Kumaripas ako ng takbo papunta sa room namin. Di ko kayang magtagal sa room 41 baka maiyak lang ako lalo na ng marinig ko na ang kanilang mga halakhak.
"Yva!" Tawag ko kaagad kay Yva na kasalukuyang nagbabasa ng pocketbook, pagkapasok ko. Nag-angat siya ng tingin sakin at agad na kumunot ang kaniyang noo ng makitang nakabusangot ako.
"Anyare?" Tanong niya sakin ng makalapit na ako sa kaniya.
"N-nadulas ako sa r-room 41!" Napasigaw ako sa frustration at napapadyak. Narinig ko naman siyang tumawa ng mahina hanggang sa mauwi na iyon sa halakhak kaya pinaningkitan ko siya ng mga mata.
"Tsk, akala ko pa naman kaibigan kita!" Inis na sabi ko sa kaniya na nakanguso.
"Nakakatawa ka kasi! HAHAHA! As in sa room 41 pa talaga ha?! HAHAHA Sabihin mo nga sakin kung sinong di matatawa doon?!" Hawak-hawak pa niya ang kaniyang tiyan kaya dahil sa inis ko binato ko siya nung pocketbook na nabitawan niya kanina. Umupo naman ako saking silya at napahalukipkip.
"Kaya nga eh! Pinagtawanan na nga ako ng lahat! Pati ba naman ikaw?!" Mangiyak-ngiyak kong sabi.
"Di sana nangyari iyan kung di ka lang sana pumasok dun sa classroom nila. Ayan tuloy! Hahaha!" Di ko siya pinansin at nagrolyo lang ng mga mata sa ere. Napansin ko namang unti-unti ng humihina ang kaniyang tawa.
"Pero seryoso, bakit ka napadpad doon ha?" May pagkainis at pagtatakang tanong niya sakin. Biglang nag-iba ang mood. "Ano bang ginawa mo dun at nadulas ka pang talaga?" Dagdag niya. Umirap ako sa ere habang naka-ekis pa rin ang aking mga kamay saking dibdib.
"Siguro gumala lang ako dun nu?" Sarkastikong sagot ko sa kaniya na ikinainis niya.
"Seryoso nga, bahala ka nga kung ayaw mong magsalita. Hmp." at napansin ko sa gilid ng aking mga mata na kinuha niya yung pocketbook na nahulog at nagpatuloy na ulit sa pagbabasa. Di ko naman natiis ang bruha at naisipan ng magsalita.
"K-kasi, inutusan ako nung Gurong di ko kilala na i-ipabigay yung papel kay Mr. Arellano na nasa room 41 at dahil sa n-nerbiyos ko nun, naglakad ako ng mabilis k-kaya n-nadulas ako!" Nagmamaktol kong paliwanag sa kaniya. Nagpigil naman siya ng tawa at tinakpan ang nakabungisngis niyang bibig ng pocketbook. Binulugan ko na naman siya ng mga mata.
"Grabe ka Ayen! Sobrang nakakahiya ka! Siguradong di ka na makakalimutan ng Section 2 lalo na ni AIZAN! HAHAHA!" humalakhak na naman siya na ikinainis ko na naman.
***
"Yva? We do have a practice today aren't we? Anong oras nga?" Maarteng tanong ni Riu sa KAIBIGAN ko. Nagpa-audition kasi ang lokaret at nakapasa. Si Yva nama'y bumalik na rin sa dance troupe at ako? Wala lang, ladyguard lang ni Yva sa tuwing may practice sila.
"Yeah. Around 3." Tipid namang sagot ni Yva at isinukbit na ang kaniyang knapsack. Snob kasi itong friend ko sa DI NIYA KA-CLOSE EH. Kaya sorry ka nalang! Ang sarap lang nun sabihin sa kaniya eh! Nakakairita ang pagka-FC!
"Ayen? Why don't you join other clubs malay mo makapasa ka diba?" Tanong niya sakin pagkaupo namin sa table namin sa cafeteria. Nagkibit-balikat lang ako tsaka nagsimula ng kumain.
"Actshually, gushto ko sanah mag choir." Sagot ko naman sa kaniya habang nginunguya ang kanin kong may Pork Humba. Yummy!
"Oh my God Ayen! Where's your proper etiquette? Don't talk when your mouth is full ika nga." Hysterical niyang sabi sakin na binulugan ko lang ng mata. Linunok ko muna ang kinakain ko bago sumagot.
"You are just the person I am talking with, hindi ka iba sakin because you're my friend. Hindi ako nahihiya sa iyo, so what's the use? Besides tinanong mo ako agad eh kaya sasagutin din kita agad." Siya naman ngayon ang nagrolyo ng mga mata. Nagpatuloy lang ako sa pagkain ko, di pinansin ang kaniyang reaksiyon.
"What if Aizan will see you like that? Matu-turn off yun sa iyo for sure." Iritadong sabi niya tsaka sumubo na rin. Naguguluhan naman akong tumingin sa kaniya.
"Ano ngayon? Edi maturn off siya! I've just accepted the fact din naman eh that he WILL NEVER EVER NOTICE ME like what you've said! Tsaka mas mabuti ng makilala niya ako bilang ako kesa makilala niya ako sa pagpapanggap." Sabi ko tsaka nagpatuloy na ulit sa pagkain. Yva tsked at di na nagsalita pa, tahimik lang kaming kumakain ng mga oras na iyon hanggang sa bigla nalang kaming binulabog ng isang personified Adonis. Namilog tuloy ang aking mga mata ng makita siyang palapit.
Humihingal siyang lumapit sa table namin pero kahit tagaktak na ang pawis sa kaniyang noo, ang hot niya pa ding tingnan! I was tempted tuloy na punasan ang pawis niya! Hala!
Tumingin naman siya sakin bigla at literal akong napanganga at idagdag pa ang pamimilog ng aking mga mata! Ikaw ba daw kasi yung tingnan ng guwapong nilalang na ito eh? Without even thinking na may laman pa pala ang bunganga ko ng pagkain. Pinatid naman ako ni Yva sa ilalim ng mesa kaya natauhan ako agad-agad. Minadali ko namang lunukin ang aking kinakain kaya nabilaukan ako. Nataranta naman si Yva kaya mabilis niya akong binigyan ng isang basong tubig at mabilis ko rin naman iyong nilungga. Nakahinga naman na ako ng maluwag ng naging ok na ako. Napatingin ulit ako kay Aizan na ngayon ay nagsalubong ang mga kilay. Hala! Napayuko nalang ako. Nakakahiya naman kasi yun eh! Nakita niya kaya yung kanin sa loob ng bibig ko? Napalunok naman ako."At last! I've finally found you!" Baling niya kay Yva. Para namang may kumurot sa puso ko pagkasabi niya nun. Wala naman yung malisya diba? Pero bakit feeling ko meron! Iwinaksi ko nalang iyon saking isipan at nagsiwalang-kibo nalang. Nawalan naman ako ng ganang kumain at di nalang ginalaw ang pagkain ko.
"Ah, Aizan bakit?" Alanganing tanong niya, nababatid niya siguro ang aking nararamdaman.
"We have an emergency practice today! Your partner had just back out earlier kaya minadali ako ng President na puntahan ka to inform you that I would be your new partner at dahil di ko kabisado, kailangan nating magpractice ngayon para mapag-aralan ko." Para namang sinuntok ang aking puso! Partner na sila ngayon? What to expect nga naman? Kasamahan sila eh, and I've also seen Yvana danced in their daily practices at masasabi ko talagang ang galing niyang sumayaw! At nararapat lang siguro na si Aizan ang maging ka-partner niya.
"Ah, as in ngayon na?" Nag-aalalang tanong niya sa lalaki.
"Yea, sorry if I disturbed your lunch with your friend, urgent lang kasi." Ouch! Di man lang niya ako kilala?
"Ayen?" Tawag sakin ni Yva kaya napalingon ako sa kaniya, napansin ko naman sa pheripheral view ko na pinagmamasdan ako ni Aizan ng maigi. Naconscious tuloy ako. Hala!
"Ah ok lang sege na gumora ka na I can handle myself here." Nakangiti kong sabi kahit deep inside— nevermind! Wala akong karapatan!
"Are you sure?" Tanong niyang may pag-aalinlangan.
"Oo nga! Tsu alis na!" Taboy ko kunwari sa kaniya sabay wasiwas saking kamay. Tumayo naman siya at niyakap ako patagilid.
"Sorry Ayen, promise babawi ako ha?" Kumalas siya sa yakap at ngumiti siya sakin, nginitian ko rin siya at pinagmasdan ang pag-alis nilang dalawa. Napasimangot nalang ako. Bagay! Kahit likuran palang, masasabi mo na talagang gwapo't maganda sila pag nakaharap na idagdag pa ang height ni Yva na 5'7. Samantalang ako? Hindi nga umabot ng 5 eh! Napasimangot na naman ako. Bakit ko ba kinokompara si Yva sakin? Huhu! Nakaka-insecure naman kasi yung kaibigan ko! Binalik ko nalang ulit ang atensiyon sa pagkain ko.
BINABASA MO ANG
The Story Of Us
RandomAyen Villarosa is a very infantile woman. Mentally dull sometimes and doesn't have any talents nor beauty. At the age of 16 she met this "personified Adonis" guy who first captivated her young heart and that is Aizan Blake Samaniego. Dahil sa pag-uu...