Nai-charge ko na din ang cellphone ko sa wakas! Kanina kasi, pagkatapos kong tawagan si Ate Ayesha ay nakalimutan ko ng i-charge ang phony ko at nagdaang mga oras na lowbat nalang. Hindi ko nalang rin iyon pinansin dahil busy ako sa pagsubaybay kay Mama.
"Ayen, let's eat. Nandiyan na ang Ate mo sa labas." Inaantok na sabi ni Papa, di pa kasi siya nakatulog simula pa kaninang umaga eh. Mga hatinggabi pa naman siya nakauwi kagabi kaya sobra siyang inaantok at napapagod ngayon pero iniinda niya lang ito for Mama's sake. Nagising naman na si Mama kaninang alas-nuebe at sobrang saya niya ng makita ako at si Papa sa kaniyang tabi, sayang lang dahil nalate si Ate ng dating, ina-asikaso pa kasi niya ang anak na limang taong gulang.
"Ma? Kakain muna kami ah? Magpagaling ka ng bongga para makalabas na tayo!" I said enthusiastically, dapat matatag ako sa harap ni Mama at may tiwala ako sa Diyos na papagalingin niya ang Mama ko.
Ang sabi naman ng Doctor kanina ay na-hyperventilate si Mama dahil sa emotional stress. Ok naman na siya ngayon pero kailangan pang masubaybayan para masigurong ok na talaga. Nagpaalam naman ako sa katulong na si Manang Iska na magbabantay sa kaniya ngayon. Lumabas naman ako at dinaluhan sina Papa at Ate na nakaupo sa bench na nasa labas, agad din naman akong sinalubong ng mahigpit na yakap ng anak ni Ate na si Ymari na cute na cute tingnan sa uniform nitong mini-checkered skirt na pinaresan ng knee sack at ang buhok nama'y naka medium length twin-tail na nakabraid. Napangiti naman ako at ginulo-gulo ang kaniyang buhok. Binuhat ko siya at hinalikan sa pisngi. Inakbayan naman ako ni Ate at tuluyan na kaming lumabas para kumain sa isang restaurant.
"Tita Ayen, is lola ok now?" Inosenteng tanong ng limang-taong gulang na bulilit.
"Of course, why wouldn't lola be okay? She is a strong woman like you." Nginitian ko siya at kinurot ang kaniyang pisngi.
"Awts Tita Ayen, awts." Natawa naman kami sa reklamo ng bata, ayaw niya kasing kinukurot ang pisngi niya eh. Ang cute naman kasi di ko mapigilan!
***
"Earth to Yva!" Natuwid naman ako ng tayo ng may nag snap ng fingers sa harapan ko. Si Faye pala, sasamahan niya daw kasi ako ngayon sa Gym para magpractice. I don't know why is she acting like that pero masaya naman ako dahil marunong na siyang makihalubilo. Nginitian ko nalang siya at ng nakarating na kami sa Gym ay agad akong sinalubong ng malakas na tili ni Riu. Ugh! So irritating!
"Yva! Aizan Blake is looking for you kanina pa, what took you so long? And you-" tinuro ang katabi kong si Faye. Nagtaas naman ng kilay ang kasama ko kaya bahagyang nagulat si Riu.
"Oh, may hidden talent pala ang introvert. Why are you coming with her? Are you two friends now?" Maarteng tanong ni Riu sa kaniya na nakapameywang pa. Dahil sa iritasyon ko kinuha ko ang kamay ni Faye at pinaupo sa malapit na bleacher sa stage, nilagpasan ang nakangangang maarte.
"Hey." Tawag-pansin ni Aizan sa akin. Napangiti lang ako ng pilit sa kaniya. "I was talking the whole time but you weren't listening. What's the matter?"
"Wala lang, I've just missed my friend kanina pa kasi siya di nagpaparamdam eh and I'm so worried about her." Bigong sabi ko sa kaharap.
"Bakit, nasan ba siya?" May himig na lamig na tanong ni Aizan kaya nabitawan ko ang kamay niya at napahinto sa pagsasayaw. Kinunutan niya naman ako ng noo.
"Why did you stop? Papagalitan tayo ni Coach Maria." Nag-aalalang sabi niya sa akin pero di ko iyon pinansin, sa halip inungasan ko siya sabay sabi ng. "Don't be cold to Ayen because if you do, promise I'll leave this team again." Mahina pero matigas kong banta sa kaniya. I know how Ayen likes Aizan even if she doesn't tell me, and I want them to be in good terms, ayokong masaktan ang kaibigan ko sa bandang huli. Napabuntong-hininga naman si Aizan tsaka tiningnan ako ng seryoso.
"Just because you're an asset to our team, doesn't mean you can dictate me to what will I do, I can be cold or harsh to Ayen anytime if I would want to, and no one can stop me neither do you." Napakuyom ako ng mga palad. Gustong-gusto ko na siyang sampalin pero pinigilan ko lang ang aking sarili.
"Why? Don't you like Ayen? Ayen is pretty inside and out." Sabi ko sa kaniya pero hindi siya nagpakita ng kung ano mang emosyon.
"Is that so? I can't see it, pero kung ganun man, it still doesn't change the fact that I.Don't.Like.Her. Pinagtatiyagaan ko na nga lang siya because she's your friend eh." Di ko na napigilan ang aking sarili at sinampal ko na siya ng tuluyan.
***
Nataranta ako bigla ng ang daming nagpop up na new messages. Kanino kaya ito galing? Ng mabuksan ko ang isang folder ay napangiti ako ng mabasa ang laman ng mensahe.From: Yvana Addict
Uy Ayen! Walang maingay ngayon asan ka na ba?Natawa nalang ako ng mahina at binasa pa ang ibang mga mensahe, ganun lang din ang laman, hinahanap ako. Asus! Ang addict na iyon! May 50 missed calls din ako at galing lahat iyon kay Yva. Oh diba? Grabe lang kong maka-miss! Napailing-iling nalang tuloy ako. Concern na concern ang bruha sakin! Ano kayang nakain nun? Nireplyan ko naman siya na "I'm ok no need to worry. We're here in the hospital, Mama was confined earlier but she is pretty well now. :)" and hit send. Maya-maya nama'y tumunog ang aking ringtone na Always Be My Baby na version ni Mariah Carey. Tumawa na naman ako ng mahina ng makita ang caller ID. Di nakatiis! Na-miss talaga ako ng bongga ng lokaret na yun ah? Sinagot ko naman ito at hinintay ang kaniyang unang pagbati.
"Ayen! I wish I was there." Bungad niya agad sakin, napangiti na naman ako. Exag na kung makapag-alala ang bruha ah?
"Tss, ayaw mo lang akong di makita eh." Pang-aasar ko sa kaniya sabay ngisi.
"Yeah sort of, send my regards to your Mother ah? By the way may nangyaring commotion kanina."
"Wait, what? Nino?" Nagtatakang tanong ko. Naalarma.
"Malalaman mo rin, and one more thing." Kinabahan na naman ako, baka ano na naman ang ibalita ng bruha sakin baka pinagalitan ako ni Mr. Arellano dahil di ako pumasok. Oh well, bahala siya nu? Mama's more important than him!
"Ano iyon Yva?" Kanina na pala nanahimik ang kabilang linya, pinagpahintay pa ako at pinapakaba.
"Ah.. w-wala, I-I just wanted to tell you na na.. h-huwag- I mean.. f-friends.. na kami.. ni.. Faye!! Oh yeah! Oo! Friends na kami! Grabe di nga ako makapaniwala eh!" Sabi niya tsaka huminga ng malalim, di nakatakas saking pandinig.
BINABASA MO ANG
The Story Of Us
RandomAyen Villarosa is a very infantile woman. Mentally dull sometimes and doesn't have any talents nor beauty. At the age of 16 she met this "personified Adonis" guy who first captivated her young heart and that is Aizan Blake Samaniego. Dahil sa pag-uu...