Umikot ang aking mundo,
umikot para sa iisang tao;
Gustong itigil,
Gustong patiligin,
pero bakit parang may pumiligil?Bakit nga ba ako nahulog sayo,
bakit nga ba ginawang mundo
ang dapat isa lang tao.Nalulunod sa mga tanong
na iniwan mo nung umalis ka,
kung saan tuluyan ka nang lumisan at di na bumalik pa.Tinurin kitang mundo,
at tinuring mo kong parang bola
na pinaikot ikot hanggang sa ako'y mahilo;Nahulog ako sa matatamis na salita,
napaniwala sa mga pangako na nawala at di naman kataga-taga.Mga bakas na iniwan mo nung lumisan ka,
sinubukan kong sundan pero ito'y na alon na;
At tuluyan na akong nawala sa iyong mapa,
nawala nalang ng parang bula.Nabalitaan ko na meron ka nang iba,
at simula nung dumating siya,
umikot na ang mundo mo sakanya at tuluyan nakong naiwan magisa.Kay bilis naman ng panahon na ika'y magparaya,
Kay bilis mo namang kalimutan ang mga iniwan nating alaalaKay bilis mo namang sumaya
sa piling ng iba,
at eto ako,
naiwang minamahal ka pa.--
BINABASA MO ANG
Words Left Unsaid | Poetry
Poetry#1 Crazy minds, twisted stories, broken hearts and crying souls; craved for poems to be read and told ; (6/11/18) ❤ #2 (03/18/18) ❤ #5 (12/8/19)