Ang ganda ng gising ko kanina, dahil nga sa positive vibes na bumalot sa katawan ko ay nagpa-Kylie Jenner hairstyle ako kay Mama, sabayan pa ng messy bangs ala Kendall Jenner at nag choker pa. Di ko na rin muna sinuot ang iba ko pang hair accessories dahil baga di bumagay diba?
"Ma ang cake nga pala?" Bilin ko kay Mama. Talagang nag-bake siya kagabi eh para kay Vin. Pasasalamat niya daw sa paghatid sakin at sa pagbigay ng food.
"Lika dito." Pumunta naman ako patungong kusina at nakita ko nga ang chocolate cake na binake ni Mama. Nilatag niya ito sa mesa na nilagay niya sa isang medium transparent size tupperware at may frosting na kulay puti na may nakasulat na 'thank you' which were made in sprinkles pa. Ang hirap nun ha? Pero kay Mama? Sisiw lang iyon sa kaniya. Kung di niyo naitatanong. My Mama is a Chef slash Baker kaya nga nagpa-Cafe at nagpa-Restau kami dahil sa pagmamahal ni Mama sa cooking at sa bread and pastries. Di naman kami mayaman kung ganoon ang iniisip niyo. Simple lang naman ang pamumuhay namin nu? My parents taught us how to live simply dahil ganun din naman ang pamumuhay nila dati.
Nilagay ko na sa isang paper bag ang tupperware na may lamang cake tsaka nagpaalam na kay Mama at lumabas na ng bahay.***
"Cake?! Para samin ba?" Excited na tanong ni Faye sakin. Nginisihan ko lang siya sabay iling.
"Hindi nu? Para ito kay Vin!" Bigla naman silang tumahimik kaya kinabahan ako. "Uy! Pa-bake ako ulit kay Mama bukas para sa inyo." Bawi ko sa kanila sabay ngiti.
***
"Binake iyan ni Mama for you, pasasalamat." Sabi ko kay Vin at binigay na ang paper bag na hawak ko. Nasa cafeteria kasi kami ngayon. Lunch na kasi, dinaanan ko lang ang table nila para ibigay ang cake kaya lang medyo natagalan dahil chinika pa ako ng tatlong magagandang dilag.
"Naku nag-abala pa si Tita." Nahihiyang sabi naman ni Vin at napakamot na naman sa batok. Ayan na naman siya eh!
"Tumitita pa! Baka naman MAMA na iyan sa isipan mo!" Biro naman ni Isiah, kaya dalawang hampas ang inabot niya galing sakin at kay Vin.
"Loko!" Tumawa lang naman sila tsaka na ako nagpaalam pa, ike-kwento ko pa kaya kina Yva yung nangyari kahapon, di ko pa kasi nagawa kanina dahil ang dami naming surprise exams!
"Salamat talaga dito Yen ha?" Sabi niya habang nakangiti na parang nahihiya pa. Ang cute!
"Asus! YumeYEN na din siya oh! Baka naman sa isipan mo HONEY na YEN ha? Hahaha!" At tumawa naman silang muli sa hirit ni Isiah, natawa nalang din ako at umalis na ng tuluyan. Nakita ko pang nakabusangot ang mukha ni Riu na nakaupo sa unahan ng table nila Vin. Tiningnan niya ako ng matalim at tinaasan ko naman siya ng kilay. Hello? Di ako papatalo ano! Mainngit kang bruha ka! Pagkatapos nun ay naglakad na ako patungo sa table namin. Ngunit isang katahimikan ang sumalubong sakin. Parang may patay eh. Hmp, simulan ko nalang magkwento para magkabuhay naman ang lugar na ito.
"Alam niyo ba? Na ang ganda ng moment namin kahapon ni Aizan!" Kinikilig kong sabi, napalingon naman si Faye sakin at nagtatakang napatingin sakin.
"Talaga? Akala ko ba harsh siya sa iyo the last day? Bakit anyare? Bakit kayo nagkamoment?! Magkwento ka na nga!" Excited niyang sabi at napatigil pa talaga sa pagkain niya. Napatingin naman ako sa kisame at inaalala yung pangyayari.
"Naghintay ako nun sa waiting shed.. timing naman na umuulan nun, ang lakas pa naman! Ngunit kahit ganun, di pa rin ako nawawalan ng pag-asa na makakasakay ako.. hanggang sa may pumarada ngang kotse sa harap ko! Natakot pa nga ako nun dahil baka kidnaper siya o ano, but then nung lumabas siya at naglakad patungo sakin, nagkatingin kami at biglang nag slowmo ang lahat! Parang nawala yung tao sa paligid, parang huminto ang pag-ikot ng mundo at kami nalang yung taong natira!" Napangiti naman ako pagkatapos nun. Ng dahil doon ang ganda kaya ng tulog ko.
