Unang araw ng pagpasok. Handa na ko sa lahat. Handa na akong harapin ang bagong yugto ng aking buhay, At handa na rin akong kalimutan siya Hahahahahahahaha biro lang.Ang taray diba? Ang lalim ng mga pinagsasabi ko parang hindi si Patricia ito
"Patricia! Tara na late na tayo." Tawag sakin ni Paolo. Bakit boses palang nya nakakaasar na? Sarap nyang itapon hahahahahaha.
"makatawag ka sa akin ah! CLOSE TAYO?" sabi ko sa kanya kainis talaga siya
"tss arte mo buti nga hinintay pa kita ehh"
"Aba't! sinabi ko bang Hintayin mo ko? pagtataray ko sa kanya
"kainis ka! tara na nga! dami mong satsat"
Sabay kaming pumasok kahit na ayoko !
*isang mensahe ang natanggap*
From: Couz 💓💓
Couzzzz! Miss na kitaa huhuhuhuhu :( kwentuhan mo ko sa unang araw mo mamaya ah 😘
"Anong first subject mo?" Tanong ni Paolo habang naglalakad kami.
"Pake mo ba?" pagatataray ko ulit sa kanya
"Alam mo bakit ba galit na galit ka sa akin? ano bang ginawa ko sayo?" mahinahing tanong niya sa akin
"Alam mo kung bakit? kasi nung nagtake tayo ng exam kung makapag sabi ka sakin ng 'akala mo maganda hindi naman' akala mo naman ang ganda ganda mo BAKLA!
"Ikaw nakakarami ka na ahhh!! Sabing hindi ako bakla eh!
"Sige nga! PATUNAYAN MO!" paghahamon ko sa kanya
at walang ano ano'y bigla niya akong hinalikan sa labi ----- -- What the hell!!!
"Ba- bakit mo ginawa yun?" nauutal kong sabi
"sabi mo patunayan ko diba?.. ano nga ulit yung tanong ko sayo kanina?
Ayun!! anong first subject mo ulit?"La - law and Ethics?"sabi ko sakanya.
"parehas lang tayo, tara na." Sabi niya sabay nagpatuloy sa paglalakad
Napansin kong pinagtitingin kami ng mga taong nadaraanan namin. Alam kong maganda ako pero mukhang hindi sila sakin nakatingin kundi sa lalaking kasama ko.
"Sikat ka dito?" Curious kong tanong sa kanya.
"Daddy ko ang may-ari ng unibersidad na ito." Nagulat ako sa kaniyang sinabi ibig sabihin ay mayaman siya.
Ngunit... bakit siya nagtyatyaga sa bahay naming simple lamang? at namumuhay ng simple kung mayaman naman pala siya? Nakakapagtaka.
Siguro hindi lamang ako sanay dahil alam kong ang mayayaman ay kadalasang matapobre at mapagmataas sa kapwa, Siguro ay naiiba si Paolo sa kanila. Tama nga kaya ang aking mga hinala?
"Amm sige paolo pasok na tayo" sabi ko sa kanya
Ang tanong na iyon ang bumagabag saking utak hanggang sa huling klase ko sa araw na iyon.
"Uy Pat, boyfriend mo ba iyong si Paolo?" Tanong ni Camille, isa sa mga classmate ko
"Ummm.. hindi. Bakit?" Sagot ko sakanya.
"Nakakapagtaka kasing magkasama kayo e. Halos buong araw ko kayong napansin na magkasama." Sagot nya sakin.
Ngumiti lamang ako at nagpaalam sakanya. Nasagot ko na ang tanong niya, siguro masasabi kong pwede kaming maging magkaibigan ni Paolo, kahit naiinis ako sakanya.
Lumabas na ako at nakita ko si Paolo na nakahilig sa dingding mukhang inaantay ako.
"Kamusta?" Tanong nya sakin.
"Ayos lang. Bakit ka nga pala nandito?"Tamad kong sagot sakaniya.
"May gumugulo ba sayo? Mukhang malalim ang iniisip mo ah.. hmm . para sa tanong mo hinihintay kita para sabay narin tayo umuwi." Saad nya.
"Wala naman.. tara na at nagugutom na ko." Nauna akong naglakad sa kanya dahil ayokong mapansin niyang marami akong katanungan.
ayokong magtanong dahil baka isipin nya na feeling close ako sakanya. Okay na ko sa kung anong alam ko.
"Nandito na po kam-"
"Dad? Anong ginagawa niyo rito?" Gulat na tanong ni Paolo.
"Binisita lamang kita, hindi mo ba namimiss ang daddy mo?" Masayang sagot sa kanya ng daddy niya. Napansin kong bumaling ang atensyon ng kaniyang ama sakin.
"Magandang gabi po." Magalang kong bati. Bakit ba ko kinakabahan?
"Napakaganda naman pala ng iyong anak Maribel, mukhang nagmana sa pinagsama nyong lahi ng iyong asawa" nakangiting banggit nito.
Magkakakilala sila? Bakit hindi ko alam? Bakit ako lang ang walang alam?
"Kahit kailan talaga ay napakabolero mo Mariano." Biro ni mama sa daddy ni Paolo.
"O naghapunan na ba kayo? Mukhang pagod kayo ah. Kamusta ang unang araw?" Tanong sa amin ni mama
"Ayos lang po ma." Sagot ko. Magsasalita pa sana ako ng nagsalita si Paolo
"Aakyat po muna kami sa itaas at gagawa pa po kami ng mga takdang-aralin" Magalang na paalam ni Paolo at hinila ako sa itaas.
Nagtaka ako bakit niya sinabi iyon, dahil wala pa namang masyadong gagawin ngayon dahil unang araw pa lamang.
"Iniiwasan mo ba yung daddy mo?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi, hindi lang ako sanay na pinupuntahan niya ako." Halatang may pag - aalinlangan sa kanya ngunit akin na lamang itong hinayaan.
Nakakapagtaka ang lahat ng nangyayari sakin. Parang binigla ako sa mga kaganapang ito.
Ano ang koneksyon namin sa mga Buenaventura? Bakit tila may isang palaisipan ang bumabagabag sa akin?
Bakit pakiramdam ko may koneksyon ako sa ama ni paolo?
HINDI KAYA?!
BINABASA MO ANG
(Asymptote) Pinagtagpo ngunit hindi Itinadhana
NouvellesMay masaya, komplikado at nakakalungkot. Masaya sa paraang na kuntento kayo sa kung anong meron kayong dalawa Komplikado dahil hindi niyo alam kung saan ang patutunguhan ng relasyon niyo. Nakakalungkot dahil hindi niyo alam kung mahihirapan ba kayo...