ABKD (Ah, BaKa Dahil) spw

2.5K 43 3
                                    

abkd

Isa, dalawa, tatlo,
Sa isip ko habang
binibilang ang ating
mga letrato
Mga letrato kung
saan ang ngiti mo ay
abot tenga at ang
memorya kung saan
mamatay na tayo sa kakatawa;
mga letrato na
nagpapahayag na kahit
lumipas na ang araw o kahit gano kadaming buwan na ang nakaraan ay naryan parin ang munting ala ala.
mga letrato nung,
'tayo' pa.
Mga letrato nung,
mahal mo pa ko
at, wala pang 'siya.'

At aaminin ko na ako'y nagtataka, sa kung anong wala ako at meron siya,
kaya simulan natin sa sinulat kong a ba ka da.

Ah! BaKa Dahil mas maganda siya, kaya sa twing siya'y daraan lumilihis ang iyong mga mata.
Ah, BaKa Dahil siya'y mas talentado at ikay nabibighani sa kanyang mga koreo.
Ah, baka dahil kulang ako at siya ang pumuno sa lahat ng mga bagay na hindi ako ang gumawa;
Ah, Baka dahil nabugso ka lang sa mga emosyon mo at akala mo mahal mo talaga ako,
Ah! Baka Dahil mas tumatak sayo ang kanyang mga sinasabi,
Ah baka dahil mas matamis ang kanyang mga halik sa yong mga labi,
At Ah! baka dahil minahal mo na siya noong mga panahong tayo pa at di mo lang sakin sinasabi.

ngunit ito lang ang masasabi ko,
basahin mo't itaga mo sa iyong puso ang mga ala ala;
dahil mahal, ang hirap kalimutan ng mga saglit na nakaraan na, marahil..



Ah, BaKa Dahil mahal parin kita.



Words Left Unsaid | PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon