Chapter 6

11 0 0
                                    

Kinabukasan ay pumasok na ako. Mama is pretty well now, pinapahinga na muna siya ng Doctor. Di na muna siya pumasok sa Cafe namin. Nagpresinta rin naman si Ate na bantayan na muna siya ngayon. Kampante naman ako na magiging safe si Mama sa mga kamay ng Ate ko, siyempre. I brought my visual aids and other stuffs para sa reporting ko mamaya, at ang pinaka-importanteng equipment ay ang lakas ng loob. I walk straight to our building ng bigla nalang may nagtakip saking paningin. Nataranta ako at naghysterical, sumisigaw at panay ang sipa. Nasira tuloy ang naka twin-bun kong buhok at nahulog yung barrette kong kulay itim na may beads sa gilid na may disenyong pakpak. Nabahala ako doon, paano kung di ko na iyon makita pa? Mas lalo tuloy akong gumalawa para makawala na.

"Bitawan mo ako!" Sigaw ko sa lalaking dumukot sakin.

"Ssh, I am not going to hurt you, this is just a roleplay." Bulong niya sakin kaya natigilan naman ako sa paggalaw at nakahinga ng maluwag.Maya-maya rin nama'y huminto na kami at pagkatapos tinanggal na niya ang blindfold na nakatakip sakin. Kinusot-kusot ko naman ang mga mata at pinagmasdan ang paligid, may nakita akong limang ulo saking harapan. Tatlong babae at dalawang lalaki na nakangiti sakin. Nangunot naman ang aking noo sa inasta nila pero ng mapagtanto na ang gaganda at gaguwapo nila ay mabilis kong inayos ang buhok at ang turban kong na misplace na ngayon ay kulay dalandan na at may disenyong bulaklak. Nginitian ko rin sila ng tipid. Nakakahiya!

"Uh hi." Pagpakilala naman nung lalaking chinito na may dalang panyo at pamilyar na sakin, parang nakita ko na siya ha? Sa library! Nginitian ko lang siya ng tipid.

"Calvin Sy here." At kinawayan niya ako na parang nahihiya.

"Shaznay Dela Cruz nga pala." Pagpapakilala naman nung chubby'ng babae na may chubby ring pisngi na naka curl ang buhok sa baba na hanggang dibdib at katabi nung naka-eye glasses na nakita ko na rin sa library.

"And, the great Isiah Almendras!" Kumaway din yung naka-glasses sakin na pogi at kumindat pa.

"Venice Suruega." Tipid na ngumiti yung babaeng maganda rin na may maliit na mukha at slender na katawan na naka french style braid ang buhok. Wow! Ang ganda niya.

"Ellaine Yusaf." Pagpapakilala din nung babaeng matangkad at may blondy na buhok at naka messy bun pero ang mas lalong kumuha ng pansin ko eh yung kumikinang niyang kulay brown na mga mata. Wow, walang ni isang panget sa kanila ah! Ako lang yata! Nanliit tuloy ako.

"Ayen Villarosa." Pagpapakilala ko rin sa mahinang tinig at tipid silang nginitian lahat, baka nakalimutan nilang napahiya ako sa classroom nila baka pagtawanan lang nila ako o pinagtripan. Tsaka walang panama ang ganda ko sa kanila eh ay wala naman pala akong ganda.

"Hey if you're thinking that it was prank, you're very wrong. That's just our project for the ICT about Possible Accidents that will happen if ever makipagmeet ka sa ka-chat mo'ng stranger online." Napatango nalang ako sa sinabi nung chinito.

"Thanks ha? Now we're done!" Sabi nung naka-glasses at tinapik pa ako sa balikat. Tumango lang din ako at nagpaalam na. Buti nalang may nakilala na ako kahit papano sa Section 2, di na ako masyadong kakabahan mamaya.

"Where have you been? You're one hour late!" Pabulong na asik sakin ni Yva, buti nalang di nakita ni Miss Feliciano; ang Math Teacher namin ang pagpasok ko, busy kasi siya sa pagsusulat sa white board. Nagsorry naman ako kay Yva at tango lang ang tinugon niya. Nagpaquiz sa Math pero wala akong maisagot buti nalang hindi pinaglayo ang mga upuan namin kung kaya'y malaya akong nakapangopya kay Yva.

"By the way Yva, may sinabi ka kahapon diba? Commotion? Nino?" Tanong ko habang nagsusulat.

"Me and Mr. Arellano" sagot niya sa bagot na boses. Napahinto ako sa pagsulat at naguguluhang tumingin sa kaniya.

The Story Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon