Kinabukasan pagpasok namin ang lahat ng mata ay nasa amin ni Paolo. Kalat na kasi sa buong school na nililigawan niya ako.
"Ang swerte naman niya. Sana ako nalang siya." Narinig kong bulong ng isang estudyante.
"Hays, bagay sila noh?" Dagdag pa ng isang estudyante.
Naramdaman ko ang paghawak ni Paolo sa aking mga bewang at nilapit sakanya.
"Bakit ang daming nakatingin sayo? Nakakaasar." Natawa naman ako sa itsura niya. Kitang-kita ko ang iritasyon sa mukha niya at di ko alam kung bakit natutuwa ako.
"Anong nakakatawa Patricia? Natutuwa ka ba dahil tinitignan ka nila? Sino ba dyan yung gusto mo ha?"Inis niyang sabi na lalong ikinatawa ko.
"Nakakatuwa ka kasing pagmasadang magselos. Ang cute ng itsura mo. At wala kong gusto dyan, ikaw lang." Nakangiti kong sabi sakanya.
"Naman e, hindi ako nagseselos. Naiinis lang ako sa kanila." Bulong niya sakin. Halata naman sakanya, tinatanggi pa.
"Akin ka lang ha." Dagdag niya pa bago kami nakarating sa room
Pagpasok namin sa room ay agad nagsitigilan ang mga kaklase namin, sabay binato kami ng pang-aasar.
"Sabi ko na e, magkakatuluyan rin kayo." Masayang sabi ni Kristene.
"Bagay kayo, magdiwang tayo pag kayo na ah." Dagdag pa ni Jasper.
"Guys ano ba yan, respeto naman sa feelings ko." Pabirong sabi ni Angelo.
Nagtawanan naman kaming lahat, naramdaman ko ang pag-akbay sakin ni Paolo, na para ipinapahiwatig na sakanya lamang ako.
"Oh teka lang Paolo, nagbibiro lang ako. Masaya ako para sainyong dalawa. Kahit masakit tatanggapin ko nalang para talaga kayo sa isa't-isa." Imbis na sumeryoso ay natawa pa kami sa ginawang pagpanggap ni Angelo na nasasaktan.
"Hay nako Angelo, nandyan naman kasi si ano. Di mo lang napapansin." Nakita kong namula ang pisngi ni Krystal nung sinabi iyon ng kakambal niyang si Kristene.
"Sino?" Lahat kami natawa sa reaksyon ni Angelo. Hay nako napakamanhid talaga nito.
"Ang ibig sabihin niya pare, marami pang ibang babae dyan bukod kay Patricia." Paliwanag ni Paolo na natatawa na rin sa kamanhidan nitong si Angelo.
Natahimik kaming lahat ng pumasok ang Dean ng unibersidad. Magiliw namin itong binati pagkapasok nya.
"Ms. Patricia Rodriguez, sumama sa aking opisina may pag uusapan tayo." Tumayo ako at naramdaman ko rin ang pagtayo ni Paolo mukhang sasama siya sa akin.
"Mr.Buenaventura, ang bilin ng iyong ama ay manatili ka rito at ipagpatuloy ang iyong klase. May mahalaga kaming paguusapan ni Ms. Rodriguez." Pormal na sabi sa amin ni Dean.
Napaupo na lamang si Paolo, at inantay kaming makaalis. Hindi ko alam kung bakit bawat hakbang papalapit sa opisina ng dean ay kinakabahan ako.
Ano ang mahalagang bagay naming paguusapan?
Pinagbuksan niya ako ng pintuan at nakita kong may nakaupo sa shivel chair.
"Magandang umaga, binibining Rodriguez. Halika rito at maupo." Paanyaya niya sa akin.
Pakiramdam ko ay umangat lahat ng dugo sa mukha ng makita ko kung sino ang taong ito.
"Mr.Buenaventura?" Halos pabulong kong turan.
BINABASA MO ANG
(Asymptote) Pinagtagpo ngunit hindi Itinadhana
Truyện NgắnMay masaya, komplikado at nakakalungkot. Masaya sa paraang na kuntento kayo sa kung anong meron kayong dalawa Komplikado dahil hindi niyo alam kung saan ang patutunguhan ng relasyon niyo. Nakakalungkot dahil hindi niyo alam kung mahihirapan ba kayo...