Chapter 9

5 0 0
                                    

"Bakit kasi di mo kami hinintay ha?!" Galit na tanong sakin ni Yva. Napanguso naman ako.

"Sorry naman, bigla akong hinablot-" di ko nalang pinatuloy ang sasabihin, dahil naalala ko na naman ang nangyari kanina.
After nung insidenteng iyon, ay nagbago nalang bigla ang mood ni Yva. Ng maisipan na naming umuwi ay nagsialisan na rin kami doon sa lugar na iyon, hindi na sumama si Aizan samin dahil siyempre di naman kami friends diba? Pinagsalitaan niya pa kaya ako ng masama kanina. Hmp, naalala ko na naman. At ngayon ay nandito kami sa 7/11 na malapit lang sa subdivision nina Yva. Ewan ko nga kung bakit kami nagpunta rito siguro para pagalitan huhu. Tahimik naman sa isang tabi si Faye habang kumakain ng Adobong Shiopao at nagsip pa sa Gulpee niya, ako nama'y hindi na nag-order dahil ok na sakin yung ice cream na binigay ni Vin kanina. Napangiti naman ako ng malala iyon.

"Anong ngingiti-ngiti mo diyan?" Nakataas na kilay na tanong ni Yva sakin. Napanguso ulit ako at tumingin nalang sa glass wall.

"Ayen. Sa susunod hintayin mo muna kami or pumunta ka sa Gym pagkatapos ng practice mo. Nag-aalala kaya kami sa iyo kanina, pinasama pa nga namin si Aizan dahil nagbabakasakali kami na alam niya kung nasaan ka dahil galing din siya sa practice ng choir niyo. Tapos makikita ka lang naming sumasama kay Calvin ng hindi ka man lang nagpapaalam samin?!" Panernermon niya. Sumeryoso naman ako at tumingin sa kaniya.

"Yva naman! Tumanggi naman ako eh! Kaya lang pinilit ako ni Vin, but I didn't regret it kasi ng dahil sa pagsama ko sa kaniya gumaan ang pakiramdam ko!" Napahinto naman sa pagkain si Faye at si Yva'y naguguluhang tumingin sakin.

"What happened?" Nag-aalalang tanong ni Faye sakin. Nag-iwas lang ako ng tingin. Ng maalala na naman iyong nangyari kanina ay sumikip na naman ang dibdib ko.

"Tell us what had happen to you Ayen, please." Pamimilit ni Yva na malumanay na ngayon ang tinig. Nangingilid na aking mga luha pero pinatatag ko ang aking sarili.

"B-binara ako ni Aizan kanina sa Music Hall.. sabi niya.. di daw ako sumali sa choir.. para matuto kundi para makita siya at makasama.." hindi ko na napigilan ang sarili at napahikbi nalang ako ng tuluyan. Ang fresh pa din eh! At mas sobrang sakit pa na ikukwento mo pa yun sa harap ng kaibigan mo. Hinagod naman ni Faye ang likod ko at umupo na si Yva sa tabi ko. "Tapos.. sabi niya.. na.. saan ba daw ako nakakuha ng lakas ng loob.. na sumali eh.. ang panget naman daw ng boses ko... tapos.." napahikbi na naman ulit ako. Niyakap ako ni Faye patagilid at nararamdaman ko sa gilid ng aking tiyan ang pagkuyom ng kamay ni Yva. "Sabi pa niya.. INAPPROPRIATE daw ang pag-uugali ko.. di bagay sa edad ko.." at tuluyan na akong napahagulhol. Napalingon pa nga samin yung katabi naming umupo, pero wala ring namang pakialam. Buti nalang, kami lang ang tao dito ngayon. Inalo-alo naman ako ni Faye at binigyan ako ni Yva ng tissue. Pinunasan ko naman ang mga luha ko at niyakap silang dalawa.

***

"Aba Ginoong Maria napupuno ka ng grasya
Ang Panginoon ay sumasaiyo, bukod kang pinagpala sa babaeng lahat at pinagpala ang iyong anak na si Jesus.
Santa Maria, ina ng Diyos ipanalangin mo kami, makasalanan ngayon at kung kami, mamatay-- Amen."

Excused kami ngayon sa morning class dahil may practice kami para mamaya sa First Friday Mass namin, kinakabahan na nga ako eh! Sa Ground kaya kami kakanta!
Naging ok naman ang lahat pagkatapos ng nangyari kahapon, kinausap daw kahapon ni Aizan si Mrs. Aguirre at pinaunawa sa kaniya ang dahilan nito, naintindihan naman ito ni Coach at pinayagan na siyang umalis. Nalungkot man pero hindi ko nalang rin yun binig-deal, wala rin naman akong magagawa sa desisyon niyang yun eh. Sayang nga lang.

"Ayen! Excited ka na ba mamaya? First time mo siguro ano?" Tanong ng katabi kong si Ellaine. Ngumiti lang ako tsaka tumango.

***

"Good luck! Kaya mo iyan!"

"Kung makagood luck ka naman Faye parang ako lang ang kakanta ha?" Natatawa ko namang sabi sa kaniya. Nagla-lunch na kami ngayon sa cafeteria. Alas dose na kasi.

"Naku Ayen! Baka sumikat ka na niyan makalimutan mo na kami! Naku!" Panunukso naman ni Yva kaya natawa kaming tatlo.

"Ayen!" Dinig kong tawag sakin nung pamilyar na boses. Nilingon ko naman siya at nakatayo siya sa harap ng table namin. Napalunok naman ako at tumayo, pinasadahan ko muna si Yva ng tingin na nakayuko lang.

"Anong ginagawa mo dito sa table namin?" Bulong ko sa kaniya.

"Eeeh! Ayaw mo na ba akong makasama?" Parang batang pagmamaktol niya, natawa tuloy ako ng mahina. Ang cute talaga! Naku! Baka ma-crush pa ako sa iyong chinto ka! And that's A BIG NO NO!

"Ah basta huwag dito ok?"

"Bakit-" di niya natapos ang kaniyang sasabihin dahil may lumapit saming naka-glasses. Si sino nga ba siya? Ah! Si Isiah! Tinapik niya si Vin sa balikat.

"Pag ayaw ng babae huwag pilitin ok?" Sabi niya naman tsaka hinila si Vin, napakamot naman ito sa ulo.

"Guys! Hintay nga! - Oh hi there Ayen!" Sabi ni Venice at sabay silang tatlo na kumaway sakin. Kimi naman akong napangiti, napapansin ko kasing nakamasid na ang mga tao samin sa cafeteria.
Naglakad na rin naman sila patungo sa table nila at ako nama'y umupo na rin sa table namin.

"Ang FC ng babaeng iyan ha?"
"Oo nga! Para namang maganda! Hmp!"
"Kung makadikit pa kay Calvin! Kala mo close na close!"

Di ko nalang pinansin ang bulungan ng mga babae na nasa likuran namin at nagpatuloy nalang sa pagkain ko. Mamatay kayo sa inggit! Mga bruha!

***

Magsisimula na ang Misa in a few minutes. Di naman ako mapakali. Kaya dahil sa kaba ko, inayos ko nalang ang buhok ko. Naisipan kong mag-ponytail nalang para formal at di muna ako nagsuot ng turban at barrette.

"Hahaha, chill lang Ayen, walang mangangagat sa iyo doon!" Natatawang sabi ni Ellaine tsaka lumapit sakin. Nakalugay lang ang blonde niyang buhok at nakasuot na ng uniform namin sa choir. Binigay niya naman sakin ang akin na isang long sleeve na puti at sayang puti rin na hanggang tuhod. Sinuot ko naman iyon sa CR pagkatapos ay lumabas na at nag vocalize na kami. At maya-maya'y nagsimula na nga ang mesa at kumakanta na kami. Hininaan ko lang ang aking boses para di masyadong marinig sa mic. Mahirap na! Sintunado pa naman ako!

Pagkatapos ng Misa ay nagsiuwian na kami agad. Nagpaalam sakin sina Faye at Yva na mauuna na daw silang uuwi. May lakad kasi si Yva ngayon at si Faye nama'y may tawag ng kalikasan kaya pinayagan ko nalang silang iwan ako kahit na mag-isa nalang akong uuwi ngayon huhu. Lumabas na nga ako school dahil dumidilim na ang kalangitan. Pinasadahan ko naman ng tingin ang relos ko at hala! Alas sais na pala! Kaya pala medyo madilim na! Naglakad naman ako patungo sa waiting shed at napahiyaw ng biglang kumulog! Waaah! Papaulan na ata at parang malakas dahil makulimlim ang kalangitan. Nag-abang lang ako ng jeep sa waiting shed at taimtim na nagdarasal saking isipan na sana makasakay ako agad bago pa umulan. Nagpalinga-linga naman ako sa paligid. Yung mga tao ay nagtatakbuhan na sa kabilang kalye para makahanap na agad ng jeep bago pa tumulo ang ulan. Maya-maya nama'y tuluyan ng tumulo ang malakas na ulan na may kasama pang kulog. Napayakap naman ako saking sarili dahil sa ginaw na hinaluan pa ng takot. Sana makasakay na ako! Kahit nangangamba man ay hindi di pa rin ako nawawalan ng pag-asa na may hihintong sasakyan at pasakayin ako hanggang sa may huminto nga!
Hindi nga lang jeep kundi isang kotseng magara na talagang sinadya pa talaga nasa harap ko pa pumarada. Kinabahan naman ako ng kaunti. Baka kidnaper siya o ano! Umakto lang ako ng normal para di niya mahalatang natatakot ako. Pero di ko mapigilan ang sarili kaya naghanap ako na pwedeng panlaban sa kaniya kung saka-sakali pero natigilan lang ako ng makitang lumabas ang nagmamay-ari ng kotse at naglakad ng dahan-dahan patungo sakin. Ang aking puso nama'y nagsimula ng humampas ng malakas saking dibdib. Nagkatinginan kami ng mga oras na iyon at parang biglang nawala ang mga tao sa paligid, ang kulog at ang ingay ng mga sasakyan at parang sa mga oras na iyon ay tumigil bigla ang pag-ikot ng mundo at kami nalang dalawa ang naroroon.

The Story Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon