KABANATA 9

45 3 0
                                    


Kinabukasan ay ang araw ng presentasyon namin. Nagensayo lamang kami sa room habang nagiintay.

"Patriciaaaa! sama ka sa akin dali!!" Nagulat ako ng hinila ako ni Kristal papunta ng quadrangle.

Nandoon nakalagay yung stage at medyo marami na ring tao nang pumunta kami. May nagpeperform na siguro.

Pero bakit nga ba ako dinala dito ni Kristal?

"Magandang umaga po sainyong lahat."kasabay nun ang sigawan ng lahat.

Nakita ko si Paolo na nakangiti sa mga tao at tila may hinahanap ang kanyang mga mata. Ngunit nang nabigo ay nagsalitang muli.

"Patricia kung nasaan ka man sana ay marinig mo ito. Para sayo to." Naramdaman ko ang bilis ng tibok ng puso habang nagsimula siyang mag gitara at kumanta.

Papatunayan ko na ako lang sa'yo, Hinubog mo'ng buhay ko ng pag-ibig mo.

Nagulat ako ng tinulak ako ni Kristal papuntang unahan. At dun nagtama ang aming mga mata. Ngumit siya at nagpatuloy sa pagkanta.

Di na masusukat sandigan kong taglay. Magalit man ang langit, 'Di matitinag ang kulay. Diwa ko'y namulat matapos ang gulo. Saan man dalhin ng hangin, Papadpad pa rin sa'yo.

Hindi ko alam kung anong irereact ko. Tanging bilis ng puso ko lang ang nararamdaman ko ngayon.

Makinig kang mabuti. Buksan nang mapakinggan ng puso mo Ang dapat mong malaman

Pakiramdam ko ay sasabog na ang aking damdamin sa lahat ng nangyayari. Bakit mo pinaparealize sakin lahat Paolo? Bakit?

Papatunayan ko na ako lang sa'yo, Hinubog mo'ng buhay ko ng pag-ibig mo. Mamahalin kita, sa puso ko nand'yan ka. Maiintindihan mo rin ako.

Pinakinggan ko lamang siya ramdam na ramdam ko ang lunkot sa mga boses nya habang kumakanta.

Pinanggalingan ma'y magkaiba, Tadhana natin ay iisa. Ito ang sarili nating yugto, Bakit pa ako lalayo?

Ang tadhana natin ay hindi iisa Paolo. Alam kong hindi tayo ang itinadhana ng mundo. Pero bakit? Bakit kahit anong pigil ko sa nararamdaman ko? Ikaw pa rin talaga yung gusto ko.

Papatunayan ko na ako lang sa'yo, Hinubog mo'ng buhay ko ng pag-ibig mo. Mamahalin kita, sa puso ko nand'yan ka. Maiintindihan mo rin ako.

Matagal na kitang naiintindihan Paolo. Mahal kita pero alam kong hindi maari. Hindi tayo ang para sa isa't-isa.

Kay tagal kitang hinanap, Halos ikamatay. Nakaukit ka sa aking palad. Mawalay ka, mawalay ka, 'Di ako papayag.

Narinig ko ang palapakan ng lahat matapos niyang kumanta. Pinunasan ko ang mga luha na tumakas mula sa aking mata. Nakita ko ang pag ngiti niya sa akin.

"Patricia, mahal na mahal kita. Maaari mo ba kong bigyan ng pagkakataon parapatunayan ito sayo?" Hindi ko alam kung bakit pero tumango ako bilang sagot ko sa kanya

Sinabi kong hinding-hindi ko siya magugustuhan ngunit isa iyong kasinungalingan. Matagal ko na siyang mahal.

"Talaga!? Pinapayagan mo na ko?" Naramdaman ko ang yakap niya sa akin at muli naiyak ako.

Kahit alam kong panandalian lang ang kasiyahan na nararamdaman ko. Kahit ngayon lang ay maging masaya ako. Dahil alam kong sa huli, mawawala rin ito.

"Mahal na mahal kita Patricia." Sabi niya habang nakayakap pa rin sa akin

"Mahal na mahal rin kita Paolo." At narinig ko ang sigawan ng mga tao.

Ito na marahil ang pinakamasayang araw ko. Handa akong masaktan makasama ko lang siya.

Para kay: Mr.Beunaventura

Pasensya na po, mahalna mahal ko po si Paolo.    

(Asymptote) Pinagtagpo ngunit hindi ItinadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon