Nabihag mo ang puso
kong kumawala sa hawla
ng lungkot noong
makita ko ang ngiti mong nagbago saaking buhay.Ang ngiting aking kinahuhumalingan.
Ang ngiting nagbigay
daan sa aking
malungkot na nakaraan.
Ang iyong ngiti na aking hinahanap sa araw araw.Sa aking paningin,
ang ngiti mo ay ang
pinakamaganda.
Sana sinasabi niya
rin yan sayo.
Kasi totoo.
Pinakamaganda ang
mga ngiti mo.
Yung ngiti mo kasi, nakakamangha.
Nakakatuwa, nakakatulala.Pero ngayon,
habang tumatagal na pagmamasid sa
iyong mga ngiti,
nakaramdam ako
muli ng pighati
at lungkot na
nagmula sa aking puso.
Alam mo kung bakit?Kasi hindi ako
ang dahilan ng
iyong pag-ngiti.
Hindi ako ang iyong kasapi.
At ngayong napagtanto ko na,
ang mga ngiti
mo'y hindi saya ang dala.
Dahil para sakin,
ang dala ng ngiti
mo lungkot lang pala.Kaya naman muli nang nahuli ang puso kong minsang kumawala sa hawla.
BINABASA MO ANG
Words Left Unsaid | Poetry
Poesía#1 Crazy minds, twisted stories, broken hearts and crying souls; craved for poems to be read and told ; (6/11/18) ❤ #2 (03/18/18) ❤ #5 (12/8/19)