot.
Naalala ko lahat ng nangyari at narinig ko.
"Mahal na kita Patricia, mahal na mahal."
Paulit-ulit ito sa aking isipan lalo na't nasa harapan ko ang lalaking nagmamahal sa akin ng higit sa pagkakaibigan.
"Wala nga pala tayong pasok bukas, dahil mag-aayos lamang para sa gaganaping program sa susunod na araw."
Tumango lang ako sakanya bago pumasok sa banyo upang makapaghilamos.
Naiilang ako sa kaniya ngunit kailangan kong magpanggap na ayos lang ang lahat. Ayokong isipin niyang nagfefeeling ako. Hindi lang naman ako ang Patricia sa mundo diba?
Sana nga iba na lamang iyon. Dahil kung ako man iyon, ayokong maging magulo ang lahat, Ayokong maging magulo ang buong pagkatao ko dahil lamang dito.
Ang pag-ibig naman ay hindi minamadali kung kayo talaga ang para sa isa't-isa, sa bandang huli kayo pa rin ang magkakatuluyan.
"Pat, galit ka ba sa akin?" Tanong niya habang kumakain kami.
Inantay niya pa pala kong magising bago kumain, sila mama ay natutulog na. Umiling lamang ako sakanyang tanong.
"Bakit hindi ka nagsasalita? may nagawa ba ako?" Tanong niya muli. Hays wag mo naman akong pahirapan ng ganito Paolo.
"Wala naman, wala lamang akong gana pasensya na." sagot ko.
"Sigurado ka bang wala kang sakit?" Tumango ako ngunit mukhang di niya ako pinaniwalaan. Kitang-kita sa mga mata niya ang pag-aalala.
Pasensya na Paolo, ayokong magkagulo ang lahat. Sa tingin ko ay mas makakabuti sa atin na kalimutan mo na lamang ang nararamdaman mo para sa akin.
Sana ay.......mas pinili mo na lamang na magmahal ng iba.
BINABASA MO ANG
(Asymptote) Pinagtagpo ngunit hindi Itinadhana
Short StoryMay masaya, komplikado at nakakalungkot. Masaya sa paraang na kuntento kayo sa kung anong meron kayong dalawa Komplikado dahil hindi niyo alam kung saan ang patutunguhan ng relasyon niyo. Nakakalungkot dahil hindi niyo alam kung mahihirapan ba kayo...