"Ahhhhh." Kinikilig naman na kantiyaw ni Faye ngunit naguguluhan ang kaniyang expresiyon.
"Bakit ka kaya niya pinuntahan doon? Diba harsh naman siya sa iyo nung isang araw? Baka gusto niyang mag sorry. Uy ano! Nakasakay ka ba sa kaniya?" Naiintriga niyang tanong. Umiling lang ako.
"Dumating kasi bigla si Vin eh, doon nalang ako sumakay sa kaniya." Sabi ko sa mahinang tinig. Liningon naman ako ni Yva.
"Actually Faye! Palaisipan rin sakin iyan eh! Bakit kaya nu? Bakit niya kaya ako pinuntahan doon?" Dagdag ko pa at tiningnan rin si Yva. "Sa tingin mo Yva, what's his reason kung bakit pinuntahan niya ako doon?" Nataranta namang nabitawan ni Yva ang kubyertos at bakas sa kaniyang mukha ang kaba. Napakunot-noo tuloy ako. Problema nito? Ngumisi lang siya ng pilit.
"S-siguro p-para.. ano.. mag-sorry. Baka tama si Faye.." nagkibit-balikat lang siya at nag-iwas ng tingin sakin. Tumango nalang rin ako tsaka kumain na pero nilingon ko ulit si Yva na ngayon ay mukhang nababahala.
***
I was real mad of what I heard from Ayen. Lalo na nung umiyak na siya! Talagang nasaktan ako dun at kusa nalang napakuyom ang mga kamay ko sa galit! Hindi dapat ginaganun ang kaibigan ko! I made a mental note to myself, na kakausapin ko siya bukas sa practice namin. Kinabukasan nun ay wala si Ayen ng umaga, excused kasi siya dahil may practice sila sa choir. Timing rin naman na nagkaroon din kami ng practice sa dance troupe ng mga oras na iyon. Nagmadali naman akong pumunta sa Gym at ng makita ko na si Aizan ay kumulo agad ang dugo ko. Linapitan ko siya.
"Aizan!" Tawag ko naman sa kaniya sa matigas na tinig. Kumaway siya sakin tsaka ngumiti.
"Yva ang aga-" di na niya natapos ang sasabihin dahil sinampal ko na naman siya for the second time around! Nabuhay na naman ang galit sa puso ko ng maalala na napaiyak niya ang kaibigan ko. Buti nalang at wala pa si Coach Maria kaya di niya nakita yung pagsampal ko. Last time kasi nung sinampal ko siya pinagalitan niya ako pero pinagtanggol naman ako ni Aizan nun but I didn't appreciate it really, mas lalo nga lang akong nairita eh!
"What was that for Yva?" Gulat niyang tanong. Napakuyom ako ng mga kamay at naghamon ng tingin sa kaniya.
"That's what you get for making my friend cry! Hindi mo lang alam kung gaano siya nasaktan sa sinabi mo! I thought you're different from the other guys out there? Pero katulad ka lang rin pala nila. MAHILIG MANAKIT NG BABAE! Sino ba ang nagbigay sa iyo ng karapatan na pagsalitaan siya ng ganun ha?! Wala.Kang.Kasing.Sama!" Puno ng galit at pagkamuhi na sabi ko. I saw his face soften kaya natigilan ako. He was like a boy who lost in the street at naghahanap ng tulong. I felt guilty. Masyado ko ba siyang nasaktan sa mga sinabi ko? Pero mabilis naman yung naglaho ng maalala kong pinaiyak niya ang kaibigan ko! He deserves more than this pa nga kung tutuusin eh.
"Look. I'm sorry." Nakayuko niyang sabi sa bigong tinig.
"Huwag ka sakin humingi ng sorry! Sa kaibigan kong pinaiyak mo!" Pagkatapos ay umalis na ako, nagdahilan lang ako kay Coach Maria na sumakit iyong ulo ko. Linisan ko ang Gym na mabigat ang loob. I know I hurt him pero bakit parang ako'y nasasaktan rin?
BINABASA MO ANG
The Story Of Us
RandomAyen Villarosa is a very infantile woman. Mentally dull sometimes and doesn't have any talents nor beauty. At the age of 16 she met this "personified Adonis" guy who first captivated her young heart and that is Aizan Blake Samaniego. Dahil sa pag-uu...