Matapos ang dalawang oras ng byahe ay narating rin namin ang Enchanted Kingdom. Nakapunta na ako rito noon, kasama si mama at nicole. Sabay kaming bumaba ni Paolo ng sasakyan at may sumalubong sa aming staff ng amusement park.
"Sir ito na po iyong mga ticket ninyo." Inabot niya ito kay Paolo at nagpaalam na. Mukhang may koneksyon siya rito kaya't hindi na namin kailangang pumili ng pagkatagal-tagal.
"Anong una mong gustong sakyan?"Magiliw niyang tanong. Medyo tirik pa ang araw kaya't inaya ko muna siya sa carousel, mamaya na dun sa mga rollercoasters upang di masunog ang aming balat.
Dati ay isa ito sa mga pinangarap kong magawa kasama ang taong mahal ko, ang magdate sa isang parke na katulad nito. Yung tipong sasakyan niyo lahat ng rides at maglalaro kayo hanggang sa mapagod kayo, iyon ang magiging pinakamasayang araw ko.
At ngayon mukhang matutupad ito.Kahit man lang bago kami maghiwalay ni Paolo. Sa huling pagkakataon ay maging masaya kaming kasama ang isa't-isa dahil pagkatapos ng araw na ito.
Alam kong habang buhay kong pagsisisihan ang lahat.
Sumakay pa kami ng ilang rides at kumain na rin. Nang bumaba na ang araw ay napagdesisyunan naming sumakay sa roller coaster
"Ano? tara dun naman tayo sa roller coaster!" Hinila niya ako papuntang space shuttle. Ramdam ko ang pag-akyat ng dugo ko, grabe hindi ko ito nasakyan noon dahil sa takot namin ni nicole.
"Uhhhh! Ano? Paolo pwede bang sa iba muna?" Nagaalinlangan kong sabi sakanya.
"Ano ka ba Patricia, magtiwala ka sakin okay? Huwag kang matakot, hindi naman ako mawawala. Hawakan mo lang ang aking mga kamay para mawala ang takot mo." At dahil dun ay napapayag niya akong sumama sakanya.
Habang kami ay nag-aantay sa pila ay naramdam ko ang pagtunog ng cellphone ko.
From Mr.Buenaventura:
Ang iyong fiance ay nasa paligid lang. Hintayin mo ang kanyang mensahe bago mo sabihin ang lahat. Ang kanyang mensahe ang hudyat na dapat ay iwanan mo na si Paolo. May Isang oras ka pang natitira Patricia, alam mo naman ang mangyayari kung hindi mo ito gagawin.
Naramdaman ko ang kaba, konting oras na lang at iiwan ko na ang taong mahal na mahal ko magagawa ko ba ito?
"Patricia tayo na dali!!." Tapos ay hinila na niya ako para makasakay at malagyan ng seatbelt. Tinago ko ang aking cellphone at hinayaan ang aking sarili na maging masaya sa huling pagkakataon.
Unti-unti ng nagsimula ang ride sa una ay mabagal ngunit ng dumating sa gitna ay bumilis na ito. Pinaikot kami sa mga loop na riles. Rinig ko ang sigawan ng mga tao, kahit ako ay nakisabay habang hawak hawak ang kamay ni Paolo at nakapikit.
"Mahal na mahal na mahal kita Patricia!!!!"Rinig kong sigaw niya. Naramdaman ko ang pagbagsak ng mga luha sa aking mga mata.
"Mahal na mahal na mahal rin kita Paolo!!!!" Sigaw ko pabalik, sana ay mapatawad mo ko sa lahat ng gagawin ko.
Matapos ang ilang minutong ride ay nagpahinga muna kami ni Paolo at naghanap ng makakainan. Yung plano naming sumakay ng ferris wheel ay pakiramdam kong hindi na matutuloy dahil naramdaman ko na ang pagtunog ng aking cellphone.
Ito na talaga ang oras na hinihintay ng aking ama.
"Paolo tara samahan mo ako." Bigla kong sabi habang busy siya sa pagkain.
"Saan naman?"Takang tanong niya
"Basta tara na, wag ka ng magtanong." Tapos ay hinila ko siya sa isang tahimik na lugar kung saan nag-aantay ang aking fiance.
Pagkarating naman doon, ay lumapit sa akin si Angelo at hinalikan ako sa labi sa harapan mismo ni Paolo. Sabay sinabing,
"Oras ng bawiin ang dapat ay akin."
BINABASA MO ANG
(Asymptote) Pinagtagpo ngunit hindi Itinadhana
NouvellesMay masaya, komplikado at nakakalungkot. Masaya sa paraang na kuntento kayo sa kung anong meron kayong dalawa Komplikado dahil hindi niyo alam kung saan ang patutunguhan ng relasyon niyo. Nakakalungkot dahil hindi niyo alam kung mahihirapan ba kayo...