Ilang araw matapos ang nangyari ay madalang ko nalang kinakausap si Paolo. Alam kong alam niya at napapansin niya iyon ngunit hindi siya nagtatanong.
"Okay class isang anunsyo ang aking natanggap. Kailangan ng ating course na magpakita ng isang presentasyon sa nalalapit na foundation day ng ating unibersidad." Nagkaroon ng bulung-bulungan sa buong classroom.
"Alam kong wala itong kinalaman sainyong pinagaaralan ngunit may kapalit na marka ang presentasyon na inyong gagawin." Dagdag ng aming propesor.
"Sir ano na pong gagawin natin?" Tanong ni Jasper isa sa pinakamatalino sa aming klase.
"Sasayaw at kakanta. Nakapili na ako ng kakanta. Sila Paolo at Patricia na ang aking inatasan para doon." Lahat ng mata ay napunta samin. Okay paano nalaman ni Sir na marunong akong kumanta?
"Sana ay pagusapan niyo ng dalawa ang inyong kakantahin at kung paano ito gagawin." Paalala samin ni Sir. Tumango lamang ako at ganun din si Paolo.
Sila naman ay nagusap sa mga sasayaw. Nais ko sanang sumali doon pero binigyan na ako ng gagawin.
"Patricia anong kakantahin mo?"tanong sakin ni Paolo ng tumabi siya sa akin.
"Gusto Kita." Simple kong sabi.
"Ano?" Gulat na tanong niya sakin. Napatulala ako sa sinabi ko.
"Ano....ummm ang ibig ko sabihin ay ano...yun yung kakantahin ko yung kanta ni Angeline Quinto yung gusto kita, ikaw?." Ano ba ito? Bakit ako kinakabahan sa pagsagot!
"Ahhh okay. Magiisip pa ko ng akin." Sabi niya napangiti ako sa itsura niya.
"Ako gusto talaga kita." Bulong niya pero narinig ko. Rinig na rinig ko at yun ang dahilan ng pagbilis ng tibok na puso ko.
"May sinasabi ka?."Nagpanggap ako na hindi ko narinig iyon dahil baka mapahiya ako.
"Wala, sabi ko umalis ka muna at magiisip lang ako ng kanta."tumango at pinuntahan ang iba naming mga kaklase.
"Oh ano Pat? Sama ka samin mamaya ha." Sabi ni Angelo at inakbayan ako.
Kahapon pa nila ako niyayang lumabas kasama sila pumayag naman si mama kaya sabi ko okay at wala na namang masyadong gagawin.
"Oo ba, antayin niyo nalang ako mamaya, may aayusin lang akong proyekto." Ngiti kong sagot sakanila.
"Ang bilis din nitong si Angelo eh noh? Nakaakbay agad." Pangaasar sakanya ni Jasper.
"Ano ba yan Jasper! Nahalata tuloy! ikaw kasi." Tapos tinanggal niya yung kamay sa likod ko. Natawa nalang ako kasabay ng pagtawa nila. Ang kukulit kasi.
"Aysus! sabihin mo na kasing gusto mo itong si Patricia, pasimple ka pa e." Gatong ni Rafael. Tapos dinagdagan pa ng mga kaibigan niya pati mga babae.
"Uy wag nga kayong ganyan binubuko niyo ko e" Nakita kong namula yung tenga ni Angelo kaya natawa ako lalo.
Alam ko namang may gusto siya sakin pero alam niya din na ayoko pa sa ngayon kaya hindi siya nangungulit. Kaibigan lang ang turingan naming dalawa.
Natigil lang kami sa pagbibiro ng may narinig kaming bumagsak na upuan. Napalingon ako at nakita ko si Paolo na lumabas ng pinto at iniwan ang natumbang upuan.
Anong nangayari sakanya? At ano ang mga salitang binitawan niya? Totoo ba ang lahat ng iyon?
BINABASA MO ANG
(Asymptote) Pinagtagpo ngunit hindi Itinadhana
Historia CortaMay masaya, komplikado at nakakalungkot. Masaya sa paraang na kuntento kayo sa kung anong meron kayong dalawa Komplikado dahil hindi niyo alam kung saan ang patutunguhan ng relasyon niyo. Nakakalungkot dahil hindi niyo alam kung mahihirapan ba kayo...