Sir good morning! Bati ko agad sa kana Sa sobrang kaba ko Nung nakita ko siya. Parang kumain ako kanina ng butterflies na parang may gumagalaw sa loob ng tyan ko, ang brutal naman ni author pati butterfly pinapakain sa akin .che!
"Hello nikki, please sit for a while may pancake dyan sa mesa Kainin mo na ni luto ko yan para sa iyo."
"Si sir talaga nag effort pa. Thanks sir." At agad akong umupo at kinain yung pancake Habang may ginagawa si sir john.
Ang Ganda pala dito sa veranda makikita mo lahat ng tanawin sa city pati na rin Lang mga malalaki na buildings at mga malls . Hindi ko pala namalayan kanina pa tumitingin sa akin si sir john at naka ngiti siya.
"Mukhang mangha na mangha ka sa tanawin ah."Ani niya sa akin.
"Syempre sir john. Ang ganda Kaya ng tanawin dito, Pero mukhang mas maganda Ito pag tumama yung sunset at lumalalim na ang gabi." Sabi ko Habang mangha na mangha parin ako sa mga tanawin.
"Kaya nga pinili kong dito sa pinaka tuktok yung condo ko para makita ang magagandang tanawin. Actually this whole building is one of my business properties dito sa lugar niyo."
Agad siyang Tumayo at nag paalam sa akin kasi may meeting na daw siya sa mga investors niya Mula sa Ibang Bansa . Hinatid niya ako sa aking kwarto at umalis na. Actually this condo is so very big for two people, ang Ganda pa ng mga gamit at mukang mamahalin pa galing sa Ibang Bansa.
Umupo ako sa aking Kama ang lambot-lambot parang Hindi ako dito maid ah, parang prinsesa ako dito. Ang motif ng kwarto is like an teenager sky blue at white yung color ng walls at yung mga display parang anak mayaman yung natutulog dito. Kumpleto na yung gamit ko puro lahat apple gadgets mula sa laptop, bagong cellphone, pati computer ko, may sariling wifi at fully air conditioner yung room ko . As in W-O-W .
Inayos ko yung mga gamit ko at nag libot-libot sa buong condo upang Hindi na ako ma liligaw sakali may inutusan ako ni sir john. Syempre ang condo pang dalawang kwarto lang. Magkatabi pa, pinuntahan ko yung kwarto ni sir john at sinilip yun.
Walang ka gamit gamit yung kama Lang at pabangong lalaki ang na Amoy ko.
Agad kong Sinira yung pintuan at napa talon ako sa gulat Nung Nasa likod ko si sir john."Sir john sorry po sinilip ko Lang naman yung kwarto mo hindi ako pumasok sorry po. "
"Okay lang. Alam kong Hindi ka pumasok." At agad siyang tumawa.
"Alam kong nililibot mo ang condo kaya ok lang. Bumalik ako dito dahil may na kalimutan ako. Nakita mo naba yung kwarto mo? Ang pangit ba? Baguhin natin muli yung motif? Sabihin mo Lang agad kong ipaayos. " tanong niya agad agad saken.
"Sus sir john, ang ganda Kaya ng kwarto ko no. Parang anak mayaman ako.
Hahahaha ."Tumawa Lang siya at pumasok agad sa kwarto niya at may kinuha na bag.
Pagkalipas ng ilang sigundo at lumabas na siya sa kwarto niya."Gotta go Niks. Kapag ma bored ka shopping all you want nandun yung credit cards mo sa kwarto mo. Sabihin mo Lang si kuya joshua na mag papasama ka sa kanya."
"Naku sir Hindi ko naman yan pinag hirapan eh, Okay lang sir." Tatalikod na sana ako mapag isipan kong ayayain si sir na dito na lang mag dinner. "Sir! Wait! Pwede po bang dito na lang kayo mag dinner? Magluluto ako." Sabi ko agad.
"Sure! Sabi niya with smiling face." Umalis siya agad.
Agad akong pumasok sa kwarto ko at nag nap sandali. Nakita ko yung tatlong credit cards sa tabi ng lampshade at sa akin talaga naka pangalan. OMG . HAHHAHA.
BINABASA MO ANG
Unexpected love (COMPLETED)
Художественная прозаFirst time to write this kind of story written under category of General Fiction. Please enjoy at sana magustuhan niyo si nikki the explorer :) Author's note: FOR OPEN MINDED ONLY. S E P T E M B E R 15 2016 - A P R I L 20 2017 (COMPLETED)