Tayo'y maglaro ng tagu-taguan;
Tagu-taguan ng nararamdaman.Kaya sige, pipikit ako at bibilang hanggang tatlo;
ang tawa mong naririnig ko habang ika'y nagtatago.Isa. Isang beses kong sinabi ang katagang mahal kita, pero mga bata pa tayo nun kaya di mo nahalata. Kaya tinago ko ng ilang taon ang aking nararamdaman, kasi sabi mo, "masayang maglaro ng tagu taguan."
Dalawa. Dalawang salita lang naman pero bakit tila ang hirap ilabas sa aking lalamunan ang mga salita, ang mga salita na naglalaman ng katotohanan; ang katotohanang hindi kita sasaktan pero naalala ko ang sinabi mo,
"masayang maglaro ng tagu taguan."Tatlo. Tatlong taon ko kayong sinubaybayan ng babaeng mahal mo. Lagi ako ang tagapayo pag nagkatampuhan kayo; Pero sana naman ako naman ang alalahanin mo, ako naman kahit magkaibigan lang tayo.
Pagdilat ko ng aking mga mata, pwede bang hindi na siya? Pero sino nga ba ako para pangunahan ka; Kung siya lang naman tong sayo'y nagbibigay ligaya.
"Mahal kita," ayan na sabi ko na. Pasensya kasi ang larong to'y hindi na masaya. Pasensya na kasi di ko na kaya. Pasensya na kasi ako'y pagod na.
Pero salamat marahil ito'y nagsilbing aral para sakin; nasaktan ma'y buong puso ka parin tatanggapin. At kung sinubukan kitang mahalin ngayon nama'y palayain ka ang aking gagawin.
Kaya sige,
ngayong alam mo na ang katotohanan,
ayoko nang maglaro ng tagutaguan,
ayoko nang magtago ng nararamdaman.--
BINABASA MO ANG
Words Left Unsaid | Poetry
Poetry#1 Crazy minds, twisted stories, broken hearts and crying souls; craved for poems to be read and told ; (6/11/18) ❤ #2 (03/18/18) ❤ #5 (12/8/19)