Chapter 10

4 0 0
                                    

"Hop in."

Napalingon naman kami agad pagkarinig sa nagmamay-ari nung boses na nasa likod ng kotse ni Aizan at nakapayong.
Lumapit naman siya sakin at inakay patungo sa sasakyan niya at pinasuot pa sakin ang leather jacket niyang kay bango-bango at pinayungan pang talaga. Wow! So gentleman!
Napalingon naman ako kay Aizan na ngayon ay laglag ang mga balikat. I don't know if I'm imagining things pero iyon ang nakikita ko ngayon sa kaniya. Para siyang nabigo. Hindi ko nalang iyon pinansin dahil baka guni-guni ko lang iyon.
Pinagbuksan naman niya ako ng pintuan at pumasok naman ako agad sa kotse niya. Huwag ng pa-choosy gumagabi na rin kasi baka ma-late pa ako ng uwi, mag-aala pa si Mama.
Nakita ko naman sa labas na gumalaw na si Aizan at naglakad na papasok sa kotse niya at humarurot na ng takbo.
Napasimangot naman ako. Ang dami kong katanungan sa isipan.
Bakit kaya huminto siya roon at lumapit sakin? Ano kaya ang balak niya? I was snapped back from my thoughts when Vin waved his hand before me. Nginitian ko naman siya.

"Sorry." Sambit ko at akmang isusuot na ang seatbelt pero mabilis niyang nakuha iyon mula sakin.

"Ako na." Pagkatapos ay binuhay na niya ang makina ng kotse.

Tahimik lang ako sa byahe, palaisipan pa rin sakin ang paghinto at paglapit ni Aizan sakin kanina. Bakit kaya? Tsaka nung inakay ako ni Vin sa sasakyan niya bakit kaya parang nabigo siya nun?

"Hey!" Napaigtad naman ako ng marinig ang boses ng aking katabi.

"Sorry." Yumuko ako ng kaunti.

"Stop apologizing, wala ka namang kasalanan eh. Buti nalang talaga at naabutan kita. Giniginaw ka ba? I-o-off ko nalang itong aircon kung gusto mo." Mabilis naman akong umiling.

"Naku! Huwag na Vin! Nakakaabala na nga ako sa iyo eh." Nahihiyang sabi ko.

"Ano ka ba, mas gusto ko ngang ako ang maghatid sa iyo eh para masigurong safe ka. Nang natapos na ang Misa ay pinuntahan kita agad sa Music Hall pero di na kita naabutan doon kaya nung makita ko si Ellaine ay tinanong ko siya agad kung nakita ka ba niya at sabi niya naman ay nakauwi ka na daw kaya nagmadali akong lumabas para maabutan ka kaya lang na-stuck ako sa nagkukumpulang mga babae sa may gate na nagpapa-picture sakin kaya natagalan ako. Eh anong magagawa ko, pogi eh." Natawa naman ako sa huling sinabi niya.

"Hindi ka rin makapal nu?" Biro ko naman sa kaniya. "Salamat nga pala Vin ha? Sa pangalawang pagkakataon natulungan mo na naman ako." Madamdamin kong sabi.
"Asus! Wala iyon!" Nahihiyang sabi niya at napakamot pa sa batok. Haha! Ang cute talaga! Parang boy next door kung umasta! Oops! Hinay-hinay lang sa pag-compliment Ayen.

"Nagugutom ka ba Yen? Drive Thru tayo o baka gusto mong makinig ng radio? Ano? Magsabi ka lang baka sabihin mo nabo-bore kita." Natawa naman ako ng mahina sa sinabi niya.

"Ano ka ba. Radio nalang, huwag nalang iyong pagkain hindi rin naman ako nagugutom tsaka baka dumami pa ang utang ko sa iyo. Wala pa naman akong perang pamabayad." Siya naman ngayon ang tumawa at in-on na ang radio at ang unang kantang nagplay ay Count On Me ni Bruno Mars. Nagkatinginan tuloy kami sa isa't-isa at natawa.

Nag-order nga kami sa Drive Thru sa Jollibee. Mapilit si Vin eh, pailang-ulit na akong tumanggi pero di ako pinakinggan ng mokong. Ayan tuloy umorder siya ng limang large fries, limang cheese burgers at isang bucket ng chicken joy. Nanlaki nga ang mga mata ko sa dami ng mga inorder niya eh. Grabe naman! Isang buwan ko itong pag-iiponin eh.

"Vin! Bakit ang dami nito?" Reklamo ko sa kaniya. Nginisihan niya lang ako at binuhay ng muli ang sasakyan niya. Dahil sa katahimikang bumabalot samin naisipan kong magsalita. Hindi pa rin kasi mawala sa isip ko iyong tinginan nila ni Yva kahapon eh.

"Ah Vin." Tawag ko sa kaniya.
He tilted his head towards my direction at ngumiti. Hala! Ang guwapo talaga kahit saang anggulo! Pero mas gwapo talaga si Aizan eh! Huhu.

"Yes?" Nabalik naman ang atensiyon ko sa kaniya. "Wait, saan ka nga ba nakatira?" Natatawang tanong niya sabay kamot sa kaniyang batok.

"Ah, deretso lang, may makikita kang subdivision sa unahan. Doon mo nalang ako ibaba." Sagot ko naman na tinanguan niya nalang din.

"Vin?" Tawag ko ulit sa kaniya. "Ok lang ba na magtanong?"

"Siyempre naman." Sabi niya ng nakangiti.

"Uh.. bakit- uhm, g-ganoon-"

"Hala! Ang tagal naman. Hindi dapat pinaghihintay ang grasya!" Natawa naman ako sa sinabi niya, tapos bigla nalang kaming nakarinig ng tunog ng utot kaya natigilan kami at nagkatinginan. Humagalpak nalang kami ng tawa at napahawak pa sa aming tiyan.

***

"Ang baho ng utot mo Yen! Hahaha!"

"Kapal mo ha? Sa iyo kaya iyon! Di ako yung umutot kanina nu?" Pagdedepensa ko sa aking sarili. Bigla namang tumunog ang ringtone ng iPhone ni Vin kaya natigilan siya sa pagtawa at sinagot na ang tawag.

"Mum!-ah hey hey! I'm safe- oo- oo na nga diba? Oo na! Sige na bye I'll hang up- tot tot tot." Nangunot naman ang noo ko sa kaniya at tumawa naman siya ng mahina,natawa nalang din ako tsaka napailing.
Pagkatapos dumeretso na kami sa pagpasok sa subdivision namin. Kagaya ng kanina, di niya pinakinggan ang pagtanggi ko.

"Dito nalang." Tinigil niya naman ang kotse sa harap ng bahay namin at pinagbuksan ulit ako ng pinto.

"Ito ba ang bahay niyo?" Tanong niya tsaka pinagmasdan ang bahay namin. "Nice." Ngumiti lang ako tsaka nagpaalam na.

"Wait!" Tawag niya sakin kaya napalingon ako sa kaniya. "Sa iyo na ito. Para na din sa pamilya mo." Napakamot na naman siya sa batok. Napamake-face naman ako! Nakakainis! Ang cute niyang talaga!

"Nakakahiya! Huwag na! Wala nga akong pambayad diba?" Sabi ko lang.

"Sige na nga diba? Bayaran mo nalang ako ng halik!" Nagtaas-baba ang kaniyang dalawang kilay kaya sinapak ko siya sa balikat. Tumawa naman siya at ginulo na naman ang buhok ko. Hindi pa nakuntento ang mokong at kinurot pa ang ilong ko. Ang sakit lang ha!

"Alis na, tsu! Baka makita pa tayo ni Mama dito, pagduduhan ako nun." Nakasimangot kong sabi. Inangat ko naman ang supot na hawak ko. "Salamat dito ah? Huwag kang mag-alala babawi rin ako sa iyo!" Sabi ko tsaka tumalikod na. Nilingon ko siya ulit para i-check kung naroon pa siya at tama nga ako! Nandoon pa siya at nakasandal sa kaniyang kotse at pinakatitigan ako. Nailang tuloy ako bigla. Kumaway lang ako tsaka pumasok na.

***

Agad akong sinalubong ng makahalugang-tingin ni Mama. Hala! Naglakbay ang tingin niya sa supot na hawak ko. Napakagat naman ako ng labi ng makitang nagsalubong ang kilay niya. Hala!

"Kanino galing iyan?" Malamig niyang tanong habang nakahalukipkip. Napabuntong-hininga naman ako. Ito na nga ang sinasabi ko eh!

"G-galing.. po sa kaibigan ko.." alanganin kong sagot sa kaniya.

"Sinong kaibigan?" Malamig pa rin niyang tanong at lumapit ba sakin. "Ang yaman naman ni Yva ha? At binilhan ka nitong lahat?" Dagdag niya pa na ikinakaba ko. Lagot ako nito eh! Huminga muna ako ng malalim tsaka napayuko.

"Galing po sa bago kong.. kaibigan.. si Vin.. hinatid niya po kasi ako.. dahil umuulan ng malakas kanina at malimit nalang ang sasakyan.. tsaka.. tumanggi naman ako na bilhan niya ako nito eh kaya lang mapilit siya.. pero babayaran ko po ito.. pangako po.." nag-angat ako ng tingin kay Mama na ngayon ay mukhang kalmado na.

"Ibebake ko nalang siya ng cake bukas." Sabi niya. Nakahinga naman ako ng maluwag. Niyakap ko naman siya patalikod at nginitian.

"Sorry Ma ha? Huwag ka ng magalit." Paglalambing ko sa kaniya at pinugpog siya ng halik sa kaniyang pisngi.

"Hmp. Oo na, ilatag mo na iyang dala mo dahil kakain na tayo." Napangiti naman ako ng malapad at sinabayan na siya ng lakad patungo sa kusina.

The Story Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon