Chapter 8

5 0 0
                                    

Matamlay ako ng natapos ang meeting namin sa choir. Laglag ang aking balikat habang naglalakad at lutang ang isip, kaya dahil dun di ko namalayan na may nakabangga na pala akong tao sa hallway. Naalarma naman ako at mabilis na humingi ng paumanhin sa kaniya ngunit imbes na magwala siya o magalit ay nginisihan niya lang ako. Doon ko lang napagtanto na si Calvin pala ang nakabangga ko. Nakahinga naman ako ng maluwag, akala ko pa naman mapapaaway pa ako.

"You were spaced out huh? Why?" Nakangising tanong niya sakin na nakisabay na rin sa paglakad ko. Kinunotan ko naman siya ng noo.

"Saan ka pupunta?" Balik-tanong ko sa kaniya, iniiwasang mahalungkat muli ang nangyari kanina. Napayuko naman ako ng maalala iyon.

"Sasamahan ka, looks like you're not ok eh." Nahihiyang sabi niya, nag-angat naman ako ng tingin tsaka umiling. "Naku, huwag na my friends are waiting for me naman eh, nasa Gym lang sila nagpa-practice." Sabi ko sa kaniya ng nakangiti na. Grabe! Ang thoughtful niya naman! Nahalata niya agad na hindi ako okay kahit isang araw pa lang kaming nagkakakilala at willing pa talaga siyang samahan ako dahil alam niyang di ako ok ha? Waah! Am I hallucinating? Isang gwapong chinto ay nag-aalala lang naman sakin?! Waaah! Pero huwag assuming baka mahurt lang ang ang feeling!

"Ah ganun ba? Matagal pa naman iyong matapos eh, samahan mo na muna ako saglit. May alam akong lugar na pampawala ng stress." Sabi niya sabay kindat pa. Oh ha? Naguguluhan naman akong tumingin sa kaniya. Oo't nagkakakilala na kami, pero tama ba na sumama ako sa kaniya? Hindi naman siya mukhang masama, sa katunayan nga ang amo ng mukha niya eh! Pero isang araw ko pa lang siyang nakilala eh! Mapagkakatiwalaan ko ba talaga siya? Baka pinagtitripan lang ako nito! Pero bago pa ako makatanggi ay bigla niya nalang akong hinila sa braso at tumakbo na kami palabas ng school.
Ng nakalabas na kami sa school ay agad akong napahawak sa tuhod ko habang hinahabol ang hininga.

"Vin naman eh! Saan ba tayo pupunta ha?! Tsaka kailangan talagang tumakbo ha?!" Naiinis na sabi ko sa kaniya. Pero imbes na magulat siya dahil tinaasan ko siya ng boses eh ngumiti pa ng malapad ang mokong. Mas lalo tuloy akong nainis at nangunot na naman ang noo. May saltik!

"Uhm. Vin, I like that!" Sabi niya sakin sabay akbay. Napatingin naman ako sa kamay niya na nakaakbay sa balikat ko at bahagyang umiwas pero hinawakan niya ako at mas lalo pang pinalapit sa kaniya. Tuloy naamoy ko ang pabango niya! Pero mas mabango talaga si Aizan eh! Huhu. Na-conscious naman ako bigla ng maalalang hindi nga pala ako nakapag-perfume kanina, baka mabaho ako! Hala!

"Yen, kahit saglit lang sumama ka na sakin. I just want to see your smile again, kanina ka pa kasi busangot eh and I don't like that." Sabi niya na ikinalito ko. Lalo na sa pangalang tinawag niya pero napangiti rin sa inaasta niya. Ewan pero nakakalito lang ha?

"Excuse me? Kailan pa naging 'Yen' ang pangalan ko? And FYI anong paki mo kung nakabusangot ako ha?" Kunwari naiinis kong sabi ako tsaka umirap para mapagtakpan lang ang tuwang nararamdaman ko. Tumawa lang siya tsaka ginulo ang buhok ko. Hala! Ano ako bata?!

"Eh tinawag mo nga akong Vin eh, pero nagustuhan ko naman kaya tatawagin din kitang Yen whether you like it or not. Tsaka may paki ako kung nakabusangot ka nu? I don't want to see female like you na nalulungkot eh." Tumawa na naman siya at tuluyan ng nawala ang pagkainis ko. Ngumiti ako ng palihim. Grabe! Ang bait niya naman! Naguguluhan naman siyang tumingin sakin ng di ako umimik. "What? May dumi ba sa mukha ko?" Nag-aalalang tanong niya sabay kapa sa mukha niya.

"Wala!" Sagot ko lang at nagpatuloy na kami sa paglalakad.

***

Dinala ako sa isang ice cream stall ni Vin na malapit lang sa school namin. Hindi ko rin alam kung bakit bigla nalang lumitaw sa isipan ko yung pangalang Vin.
Nag-order naman siya ng dalawang ice cream cone na may flavor na chocolate. Nagpasalamat naman ako sa kaniya tsaka nilantakan na ang nakakatulo-laway na ice cream! Hmm! Ang sarap! Unti-unti tuloy natunaw ang lungkot na nararamdaman ko kanina. Thanks to Vin! Tama nga siya! Pampawala ito ng stress! Tiningnan ko naman siya tsaka nginitian.

"Thank you." Madamdaming sabi ko pero napalitan ng inis ng humagalpak siya ng tawa. Napa-pout tuloy ako at di nalang siya pinansin. Hala! Mamatay ka sana sa kakatawa!

"Nagkalat ang ice cream sa mukha mo! Hahaha!" Napalingon naman ako sa kaniya ng de-oras at nataranta! Hala Ayen! Kahit kailan talaga, nakakahiya ka! Dali-dali ko namang kinuha ang hanky ko pero bago ko pa mapunasan ang mukha ko ay pinalingon na ako ni Vin sa kaniya at siya na mismo ang nagpunas sa ice cream na nagkalat sa pisngi ko. Nagulat man pero napangiti na rin. Bakit ganito siya kabait sakin? Pinagtawanan niya naman ako nung una kaming nagkita ha? Pagkatapos niyang linisin ang mukha ko ay ngumiti siya sakin. Mas lalo namang sumingkit ang mga mata niya na ikina-cute na lalo. Hala! Nag-iwas naman ako ng tingin sa kahihiyan. Eeeh!

***

"Salamat talaga Vin ha?" Sabi ko sa kaniya ng nakapasok na kami sa gate ng school.

"Wala iyon." Sagot niya naman tsaka napakamot pa sa batok. Ang cute!

"Dahil sa iyo, medyo gumaan na ang pakiramdam ko. Salamat talaga." Madamdaming pag-amin ko sa kaniya. Napalitan naman ng lungkot ang kaniyang mukha.

"If you don't mind me asking. Ano ba talagang nangyari sa iyo kanina?" Nag-aalalang tanong niya. Ngumiti lang ako ng pilit.

"Naku huwag nalang di mo naman problema iyon eh, akin nalang iyon ok? Basta salamat talaga." Sabi ko ulit at tinapik siya sa balikat tsaka naglakad na pero hinatak niya ako bigla sa braso at dahil nawalan siya ng balanse bigla kaming natumba sa semento at pumapaibabaw ako sa kaniya. Nanlaki naman ang mga mata ko sa gulat at namangha at the same time sa chinto niyang mga mata! Grabe! Ang guwapo niya! Lalo na sa malapitan!

"AYEN!" Natauhan naman ako agad-agad at mabilis na bumangon, muntik pa nga akong matumba sa pagkakataranta ko. Nilingon ko naman si Yva na ngayon ay bahagyang nagulat at agad ring napalitan ng lungkot ang ekspresiyon ng kaniyang mukha. Pero ang mas lalong ikinagulat ko ay ng makita kong kasama nila si Aizan! Waaah! Napayuko nalang tuloy ako ng maalala ko na naman ang nangyari kanina.

"Tara na Ayen." Matigas na sabi niya sabay hawak sa braso ko pero nagpumiglas ako.

"Teka, I just want you to meet Calvin.." nahihiyang sabi ko sa kaniya. Napaiwas naman ng tingin si Yva at napabitiw sa braso ko. Nilingon ko si Vin at nginitian pero agad na napawi ng di siya sakin nakatingin kundi kay Yva at nakabusangot pa ang mukha. Nilingon ko naman si Yva at ganun din ang kaniyang ekspresiyon. Nahagip din ng paningin ko ang taong nasa gilid niya na si Aizan. Napaiwas siya ng tingin sa kanila at nakatiim-bagang pa habang nakakuyom ang mga kamay. Kinabahan tuloy ako sa kaniya! Si Faye lang ang kalmado sa kanilang tatlo. Ako nama'y naguguluhan. May something sa kanila eh and I need to figure it out!

The Story Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon