Polouge

27 0 0
                                    

"Miss?"

Napalingon ako sa pinanggalingan nung boses na nasa likuran ko. At laking gulat ko nalang na mapagsino ang tumawag sakin! Isang Guro pala. Hala! Baka may nagawa akong mali kaya tinawag niya ako.

Nginitian ko naman siya ng alanganin. "Po Maam?" Tanong kong may paggalang.

She handed me a piece of paper na may sulat. I looked at her quizically. Ano to? Naku! Baka reprimand to!

Tinanggap ko naman ito kahit na may pag-aalinlangan. "Ano po to Maam? May nagawa po ba ako'ng masama?" Kinakabahang tanong ko naman sa kaniya.

Napakunot-noo naman ang Guro sa sinabi ko. "Ano ba iyang sinasabi mo? Pakibigay nalang iyang papel kay Mr. Arellano na nasa room 41 ha? Salamat."

Nanlaki naman ang mata ko sa narinig. Room 41? Sa room 41 pa talaga?

"Miss, sige na pakibigay mo na iyan sa kaniya, aalis na ako, make sure maibigay mo iyan sa kaniya ha?" At bago pa ako makatanggi ay mabilis na siyang naglakad palayo, samantalang ako ay napako pa rin sa aking kinatatayuan! Naguguluhan sa gagawin! Kung susundin ko ba ang utos ni Maam o ipasa nalang ito sa iba? Napatingin ako sa papel na hawak ko. Huminga naman ako ng malalim at inayos ko muna ang aking sarili at pinakalma ang puso kong dumadagundong. I exhaled deeply one last time at napagdesisyunan ng maglakad patungo sa room 41.

Di ko naman maiwasang di kabahan ng magsimula na akong maglakad. My gahd! Classroom lang naman kasi yun ng crush ko eh! First time ko kayang makapasok sa classroom nila!

Parang ilang metro ang layo ng room 41, dahil hanggang ngayon di pa rin ako nakarating. Nagpatuloy lang ako sa paglakad kahit medyo nangagatog ang aking tuhod at naghaharumentedo ang aking puso.Nakahinga naman ako ng maluwag ng sa wakas ay nakarating na rin ako sa pintuan ng room 41. Bumuga na naman ako ng hangin at inayos muli ang aking sarili.
Nagdalawang-isip pa ako na pumasok, pero paano ko naman maibibigay itong papel kung di ako papasok diba? Kaya kahit hindi sigurado sa gagawin ay tuluyan na akong humakbang papasok sa classroom nila.

Ng makaapak na ang aking mga paa sa loob ng classroom ay biglang tumahimik ang paligid. Mas lalo tuloy lumakas ang pintig ng aking puso at nagsimula na rin akong pawisan ng malamig!

"Miss?" Dahan dahan akong nag-angat ng tingin sa tumawag sakin na si Mr. Arellano pala na nasa likurang bahagi ng classroom. Hala! Bakit nasa likod pa siya? Huhu. Papahirapan niya pa ako eh!

Di ko naman maiwasang di mapansin si Aizan na nasa likuran din nakaupo nasa last row. Naka headset siya habang nakatanaw sa bintana kaya kitang-kita ko ang sideview ng mukha niya! Ang guwapo talaga!
Ang tangos ng kaniyang ilong, ang haba ng pilik mata, makakapal ang kilay at pormang-porma ang kaniyang labi at ang kaniyang panga ay sobrang perpekto! Lumunok naman siya kaya nakita ko kung paano gumalaw ang kaniyang adam's apple! Nahigit ko naman ang aking hininga tsaka napalunok rin.

"MISS?" Nabalik naman ako sa huwisyo ng marinig ang iritadong boses ni Mr. Arellano.
I looked at him apologetically at nagsimula ng maglakad patungo sa kaniya.

Kasabay ng mabilis kong lakad ay ang mabilis din na pagtibok ng aking puso. Lalo na ng mapansin kong lahat sila ay nakamasid sakin. Huhu! Huwag naman kayong ganyan makatingin! Para naman akong kriminal sa mga titig niyo eh! Tumulo naman ang malamig na pawis saking noo kaya pinahiran ko ito gamit ang aking palad. Mygahd! Ayoko na! Gusto ko ng makalabas dito!

Nasa gitna na ako ng classroom na ipinagpasalamat ng puso ko. Malapit na. Kunting hakbang nalang.

Mas lalo ko pang binilisan ang aking lakad, kaya sa sobrang bilis ko ay bigla nalang akong nadulas at napahiga sa sahig! Dahil sa sobrang gulat ay napasigaw ako at napangiwi sa sakit ng aking puwet! Napapikit ako habang sapo-sapo ang aking noo.
Narinig ko naman ang pagpipigil ng tawa ng Section 2 kung kaya'y bigla akong natauhan at naimulat ko agad ang aking mga mata at mabilis na humawak sa upuang malapit sakin para makakuha ng lakas para makatayo.
Inayos ko naman agad ang aking sarili pagkatayo ko. At nagpatuloy na sa paglalakad na parang wala lang nangyari kahit na sa loob-loob ko ay sobrang hiya at kaba na ang aking nararamdaman! Mas lalo pa akong nanlumo ng mapansin ang pagngisi at paghagikhik nila. Nakakahiya! Gusto ko nalang sana na bumuka ang sahig na iyon at lunukin ako para makawala na sa kahihiyan!

Ng tuluyan na akong nakalapit kay  Sir ay agad ko namang binigay ang papel ma bahagyang nagusot dahil sa pagkadulas ko kanina. Ughhh!! Bakit pa yun nangyari?! Aaaaahh! Nakita kaya yun ni Aizan? AAAH! Nakaramdam na naman ako ng hiya at awa para sa sarili ko.

"Ano ito Miss?" Nakangisi namang tanong ni Mr. Arellano sakin.

Ugh! Pati siya pinagtatawanan ako?! Huhu! Ayoko na talaga! Sobrang nakakahiya na!

"Ah.. b-binigay lang p-po iyan sa-kin ng isang guro S-sir." Nauutal kong sagot tsaka napayuko.

"Ah. Sige salamat Miss. Makakalabas ka na." tawa-tawang sabi ni sir sakin na nagpadagdag sa kabang kanina ko pa nararamdamn. Tumalikod ako sa kaniya agad at dahan-dahan ng naglalakad palabas. Baka kasi— ugh!

Ng makalabas na ako ng tuluyan ay nakahinga na rin ako ng maluwag at gumaan naman ang aking pakiramdam pero ganun nalang ulit ang aking pagkadismaya ng marinig ko ang kanilang halakhak na kanina pa nila pinipigilan.

The Story Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon