dilim ng gabi

1.5K 12 0
                                    

sa pagsilang ng gabi
nagsisilabasan na sila,
ilabas ang alak, sigarilyo,
pera't baraha;

mga mananayaw na gumigiling sa harap ng madla,
sabihin mo, natutuwa ka ba sa
iyong nakikita

tagay pa, tagay, hanggang
mawala ang problema at
damdaming lumbay;
sayaw pa, sayaw, mga matang
nagtatangka ng iba't ibang pakay

alas dose, ala una, hubad na katawang nilalabas ang tunay na kulay;
paalala ko lamang, binubungkal
mo na ang sarili mong hukay.

Words Left Unsaid | PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon