"Busy ata ang anak ko ngayon ah?" Tanong sakin ni Mama na nasa labas ng pinto ng kwarto ko. Nakasimangot ko naman siyang tiningnan. Naglakad siya papasok at umupo sa tabi ko.
"Oh? Bakit nakabusangot ang prinsesa?" Napangiti naman ako sa sinabi niya. Prinsesa pa rin pala ang turing niya sakin kahit Grade 10 student na ako.
"Kasi Mama." Pinakita ko sa kaniya ang mga libro na nahiram ko sa library. "May reporting ako bukas di lang sa klase namin pati na din sa Section 2." Manghang-mangha namang napatingin sakin si Mama. Napakunot tuloy ako ng noo. "Ma!" Padabog kong tawag sa kaniya.
"Oh ayaw mo nun? Malay mo magustuhan ka ng adviser ng Section 2 at makitaan ka ng potential at ipalipat ka doon diba? Kaya galingan mo para ma-impess mo sila!" Napanganga naman ako sa sinabi niya at pinoproseso ang kaniyang sinabi.
"Osya, mukhang nasa baba na ang ate Ayesha mo puntahan ko lang ha? Good luck!" Nginitian niya ako ng malapad kaya napayakap ako sa kaniya ng mahigpit. I never thank God enough for giving me a such wonderful Mother! My true confidant.
"I love you Ma." Sabi ko sa kaniya na nakapikit. Hinalikan naman ni Mama ang noo ko at bumulong ng "I love you more princess." Dumilat naman ako at nginitian siya tsaka siya umalis. Nagbalik-lakbay naman sa isip ko ang sinabi ni Mama kanina! Tama! Kapag ganun, di lang ang Section 2 ang mapapa-impress ko pati na din si Mama at Papa kung saka-sakaling maging succesful ang reporting ko at makitaan ako ng potensiyal. Nabuhayan ako ng loob. Seems like may positive side naman pala ang pagpapareport ni Sir sakin. Ngumiti naman ako ng matamis at nagsimula ng mag-aral.
***
Mugtong-mugto ang aking mga mata kinaumagahan pero isiniwalang-bahala ko nalang iyon, worth it naman ang pagpupuyat ko kagabi. I looked at my reflection in a full length mirror one last time at huminga ng malalim. Kaya ko ito! Sigaw ng isip kong matapang. Di ko muna papairalin ang kaba sa ngayon kailangan kong magbaon ng sandamakmak na lakas ng loob. Pumanhik na ako sa hagdan at nakita ko si Mama'ng namimilipit sa sakit na nakaupo sa sofa habang nakahawak sa kaniyang dibdib. Ang tapang ko kanina ay biglang naglaho at namutla ako bigla. Kinakabahan ako at natataranta."MA!" sigaw ko at mabilis na tumakbo pababa ng hagdan. Niyakap ko si Mama at inakay patayo. Mangiyak-ngiyak na ako ng lumabas kami sa bahay, timing naman na sinalubong kaagad kami ni Papa ng mahigpit na yakap at madaling pinasakay sa kotse. Nagkarerahan naman ang pag-agos ng luha ko. Napahagulhol ako habang taimtim na nagdarasal saking isipan na sana ay maging ok si Mama. Pumasok na rin ako sa kotse at hinawakan ang kamay ni Mama at ng maramdaman kong tumitibok pa ang kaniyang pulso ay nakahinga ako ng maluwag, niyakap ko naman ng mahigpit ang nakapikit kong Mama.
"Ma, your family is here huwag muna ma." Garalgal na bulong ko sa kaniya, nagbabasakaling marinig niya.
"Ayen, pumasok ka ngayon di ka pwedeng um-absent." Kahit pilit na pinatatag ni Papa ang kaniyang boses mahahalata mo pa rin dun ang pag-aalala at pangamba.
"Pa, sasamahan ko kayo, sasamahan ko si Mama sa Hospital. Babantayan ko siya para kung sakaling gumising na siya ang pamilya niya ang unang makikita niya." I told him in between my sobs. Napabuntong-hininga naman si Papa at pi-nark na ang kotse sa parking area ng Hospital.
***
Paulit-ulit nalang tinatanaw ni Yva ang bintana, nagbabakasali na makita ang bulto ni Ayen na papasok sa silid. Pero nag-alas otso nalang pero wala pa ring Ayen na dumating. Nag-aalala na siya, ito kasi ang kauna-unahang pagkakataon na lumiban siya. Paano nalang ang reporting nito? May inihanda pa naman siyang powerpoint para sa kaibigan. Iniisip niyang baka ayaw nitong magreport kung kaya'y lumiban siya pero iba ang kaniyang kutob, kilala niya ang kaibigan, matalino ito at matapang na hinaharap ang unexpected Oral Recitations kahit na paminsan-minsan ay name-mental block siya. Idadial na sana niya ang numero nito pero bigla nalang sumulpot ang terror na Matandang Ginang nila sa Science. Binalik niya nalang ulit ang cellphone sa bulsa nilang saya na knee-length ang haba.
Sana ok ka Ayen, lihim na panalangin ng kaibigan.Dumaan ang ilang oras at mag-a-alas onse nalang ay wala pa din ang kaibigan, dina-dial na niya ng paulit-ulit ang numero nito pero out of coverage area. Ang practice nga nila ni Aizan ay pinagpaliban niya muna para subaybayan ang pagdating ng kaibigan pero walang lumitaw na Ayen sa harapan niya. Nag-aalala na talaga siya.
"Hey you okay?" Nagitla siya sa tanong ni Faye, ang introvert niyang kaklase na nakaupo sa harap. Nagulat man na kinausap siya ay sinagot niya pa din ito.
"O-oo." Nauutal niyang sagot dahil di naman totoo.
"Lunch na." Sabi pa nito, nagtaka naman kaya pinasadahan niya ng tingin ang relong pambisig. Ganun nalang ang kaniyang pagkagulat ng mabasang alas dose na nga! Hindi niya namalayan.
"Uhm.. wanna join me? I-I don't have c-companion kasi eh." Nahihiyang imbita ng introvert kay Yva. Nagulat na naman siya pero napangiti na rin sa inaasta nito. Sa kabila ng lahat ng kaba niya ay nakahinga naman na siya ng maayos.
"Sure." Pinaunlakan niya ang imbitasiyon ng introvert na kaklase kaya ganoon nalang ito kasaya.
***
Nag-ala una nalang, pero si Ayen ay hindi pa din pumasok.
"Good Afternoon class!" Bati ng kakapasok lang na Ginoo na si Mr. Arellano. Napatingin sa bakanteng upuan ni Ayen. He must be looking for her para ipahiya na naman. Sabi ng kaniyang isipan.
"Looking for Ayen uh-huh." Komento rin ni Faye ng mapansing nagpalipat-lipat ito ng tingin.
"Where's Ms. Villarosa?" Tanong niya sa klase na agad naman nilang sinagot na "Absent" Napangisi naman ang Ginoo na ikinainis niya. He's degrading Ayen! Sa isip niya ulit.
"Sabagay, marunong din pala siyang mahiya, um-absent siguro para di ka makareport dahil walang alam." Nagpanting ang kaniyang tenga doon at marahas siyang tumayo. Nahinto naman sa tawanan ang iba niyang mga kaklase at si Faye nama'y pinagmasdan siyang nakangiti. At sapat na yun para bigyan siya ng lakas ng loob na ipagtanggol ang kaibigan sa hambog na Ginoo.
"Mawalang galang na po Sir." Malumanay niyang panimula. "But my friend isn't absent because she doesn't know anything about you've given task. We don't know what's the main reason so don't conclude anything." Kalmado niyang pahayag sa Guro na nakataas-noo. She doesn't care anymore sa mga consequences. Napatiim-bagang naman ang Guro at halatang kinokontrol ang sariling magalit.
"You're her friend that's why you're protecting her. Malay natin diba?" Nag-init agad ang ulo niya sa sinagot nito! He's really degrading Ayen, parang hindi siya Guro!
"Ayen is a smart woman Sir. I am not saying this because she's my friend, I am saying this because that's what I saw in her! Dapat ganun din ang tingin mo sa kaniya. Don't degrade her!" Di na napigilan ng dalaga ang taasan ng boses ang Guro. Doon naman sobrang nagalit ang Ginoo at hindi na nakapagtimpi.
"You're disrespecting me Ms. Del Rosario!" Mahina pero may bawat diin na wika ng Guro. Hindi natinag ang dalaga at nanghamon pa ng tingin rito.
"Sir, I will stop disrespecting you if you would also stop embarassing Ayen! That is against by law! Ayen's family could sue you if they will know about this. At huwag mo ring isipin Sir na natatakot ako sa inyo, I could report your wrongdoings in the faculty if I would want to." Tuluyan ng nawalan ng katiting na respeto ang dalaga. Ang Guro naman ay namula sa pagkapahiya at galit. Nagsisimula na kasing magbulungan ang kaniyang mga kaklase, tiningnan siya ulit ng Ginoo ng matalim at pagkatapos ay linisan ang silid. Pumalakpak naman si Faye sa harap niya at sinundan na ito ng iba pa niyang mga kaklase na may kasama pang hiyaw. Napangiti naman siya.
BINABASA MO ANG
The Story Of Us
AcakAyen Villarosa is a very infantile woman. Mentally dull sometimes and doesn't have any talents nor beauty. At the age of 16 she met this "personified Adonis" guy who first captivated her young heart and that is Aizan Blake Samaniego. Dahil sa pag-uu...