Nakatanaw ako sa bintana habang nakikinig sa paborito kong playlist, kasalukuyan namang nagplay ang kantang I Wanted You ni Ina na isa sa mga kadalasan kong pinapakinggan.
Sumasabay ako sa pagkanta pagdating sa chorus at kasabay din nun ang biglaang paglitaw ng isang mala-Adonis na nilalang na nasa labas ng bintanang tinatanaw ko kung kaya'y napahinto ako sa pagkanta at napatulala sa lalaking naglalakad sa labas ng bintana. Nakanganga ako habang hindi kumukurap na nakatingin sa kaniya. "Ang guwapo!" Nabulalas ko kung kaya'y isang malakas na sapak sa balikat ang natanggap ko galing saking katabi na si Yva.
"Huwag iyang si Aizan! Maraming naghahabol diyan." Hindi ko pinansin ang kaniyang sinabi dahil nakatuon pa rin ang aking atensiyon sa kaniya. Pero napangiti ako ng marinig ang kaniyang pangalan. Aizan kay gwapo mo namang nilalang!
Clean-cut hair, thick browses, expressive deep set of charcoal eyes, upright nose, thin pair of red lips, aristocratic jawline, well toned body with 6 feet tall and has a fair complexion. Waah! Tall dark and handsome is so real! Mabilis naman akong nadismaya ng mawala siya saking paningin at naglakad sa direksiyon patungo sa— room namin?! Waah! Bigla naman akong nagpanick at dali-daling tinanggal ang aking headset at mabilis na kinuha ang aking pampaganda na suklay, powder at lip balm. Nag one-sided ponytail, medium length ako na nakapuwesto sa kaliwa. Sinuot ko rin ang malaking kulay pink kong barrette na may disenyong butterfly at inipit doon ang bangs ko na ipinuwesto ko sa kanan at sunod kong sinuot ay ang turban na kulay kayumanggi na may disenyong balat ng tigre."Huy! Mag lugay ka na nga lang! Mas lalo kang di papansinin ni Aizan sa ayos mo! Di bagay sa iyo!" Pang-aasar sakin ni Yva na nakatuon ang atensiyon sa pocketbook na binabasa niya. Inirapan ko lang siya at nagpatuloy na saking ginagawa.
"Hmp! At least nu? Pag sakaling makita ako ni Aizan na ganito, di niya ako masabihang panget." Sagot ko lang sa katabi habang nagpupulbo na.
"Bakit sa tingin mo ba kapag nag-aayos ka ng ganiyan gumaganda ka na? Di nga bagay diba?" Asar niya naman sakin sabay tawa. Inirapan ko lang siya at nagpatuloy lang sa ginagawa subalit bigla nalang naghiyawan ang mga kaklase ko kung kaya'y napahinto ako. Naguguluhan naman akong tumingin kay Yva kahit di niya man lang ako tinapunan ng tingin.
"Dumating na kasi ang Prince Charming, kaya sila'y naghihiyawan na. Huwag ka nalang makisali diyan dahil di ka rin naman papansinin nun eh kahit na ikaw pa ang may pinaka-malakas na tili." Wika niya na ikinairita ko. Ang bitter! Di man lang ako suportado!
"OMG! AIZAN BLAKE SAMANIEGO IS REALLY COMINGGGG! MY PRINCEEE!"
Narinig ko'ng tili ng kaklase kong si Riu. Dahil sa sobrang ka curious-an ko ay agad akong tumayo at sumingit sa nagkukumpulang mga babae sa may pintuan at sinulyapan ang pagpasok ng isang mala-Adonis na nilalang! Totoo nga siya! Bumilis ang pagtibok ng aking puso at parang may paru-parong nagsiliparan sa aking tiyan. WAAH! Nagmadali naman akong umupo saking silya at inalog-alog ang aking katabi.
"Ang guwapo niya Yvana! Grabe! Totoo nga siya!" Halos patili kong sabi sa kaniya na di man lang ako pinansin at nagpatuloy pa rin sa kaniyang pagbabasa. Hmp.
"Attention everyone." Bigla namang tumahimik ang buong classroom pagkarinig sa kaniyang suwabeng boses. Grabe! Boses pa lang, gwapo na eh! Lahat kami ay sa kaniya nakatuon ang atensiyon maliban lang sa aking katabi. Bitter!
