KABANATA 11

46 3 0
                                    


"Mukhang nabigla kita sa pagpapatawag ko sayo. Maupo ka muna." Dahan-dahan akong umupo sa upuan na nasa harapan ng lamesa. Ramdam ng buong katawan ko ang kaba lalo na ng puso ko.

"Alam mo naman siguro kung bakit tayo nandito diba?" Sarkastiko niyang ngiti sa akin.

"Natanggap ko ang mensahe mo Ms. Rodriguez. May tapang ka na ngayon ha? Kaya mo na kong kalabanin." Nakita ko ang pag-igting ng panga niya.

"Pasensya na po Mr. Buenaventura, ngunit mahal ko po si Paolo." Nakayuko kong sabi sakanya. Ayokong makita siya dahil nagsisilab ang galit na nararamdaman ko para sakanya.

Isa siyang walang kwentang tao at ama. Napakasinungaling at magpanggap niya. Hindi ko alam kung bakit siya naging parte ng aking buhay. Hindi ko matanggap na may kadugo akong tulad niya. Hindi ko alam kung bakit niya kailangan gawin ito.

"Naiintindihan kita Patricia. Dahil ako naman ay mabuting loob, pagbibigyan kita." Naliwanagan ang aking mga mata ngunit hindi ko iyon ipinahalata.

"Bibigyan kita ng dalawang linggo. Sa loob ng dalawang linggo ay dapat masabi mo na sakanya ang lahat." Natigilan ako.

Hindi, hindi ko maaaring saktan ang taong lubos na nagmamahal sa akin. Hindi ko ito kakayanin.

"Sa loob ng dalawang linggo, gusto kong malaman ni Paolo na hindi ako ang tunay niyang ama at ikaw ay ikakasal sa iba. Gusto kong malaman niyang hindi mo talaga siya mahal. Gusto kong malaman niyang ginamit mo lamang siya upang makapaghiganti sa ginawa ng kanyang ina sa iyong ina." Mariin niyang sabi.

Naramdaman ko ang pagbagsak ng luha sa aking mga mata. Hindi ko kaya, kahit alam kong simula't sapul iyon talaga ang nais ko ay hindi ko ituloy.

"Paano po kung hindi ko ito magagawa?"Halos pabulong kong sabi ngunit sapat na para marinig niya.

"Tandaan mo Patricia, buhay ang kinuha sa akin, sa atin. Buhay rin ang kapalit nito." Tuloy-tuloy ang bagsak ng luha sa aking mga mata.

"Ngunit Papa, sa tingin ko ay hindi ito tamang gawin. Oo, buhay ang nawala sa atin, ngunit wala tayong karapatan kumuha ng buhay ng iba." Malumanay kong turan. Ito ang unang pagkakataon na tinawag ko siyang papa, dahil alam kong hindi iyon karapat-dapat para sakanya.

Narinig ko ang malakas na paghampas niya sa lamesa.

"Hindi! Ito lang ang tanging paraan upang makaganti ako sa pagwasak nila sa aking pamilya!!" Kitang-kita ko sa mga mata niya ang galit. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Bakit tila nahihirapan kang gawin ito? Wag mong sabihin sa aking mahal mo na siya?" Hindi ako nakasagot sakanya dahil hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin iyon.

"Hindi mo siya maaaring mahalin! Isa siyang kaaway, isa siya sa mga dahilan kung bakit nawala ang iyong ina! Tandaan mo yan." Galit niyang sabi sakin.

Oo alam ko, ngunit magkaiba tayo ng paniniwala ama.

"Susubukan ko po. Maaari na po ba akong lumabas?" Tanong ko sakanya sabay punas ng luha sa aking mga mata.

"Dalawang linggo lamang Patricia." Paalala niya bago ako lumabas ng opisina.

Dumiretso ako sa comfort room upang ayusin ang aking sarili. Matapos ay hinanap ko si Paolo sa aming canteen

"Ano ang pinagusapan niyo ni dean?" Takang tanong niya sa akin.

"Tungkol lang sa pagiging dean's lister ko. Wag kang mag-alala wala namang problema." Pinilit kong ngumiti ng totoo sakanya.

"buti naman kung ganun masayang masaya ako para sayo" masayang sabi niya sa akin

Mayroon pa kong dalawang linggo para makasama siya. Dalawang linggo na lamang bago ko siya iwanan.

Sana ay mapatawad mo ako sa mga gagawin ko Paolo. Marahil sa hinaharap ay maiintindihan mo kung bakit ko ito ginawa.

Sana ay manatili ang mga ngiting iyan matapos ang lahat ng ito.

Sana ay....

Sana ay maging masaya ka pagkatapos ng paghihirap na ito.

(Asymptote) Pinagtagpo ngunit hindi ItinadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon