Chapter 3

14 0 0
                                    

Kakatapos ko lang kumain at lumabas na ng mag-isa sa cafeteria, naisipan ko ring dumaan muna sa library dahil hihiram ako ng libro. Nasa may pintuan pa lang ako ng makarinig ako ng hagikhik saking likuran, liningon ko naman ito at nanlaki ang aking mga mata ng makita kung sino ang mga iyon! Mga kaklase ni Aizan! Hala!

"Wasn't she the girl who slipped in our room?" Dinig kong pigil-tawa na tanong nung guwapong chinito sa katabi niyang may sunglasses na guwapo rin. Waaah! Lahat ba ng lalake sa Section 2 ay gwapo? Hindi ko nalang sila pinansin at pumasok na sa loob. Namili na ako ng libro at pinirmihan ko na sa counter. Lumabas na din ako at dumeretso na sa classroom namin dahil magsisimula na ang first subject namin for the afternoon. Napansin kong kaunti lang ang kaklase ko na naroon. Tapos na naman ang lunch break ah?

"Uy! San yung iba?" Tanong ko sa introvert kong kaklase na si Faye na nasa first row nakaupo ng di na ako makapagpigil.

"Dunno." Tipid niya lang sagot. Di nalang rin akong nag-abala pa na usisain kung nasan na yung iba, bahala sila sa mga buhay nila! Bakit ko nga ba pinapakialaman? Luh! Inayos ko nalang ang buhok ko, this time naka one-sided bun ako na nakapuwesto sa kaliwa, yung bangs ko rin ay inipit ko sa kulay asul kong barrette na may disenyong bulaklak na ipinuwesto ko rin sa kanan at nagturban na kulay pink na plain lang. Nagsuot na din ako ng headset at nakinig nalang sa paborito kong playlist, napasandal ako saking upuan, pumikit at dinadama ang kantang kasalukuyang tumugtog na Rainbow na version ni David Archuleta.

"MISS WEARING TURBAN!" Napaigtad naman ako saking upuan ng marinig ang umalingawngaw niyang boses. Napadilat ako at laking gulat ko nalang na silang lahat ay sa akin na nakatingin! Tinanggal ko ang headset at kinusot-kusot ang aking mga mata. Nakaidlip pala ako ng di ko namalayan. Nandito na rin sa tabi ko si Yva at napailing-iling. Hala! Nilapitan naman ako ng isang galit na Guro na si Mr. Arellano! What the! Last time I checked, si Mrs. Hilga pa naman yung Guro namin sa Economics ah? Humingi naman ako ng paumanhin sa galit na Guro at yumuko nalang.

"Could you please stand up at kantahin mo naman yung pinapakinggan mong kanta kanina, parang pampatulog dahil nakatulog ka rin kasi eh!" Sarkastikong sabi ni Sir na ikinatawa ng kaklase ko. Bumilis naman ang tibok ng puso ko sa pagkapahiya at sa nerbiyos. Nanatili lang akong nakayuko at ng maramdaman kong wala ni Sir sa gilid ko ay nakahinga na ako ng maluwag.

"Miss wearing turban!" Tawag ni Sir sakin, napaturo pa ako sa sarili ko para siguruduhin kung ako ba talaga ang tinatawag niya.

"Hindi, hindi? Eh ikaw lang naman ang nagtu-turban dito ah? Nakaheadset pa kanina at nakatulog pa na nakanganga." Napuno na naman ng halakhak ang classroom kaya napayuko na naman ako. Kailangan talaga pahiyain ako ng ganun?

"Miss wearing turban, look at me." Ma-awtoridad naman na sabi ni Sir kaya napalingon ako sa kaniya kahit napupuno na ng galit ang aking puso. Pilit kong pinakalma ang aking sarili at umaktong normal.

"Ireport mo sa harap ng klase bukas ang tungkol sa Demand and Supply at ang Limang Modelo nito, at dahil first day ko pa lang sa klase niyo at nadissapoint na ako sa iyo, you also need to report it infront of Section 2." Namilog naman ang aking mata sa kaniyang sinabi! Is he for real? Hindi ko naman kaklase ang Section 2 ah?

"Pero Sir." Sinubukan kong tumanggi pero pinutol na niya agad ako.

"Class dismissed." At naglakad na siya paalis habang ako ay sobra ng nininerbiyos! Waah! Anong gagawin ko?

***
"Yva! Help me out!" Mangiyak-ngiyak kong sabi sa katabi ko. Kasalukuyan kaming nasa library habang nilalatag niya ang mga napiling libro namin. Napasabunot ako sa sariling buhok sa sobrang frustration. Nasira tuloy ang perfect one-sided bun ko, naging messy bun na tuloy, nasira rin ang pagka-pwesto ng turban ko at ang barrette ko naman ay nahulog sa lamesa. Napapadyak na naman ako at napasigaw. Sinita tuloy kami ng librarian. Paano ko ba ito gagawin? Ginugulo-gulo ko ulit  ang aking buhok at nagpapadyak na naman.

"Stop it Ayen. Para kang bata sa ginagawa mo. Hindi iyan makakatulong sa iyo. Here, read this book loud and clear at ako na ang magsa-summarize para sa iyo." Suhestiyon niya na dapat kong ikasaya pero hindi eh! Sobra akong kinakabahan at nalulungkot! What if mapahiya na naman ako?

"Yva! Di yun ganun kadali! In front of Section 2? Hindi eh! Matatalino sila compared sakin, what if mapahiya na naman ako?!"

"Come on, that's why I'm helping you right? Para tama lahat ang maireport mo." Hinawakan niya ang aking kamay at pinisil iyon. "You can do it, take that an opportunity na magpasikat sa crush mo!" Nangunot naman aking noo sa kaniyang sinabi.

"Opportunity ka diyan! Alam mo namang! I always ended up mental blocked whenever I'm infront with people."

"Kaya nga diba! Mag-aaral ka ngayon, at gabi and tomorrow para di ka ma-mental block. It's time na rin siguro na magpa-impress sa crush mo diba? You're smart naman eh, you maybe sometimes a fool pero matalino ka." Pampalakas-loob niya sakin, di ko nalang pinansin yung sinabi niyang fool.

"Hmp. I don't know! Hindi talaga eh!" Ginulo ko na naman ang aking buhok.
"Ayen stop that! Ang buhaghag na ng buhok mo oh! Natanggal na nga ang malaking bulaklak na ponytail holder mo." Nakangisi niyang sabi. Inirapan ko lang siya.

"Wala akong pakialam eh sa nafu-frustrate na ako eh!" Napasigaw ako at napapadyak na naman, napalingon naman si Yva sa paligid.

"Ayusin mo na ang buhok mo dali. I'll be back, ayusin mo buhok mo ok?" Sabi niya sakin tsaka umalis. Di ko lang siya pinansin at yung sinabi niya at sinabunutan ko ulit ang aking buhok! Why of all students in our class? Ako pa? Ugh! Napasubsob ako sa desk at napapadyak.

"Really sino naman?"
"A very special friend of mine."

Di ko pinansin ang boses na iyon kahit pamilyar sakin.

"Ayen?" Tawag ni Yva sakin kaya napaangat ako ng tingin ng de oras, natakpan ang mukha ko ng bangs kaya hinawi ko ito. Natigilan naman ako ng makitang kasama niya si Aizan! At lumaki ng bahagya ang kaniyang mga mata na napatingin sakin.

"Ayen!" Sigaw sakin ni Yva tsaka lumapit. "I told you to fix your hair diba? But look at you, mas lalo mong ginulo! Mukha ka na tuloy witch! And worse! Nakita pa ni Aizan!" Pasigaw niyang bulong sakin. Sinuklayan naman ni Yva ang buhok ko at panay reklamo ako sa sakit sa tuwing sinusuklayan niya. Nagkanda-buhol-buhol kasi eh. Tuloy ang tagal natapos. Napatingin naman ako sa makisig at guwapong nilalang saking harapan. Nakatayo lang siya habang nakapamulsa, hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Napabuntong-hininga naman ako. Yva is right! Napayuko naman ako at napasimangot.

"Chin up." At hinawakan ni Yva ang baba ko at pinatingin sa kaniya. Nilugay niya lang ang silky straight kong buhok na hanggang baywang ang haba, ang bangs ko naman ay inipit niya sa tenga ko. Napangiti naman ang bruha sakin at nagpapalakpak ng mahina.

"Aizan." Baling niya sa katabi at dahan-dahan silang lumapit sakin. Napalunok naman ako sa kaba. Ano kayang gagawin nila. Umupo sila sa harap ko at nakatingin na ngayon sakin si Aizan, medyo nagulat.

"Sorry kanina Aizan ah medyo frustrated kasi ang kaibigan ko eh. Oh! Magpakilala na kayo sa isa't-isa para makapag-aral na tayo Ayen." Nangunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Nagtatanong ang aking mga matang tumitingin sa kaniya pero nginisihan niya lang ako at kumindat pa. Tinapik niya pa sa balikat si Aizan na natahimik sa isang tabi. Dahan-dahan namang humarap sakin si Aizan at ngayon ay nakingiti ng pilit. Ok lang! At least nginitian niya ako! Para na naman akong natameme saking inuupuan.

"Hi I'm Aizan Blake Samaniego and you are?" Kalmadong pagpapakilala niya sa kaniyang sarili samantalang ako ay labis ng kinakabahan! Naglahad naman siya ng kamay na tuluyang ikinilaglag ng panga ko. Di ako nakasagot agad kaya pumalakpak si Yva sa harap ng mukha ko at nabalik ako saking diwa. Dahan-dahan ko namang tinanggap ang nakalahad niyang kamay at sa paglapat ng aming palad ay parang may kuryenteng dumaloy sa buo kong katawan, nakakakiliti.

"Ayen Villarosa." Sabi ko at nginitian siya ng napakatamis at kasabay din nun ang malakas na pagdagundong ng aking puso.

The Story Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon