//Pwede bang ako naman,
dahil ako tong nasasaktan pag
ika'y iniiwan niyang luhaan.
Pwede bang ako naman,
dahil ako naman tong laging
nandiyan pag kailangan mo
ng kasama;
Pwede bang ako naman
dahil siya nalang lagi ang
laman ng iyong puso't isipan.Kelan ba magiging ako?
Gaano katagal pa ang hihintayin
para lang maging 'tayo'?
Ilang pagiyak pa ang mararanasan
sa t'wing makikita ko kayo?
Ilang sugat pa mula sa iyong mga salita
na tumutusok parang kutsilyo?Mga patagong lihim na naglalaman
ng 'mahal kita', mga letrang iyong
iniwasan at binalewala.
Kailangan ko pa bang umiyak
sa iyong harapan upang ika'y matauhan
na, "Oh, gusto mo pala ako."dahil Oo, gustong gusto kita. Na sa bawat
pagdilat ng aking mga mata sa pagsilang ng umaga ay ikaw agad ang gustong makita.
Kaibigan lang ba talaga,
Kaibigan lang ba sa pitong taon na pagsasama,
kaibigan lang ba sa lahat ng ating pagkakapareha,
kaibigan lang ba?Nakakatawa.
Nakakatawa marahil nabihag ako sa
salitang 'akala' dahil akala ko
gusto mo ko.
Akala lang pala.
Akala lang pala kasi dumating
na siya.Ngunit di mo ba nakikita?
paulit ulit ka na niyang sinasaktan,
ngunit eto ka at patuloy siyang
pinagbibigyan
kaya kung siya kaya mong pagbigyan,
pwede bang ako naman?Pwede bang ako naman.
BINABASA MO ANG
Words Left Unsaid | Poetry
Poetry#1 Crazy minds, twisted stories, broken hearts and crying souls; craved for poems to be read and told ; (6/11/18) ❤ #2 (03/18/18) ❤ #5 (12/8/19)