Chapter 7

12 0 0
                                    

Napasabunot ako saking buhok at napapadyak! Natataranta na sa gagawin! Nakakainis! Eh sa bakit ba napaka-clumsy ko! Hindi na talaga ako mapakali eh! Gusto ko ng lumabas!

"Yva! Huwag tayong umuwi 'pag di natin mahanap ah?" Mangiyak-ngiyak kong sabi sa katabi. Ang tagal namang matapos ng last subject na ito! Bwesit!

"Ayen, ibibigay din yun sa iyo mamaya. Hindi pa nga lang ngayon dahil may klase pa sila." Kalmado namang sabi ni Faye. Napapadyak na naman ulit ako.

"Ayen! Stop that!" Naiiritang sita sakin ni Yva.

"Class dismissed." Pagka-sabi nun ni Ms. Ojuano ay mabilis akong tumayo at naglakad patungo sa pintuan.

"Ayen! Sandali nga." Hinatak naman ako sa braso ni Yva. "Chill! Pwede ba? Makikita natin yung cellphone mo!" Inis na sabi niya. Binigay naman sakin Faye ang knapsack ko at pinasalamatan ko naman siya. Pumunta kami sa room 41 at hinanap si Ellaine.

"Oh Ayen?" Tanong naman ni Ellaine pagkalapit niya samin. Pilit kong pinakalma ang sarili.

"Have you seen my phone? Naiwan kasi sa Music Hall kanina eh." Nagulat naman si Ellaine sa narinig.

"Ah, I'll try to ask Aizan ha? Umuwi na kasi ako agad after you sang eh, si Aizan lang ang naiwan at ang ibang members pero di ko kasi sila masyadong kilala mga College students kasi." Napatango nalang ako tsaka siya naglakad na paalis. Di ko na naman maiwasang di kabahan. Paano kung nakuha na iyon isang member? Baka di na niya isuli, hindi naman yun mamahalin katulad ng ibang brand kaya lang importanteng-importante iyon sakin.
Dahan-dahan namang lumapit si Aizan samin na nakakunot ang noo. Mas lalong lumakas ang pintig ng puso ko.

"What?" Malamig niyang tanong sakin halatang naiirita. Napayuko nalang ako.

"Have you seen my phone?" Tanong ko sa mahinang tinig.

"Ito ba?" Nilahad niya sakin ang cellphone ko kaya napaangat ako ng tingin sa kaniya. Nanlaki ang mga mata ng bahagya at napangiti.

"Salamat!" Masayang sabi ko at nakahinga ng maluwag. Tumango lang siya tsaka umalis. Napayakap naman ako sa cellphone ko. Buti nalang si Aizan ang nakakuha sa iyo. Sabi ko saking isip. Napangiti naman ako. Tinulak naman ako ng mahina ni Faye sa balikat.

"Uy! Kinikilig ang bruha!" Kantiyaw niya at sinabayan naman ng kurot ni Yva saking tagiliran. Natawa nalang ako.

***
Nag-ayos ako ng buhok. Naisipan kong mag twin-tail ngayon at ang ponytail holder ko ay kulay pulang ribbon. Pula rin ang turban na ginamit ko at may disenyong puso. Ang barrette ko rin ay kulay pula na may disenyong rosas. Unang ensayo ko kasi ngayon sa choir kaya kailangan kong maghanda at mag-ayos. Nag-hysterical naman ang aking katabi saking hairstyle, hindi ko nalang siya pinansin tsaka naglakad na patungo sa Music Hall. Nakasalubong ko naman si Aizan sa hallway papunta doon, at grabe ang kabog ng aking dibdib ng makita siya, parang sasabog na lalo ng mapansin kong ang graceful niyang maglakad, sobrang masculine. Waah! Kahit nahihiya man at na-ko-conscious saking sarili ay pinilit ko pa rin ang aking sarili na maglakad ng maayos. Yumuko nalang ako para hindi siya makita pero nang magkalapit na kami ay naamoy ko agad ang halimuyak niyang pabango kung kaya'y mabilis ko siyang sinundan ng lakad, ang bango kasi eh! Ang sarap-sarap amoyin! Sumisinghot-singhot lang ako sa likuran niya ng bigla siyang lumingon. Namilog naman ang mga mata ko at napanganga, agad ko namang naramdaman ang pag-akyat ng dugo sa aking mukha kung kaya'y napayuko nalang ako para mapagtakpan ang mukha kong paniguradong namumula. I heard him grimaced at umismid pa. Umatras naman ako at pinaglalaruan ang aking daliri para mapagtakpan ang kahihiyan. Ng maramdaman kong umalis na siya ay naglakad na rin ako palayo at nakahinga na rin ng maluwag. Hooh! Pinukpok ko naman ang ulo ko sa pagiging tanga!

"Sorry Maam, I'm late." Hinging-paumanhin ko kay Mrs. Aguirre pagkapasok ko.

"It's ok, you're just in time." Sabi ng Guro na ikinasaya ko. Tinawag ako ni Ellaine kaya napalingon ako sa kaniya, tinuro niya ang upuang katabi niya sabay sabing "Dito kana maupo." Ngumiti naman ako sa kaniya at tumalima. Pagkaupo ko ay agad niyang kinurot ang aking pisngi, nagulat ako siyempre. Ngumisi lang siya sabay laro sa buhok ko. Napakunot-noo tuloy ako, di ko nalang siya pinansin at nagpokus na kay Mrs. Aguirre, may mga Lecture kasi siya about sa choir, Rules and Regulations and such. Bumukas ang pinto kaya nabaling ang atensiyon namin sa kaniya. Lumundag naman agad ang aking puso ng makitang si Aizan yun, mabilis akong nag-iwas ng tingin. Napalunok pa ako ng maalala ang nangyari kanina. Narinig ko naman ang kaniyang yabag papasok at naramdaman kong gumalaw ang upuan na katabi ko at ng may dumantay na balat sa braso ko ay agad akong napasinghap at nakaramdam na naman ng bolta-boltaheng kuryente sa katawan. Nakikiliti man ay nahirapan na rin akong huminga lalo na nga maamoy ko na maman ang kaniyang natural na bango na hinaluan ng kaniyang masculine na cologne. Ohmy! Baka magkasala pa ako ng de-oras nito! Iniwas ko nalang ang aking braso at huminga ng malalim.

"Aizan? San ka galing?" Tanong ni Ellaine sa kaniya.

"Just somewhere." Sagot niya lang sa inip na boses.

Wala akong naintindihan maski isa sa mga lecture ni Maam, di ko kasi talaga magawang makinig ng maayos eh, lalo na na katabi ko si Aizan! Ang hirap kayang gumalaw! Natataranta na nga kanina pa ang puso ko eh. Walang humpay ang pagtibok nito ng husto na parang sumali ako ng fun-run, natakot nga ako na baka marinig niya eh. Huhu sa lakas ba naman nun?

"Yes Aizan?" Naalarma naman ako ng marinig ang pangalan niya.

"Maam, I-I.. want.. to quit." Napalingon naman ako bigla sa kaniya at siya ding paglingon niya sakin kung kaya'y nagkatitigan kami ng ilang segundo, di ako nakaiwas agad dahil napamaang ako sa ganda ng mukha niya! Grabe! Walang tatsa!
Ng marinig ko ang boses ni Maam ay natauhan agad ako at yumuko na lamang, lihim ko namang hinaplos ang mata ko kung meron bang muta at ganun nalang ang aking pagkataranta ng may nakuha nga ako! Waaaaah! Gusto ko na tuloy umalis dito para di na niya ako makita! Waaah! Feeling ko tuloy ano mang oras maiiyak na ako! Huhu. Nakita niya panigurado yung muta ko eh! Huhu!

"Why are you quitting Aizan?!" Tumaas ang boses ni Mrs. Aguirre kaya kaming lahat ay nagulat. Marahang tumayo si Aizan kaya nakahinga ako ng maluwag pero nakaramdam din ako ng bigat ng loob ng maalala na magq-quit na siya. Bakit?

"I'll be very busy next week kasi Maam eh. Isa na po kasi ako sa mga P.R.O sa VISUAL Party Maam. Hindi ko na po kayang pagsabayin ang tatlo." Napasimangot naman ako sa narinig.

"Dalawang taon ka na sa choir Aizan, I can't afford to lose you to our club, we need a total performer like you." Mahinahong sabi ni Maam na mukhang mapipiyok na anumang oras. Ako nama'y nalukungkot rin. Sayang! Ngayon na nga lang kami nagka-team ni Aizan, magq-quit pa siya.

"I'm sorry Maam, masakit rin po sakin na iwan ang club na ito pero.." bigong sabi ni Aizan.

"My desicison is final Maam. I'm leaving.." Humikbi naman si Maam kaya kaming lahat ay naalarma. Nag-iwas naman ng tingin si Aizan at nilapitan naman ng ibang choir members si Mrs. Aguirre, ako nama'y di makagalaw sa kinauupuan ko.

"Wala kang utang na loob Aizan! Matapos tayong alagaan ng dalawang taon ni Coach mas pipiliin mo pa yung pagiging P.I.O at pagiging Dancer mo!" Singhal ng isang member sa kaniya. Tiningnan ko naman si Aizan na may lungkot sa mga mata, nakita ko siyang nagpipigil na maiyak. Nilingon niya ako at agad na nagngitngit ang kaniyang paningin, natakot naman ako doon kaya napayuko ako agad.

"Ikaw?" Matigas niyang tawag sakin. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sa kaniya. "Di mo man lang ba dadamayan si Coach? Kung ganiyan lang din pala, kung wala ka rin palang pagpapahalaga sa kaniya, edi sana di ka nalang sumali! Siguro kaya ka lang sumali nu? Dahil nandito ako para lagi mo akong makita at makasama! Ang panget naman kasi ng boses mo pero nakakuha ka talaga ng lakas ng loob na sumali!" Asik niya sakin at ako nama'y napatigagal saking upuan at parang inaapak-apakan ang aking puso sa binitawan niyang mga salita, nanubig ang aking mga mata pero pinigilan ko lang talaga na huwag tumulo ito.

"Your behavior is INAPPROPRIATE. Hindi nararapat sa edad mo. " And with that he left me dumbfounded. Parang hinihiwa ng sampong beses ang aking puso at ang luhang kanina ko pa pinipigilan ay kusa nalang tumulo.

The Story Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon