spw // sulat, buraat ngayo'y aking itinatanghal sa madla,
ang tula kung paano ko isinulat at paano mo binura;
kung paano mo unti unting sinira ang mga pinangiingatang alaala.at sa isang buong papel,
onti- onti kong pinipigil na itigil ang pagsulat;
Dahil para saan pa ba kung patuloy ka sa pagbura,
kung patuloy kang nagbibigay motibo na itigil ko na;
kung saan binago mo ang takbo ng storya;
Ang storya kung saan nagsimula sa maganda at nagtapos sa trahedya.Sulat, nung tayo'y pinagtagpo ng tadhana.
Sulat, noong kinantahan mo ko't hinarana.Sulat, dahil sinagot kita pagkatapos ng walong buwan.
Sulat, dahil naniwala ako sa sinabi mong tayo'y walang hanggan.Sulat, sa mga araw na ako'y iyong pinangiti.
Sulat, mga katagang "mahal kita" sa iyong mga labi.at sulat, dahil alam kong habang buhay ka saakin mananatili.
ngunit, mahal, teka, may karapatan pa ba akong tawagin kang "mahal" dahil araw araw saakin sinasampal ng realidad na oo, wala na tayo.
Kaya Bura, sabihin nating di tayo nagkakilala.
Bura, kalimutan natin ang mga panahong tayo'y magkasama.Bura, ibaon natin ang mga alaalang tayo'y naging masaya.
Bura, i-kandado ang mga pintuang patuloy mong isinara.Bura, ano ba't bakit ko pa isinusulat ang alam ko'y wala na,
Bura, kailan ba tatatak sa aking isipan na may mahal ka ng iba?-
sam.
BINABASA MO ANG
Words Left Unsaid | Poetry
Poesía#1 Crazy minds, twisted stories, broken hearts and crying souls; craved for poems to be read and told ; (6/11/18) ❤ #2 (03/18/18) ❤ #5 (12/8/19)