"Makinig ka naman, respeto lang. Ang guwapo kaya ng nagsasalita." Bulong ko sa kaniya.
"Mas importante itong pagpapakasal nila kesa sa announcement niya!" Sabi lang niya na ang tinutukoy na magpapakasal ay ang mga karakter sa binabasa niyang pocketbook. Addict!
"Auditions for Dance Troup are now open. For those who are interested pwedeng pwede kayong pumunta sa room 50 within this day only dahil isang araw lang ang aming audition. Maghanda lang kayo ng minus one cd for your music and of course, your moves that would probably lead you to the dance floor." Naghiyawan ulit ang aking mga kaklase sa narinig. Di ko namang maipigilang di rin ma-.excite kaya nilingon ko si Yvana.
"Sali naman tayo." Excited kong alok sa kaniya.
"Hindi ka marunong sumayaw Ayen." Agad niyang sagot na ikinasimangot ko. Kainis! Truth hurts talaga eh.
"Feeler mo naman! Pwede namang matuto." Nakabusangot kong wika.
"Gusto mo lang naman sumali diba dahil dancer rin ang crush mo?" Inosenteng tanong niya sakin. Naubo naman ako sa sinabi niya.
"Di nu!" Pagtanggi ko kahit totoo naman ang kaniyang sinabi.
"Yvana Del Rosario." Nabaling naman ang atensiyon ko sa lalakeng nasa harap at balik-tingin kay Yva na ngayon ay nakatingin na rin sa kaniya na may lungkot sa mga mata.
Na-intriga tuloy ako kaya pinagmasdan ko sila ng mabuti at nakinig sa kanilang usapan."We are looking forward for you to join to our team again. Please come back Yvana, we are really in need of female sports dancer. Nagsialisan na kasi yung dati at sumali na sa ibang grupo." Nanlaki naman ang mata ko sa narinig. Si Yvana Del Rosario ay isang dancer? As in sports dancer pa talaga? Nagtataka naman akong napatingin sa kaniya. Naghihintay sa kaniyang isasagot.
"Ah.. I'm sorry to hear that.. I will not promise anything but I will think of it.." nakayukong sagot niya. Napalingon ulit ako kay Aizan at naghihintay ulit sa kaniyang sasabihin.
"Yvana, kalimutan na natin ang nakalipas it's all from the past now." Kalamado niyang sabi na ikinalito ko. Past? Don't tell me?
"Mawalang galang na Aizan, but you just can't dictate me to what I am going to do!" Nagtaas ng boses si Yva kaya bigla akong kinabahan sa tensyon na namamagitan sa kanila.
"I'm sorrry, I didn't mean it that way." Hinging paumanhin ni Aizan kaya kumalma naman si Yva, tumango at binalik na ulit ang atensiyon sa pocketbook na kaniyang binabasa. Nalungkot naman ako para sa kaniya. Ano kayang nagyari sa past? Bakit ganun ang usapan nila? May namamagitan kaya sa kanila dati? Di ko alam pero may kung anong sumaksak sa puso ko sa isiping iyon.
"I have to go guys, thanks for your cooperation." Paalam ni Aizan at naglakad na paalis. Pagkalabas niya ay agad namang nagsilapitan ang mga kaklase naming naiintriga rin.
"Yva? What was that for?" Maarteng tanong ni Riu sa kaniya. Napansin ko namang nainis si Yva sa tanong na iyon at napahawak pa ng mahigpit sa pocketbook. Bigla na naman akong kinabahan kaya madali ko siyang pinigilan.
"Ah, Riu huwag ka nalang magtanong pwede. Ah, pwede magsialisan na kayo, hindi tayo pwedeng manghimasok sa buhay ng iba." Paliwanag ko sa kanila sa malumanay na tinig, tumalima naman sila saking sinabi at nagsialisan ng mapansing tuluyan ng dumilim ang aura ni Yva.
BINABASA MO ANG
The Story Of Us
DiversosAyen Villarosa is a very infantile woman. Mentally dull sometimes and doesn't have any talents nor beauty. At the age of 16 she met this "personified Adonis" guy who first captivated her young heart and that is Aizan Blake Samaniego. Dahil sa pag-uu...