bagyo

1K 18 1
                                        

agos ng luha,
patak ng ulan;
ganyan ka rin ba
nung araw na
ika'y iniwan?

basag kidlat,
pagkasira ng puso;
ganyan ka rin ba
nung sinabi niyang
kayo'y malabo?

malamig na panahon,
ganyan na rin ba kayo?
sa tagal niyong nagsama,
pareho na kayong nagbago.

umapaw na baha,
umapaw na rin ang luha;
pareho nang sumuko,
parehong itinigil na.

Words Left Unsaid | PoetryMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon