WAKAS

68 4 2
                                    

Paolo

Walong taon na ang nakalipas ngunit ako ay nananatili pa rin sa nakaraan.

Hindi makausad, hindi makalimot dahil masyadong masakit. Hindi ko pa rin matanggap ang lahat ng ginawa niya sa akin. Ngunit ano pa nga bang magagawa ko? Kung hindi ang kalimutan ang lahat.

Masaya na siya. Masaya na siya sa piling ng iba at ng kanilang anak. Ano pa bang magagawa ko? Kung hindi ang tanggapin na lamang ang totoo.

Naisin ko mang gumanti ngunit sa tuwing nakikita ko ang masasayang ngiti ni Angela ay nakokonsensya ako. Ayokong iparanas sa batang iyon ang lahat ng sakit na naranasan ko dahil alam kong wala siyang kasalanan dito.

Alam kong walang may kasalanan sa lahat ng ito.Maging si Patricia at kung sino man, lahat sila ay napatawad ko na.

Marahil ay hindi lamang ako itinadhana na maging masaya sa buong buhay ko. Oo nga at matagumpay ako, ngunit anong silbi nito kung buong buhay akong magiging miserable.

Ayokong kwestyunin ang ginawa ng Diyos para sa akin. Dahil hanggang ngayon ay inaantay ko lamang ang mga bagay na gusto niyang mangyari sa akin.

Marahil hindi kasama sa kanyang mga plano ang magkatuluyan kami ng babaeng mahal ko.

Marahil kami lamang ay kanyang pinagtagpo upang maranasan namin ang mga bagay na hindi pa namin nararanasan.

Ang magmahal, masaktan, magsakripisyo at gumawa ng mga desisyon na labag sa aming puso ngunit kailangan gawin dahil ito ay makabuti sa iba at sa amin.

Pinagtagpo lamang kami ng pagkakataon ngunit hindi kami itinadhana para sa isa't-isa

Dahil ang mga puso namin ay nakalaan para sa iba.

-KATAPUSAN-

(Asymptote) Pinagtagpo ngunit hindi ItinadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon