18

1.2K 51 0
                                    

Glad

Huminto ang bangka malapit sa bundok kung saan itinuro nito kaninang maganda ang corals at maraming isda. Inilabas nito ang mga gamit ng pang diving. Tinitingnan ko lamang ito sa kanyang ginagawa. I wonder what else can't he do. Masyado naman yata syang nabiyayaan ng maraming katangian sa katawan. Nasalo nya ba lahat ng magagandang biyaya ng diyos? Gwapo, Macho, Mayaman... He almost have and knows everything.

Ang tanging negatibo lamang ay ang napapabalitang babaero ito. Ginagawa lamang daw nitong parang mga damit ang mga nagiging babae nito. Isang beses lang pwedeng gamitin, hindi na pwedeng ulitin.

That i will not approve!

Pero kahit negatibo pa ito maraming babae parin ang nababaliw at naghahabol sa atensyon nito. Who wouldn't run after Chris Evans..a famous handsome creature on earth. A successful man on his early age. He have everything.

He's perfect in the eyes of many lalo na sa mga babae. Mga babae na nagkakandarapa mabigyan lang ng atensyon nito. What a shame!

I pity those girls na ipagpapalit ang sarili nila kahit sa isang gabi lang makasama ang lalaking ito. But i can't blame them, masyado siguro silang nadadala ng damdamin nila para sa lalaking ito. Nabubulagan sila sa emosyon para dito.

Sayang sana kung ang isang tulad nya ay seryoso sa isang relasyon, maari ko pa siguro itong magustuhan. Magustohan! Napangiwi ako sa naisip ko. Ipinikit ko ang mga mata ko at umiling-iling. God, bakit ko ba naiisip yun. I'm here to guard Icy from him..nothing else! Hindi ko kailangan mainvolve sa lalaking to. I also have to guard myself towards him.

" Is there something wrong...Baby?"
What?! Baby! Tama ba ang narinig ko? Did he just call me baby? Idinilat ko ang mga mata ko para komprontahin siya sa sinabi niya. Im not his baby! That will never happen! Pero nasorpresa lamang ako...he's infront of me. Looking at me intently, like im in pain.

My hearts beats fast, i hold my breath for a minute. Lalo na ng tumama ang mainit na hininga nito sa akin dahil sa pagdungaw nito sa mukha ko. He smell's good.. There is a sudden heat crossed to my entire body.. Nanglambot ang tuhod ko..What the heck! Masyado ng nagrereact ang katawan ko sa simpleng paglapit lamang nito. This is not good!

Hindi tama ito! My heart beats so damn fast like im on a racing car game. Why is my body reacting like this!

He caress my face. " Are you sure your okay?" mahihimigan ang pag-aalala sa boses nito.

Komokontra ang isipan ko... Kailangan komontra na isipan ko. Dahil kung hindi guguho ang pader na nakapalibot sa puso ko.

" Y-yes..." isang salita lamang ang kayang lumabas sa bibig ko.

"Are you sure?" paninugurado nito. " Or maybe we can dive nextime- you look tense"

" No! I can! " maagap kong tanggi.

He chuckled..tumaas ang sulok ng labi nito na parang nanghahamon.
" well then- the supermodel is ready..." hinila ako nito malapit sa mga diving gear.

Kinalma ko ang sarili ko.

Ipinasuot nito sa akin ang isang set ng damit pangpaligo at ang isa naman ay isinuot nito. Nauna itong matapos sa akin at tinulungan akong ayusin ang oxygen tank sa akin likuran. Ang kaba sa aking dibdib ay hindi padin naiibsan. Pero unti-unti na din ito humuhupa. Wag lamang syang masyadong lalapit sa akin, at bibigyan ako ng malalim na tingin dahil baka hindi ko na makontrol ang puso ko sa lakas ng tibok nito.

Hindi ako inosente para sa ipinahihiwatig ng puso ko, pero hindi ko ito bibigyan ng pagkakataon. Itinuon ko na lamang ang atensyon ko sa gagawin namin activity.

Before we start he instruct me of basic diving procedures.

" Just relax, enjoy and don't be afraid, ill be behind you"

Excited ako, pero kabado din ako. This is my first time to try this and i did'nt expect it to be with someone i just barely know.. friends ba kami?..maybe?... I just dont know!

" Ready" pinal na tanong nito, tumango ako bilang tugon. Siguro iniisip nyang natatakot ako. I'm not! Mas natatakot ako sa kakaibang nararamdaman ng puso ko.

Nauna itong bumaba sa tubig, pinanuod ko kung paano sya bumaba ng may pag-iingat. Kinabisado ko ang kanyang pag-galaw, dahil ako ang susunod at kung hindi ako mag-ingat maari akong mapahamak. Mabigat pa naman ang oxygen tank sa likod.
Nang makababa na ito at lumulutang lutang na, nakaramdam ko ng kaonting kaba. He is pro to this and im a newbee.

Iniabot nito ang kanyang kamay para maalalayan akong makababa. Mabuti at hindi ako nito pinabayaan, infact inalalayan ako nito habang pababa ng bangka " Hold my hand Nicole, careful with your back.. I dont want you hurt.. I want you safe.."

Hindi nakatakas sa pandinig ko ang paraan ng pagbigkas nya ng huling salita. But i ignore it, maybe he is being gentleman.

May halos isang oras din kaming sumisid at sumabay sa paglangoy ng mga isda. Masaya at sobrang nakakaaliw. Palagi lang syang nakaalalay sa likod ko at sumesenyas kong okay lang ako. Itinataas ko naman ang kamay ko bilang sagot na okay ako.

Nakakita din ako ng ibat-ibang klaseng buhay na corals, they are so beautiful and colorful. Kung may kakayahan nga lang akong huminga sa ilalim ng dagat, i will definitely stay. Ang ganda, hindi nakakapagsisi na sumama ako kay Evans.

Umupo ako sa bandang likod nito habang pinapanood ang pagmamaniobra ng yate. Tinatanggay ng hangin ang kanyang basang buhok.

Nagbanlaw muna kami ng malinis na tubig bago tumulak pabalik. Pinahiram pa ako ng malinis T-shirt nito, mabuti rin at may iilang damit ito sa loob ng yate. Dahil kung hindi baka naninigas na ako sa lamig.

Malapit na kami ng resthouse ng mag salitang muli si Evans. Napansin ko ang pananahimik nito ng matapos kami sa pagdidive.

Inisip ko marahil ay napagod sa pag-langoy, ganun din naman ako, pero hindi ko iniinda yun. In fact i want a second round. Diving is amazing!

" Enjoy?" nakangiti na ito ng lumingon sa pwesto ko.

" Yeah.." ngumiti din ako dito.

Ang mapungay nitong mga mata ay matiim na nakatingin sa akin. Like he is showing his other side. Muli nanaman bumilis ang tibok ng aking puso sa paraan ng pagtitig nito.

Umiwas ako ng tingin, dahil hindi ko matagalan ang paraan ng tingin na ipinahihiwatig nito.

No! Georgina Nicole Muñoz! Remember his a playboy..

" Im glad you did "

C A P T U R E D (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon