Lahat naman siguro gustong magmahal
At sige, sabihin nating
di maiiwasang masaktan.
Masaktan dahil nagmahal ka ng maling tao,
sa maling araw,
sa maling panahon,
at sa maling pagkakataon.
Wala naman tayong
ibang magagawa kundi muling bumangon;
At subukang wag lumingon,
sa nakaraan.
Siguro nga ganito ang buhay ng tao,
kung sinong mahulog, siya yung talo.
At oo, nagmahal lang naman ako.
Nagmahal ako, ng maling tao.
BINABASA MO ANG
Words Left Unsaid | Poetry
Poetry#1 Crazy minds, twisted stories, broken hearts and crying souls; craved for poems to be read and told ; (6/11/18) ❤ #2 (03/18/18) ❤ #5 (12/8/19)