UNEXPECTED LOVE BY Niks_colodeon <3
CHRISTIAN POV
Bigla akong na alarma ng tumawag yung bagong sekretarya ni John, sabi niya umuwi siya pilipinas kasama yung fiancée niyang si Celine. Matagal ko itong tinago Kay nikki Kung ano ba talaga nangyari Kay John sa states. Bago mangyari yung aksidente ay naging malaki yung pagtatalo nila ni mommy tungkol sa plano niyang mag papakasal sila ni nikki pag katapos nitong mag colehiyo. Hindi talaga papayag si mommy na ma ikasal si John Kay nikki dahil sa mawawala yung pinaghirapan ng parents ni John. Kaya't hindi talaga matatanggap ni mommy na ikakasal Lang siya sa isang mahirap. Kaya't noong ma aksedente si john at nalaman namin na may long term memory loss siya, gumawa si mommy ng hadlang sa kanilang pagmamahalan ni nikki at hinanap niya si Celine Buenavista yung anak ng isa sa mga ka investors ni Tito noong na bubuhay pa siya.
Kinapa ko yung phone ko sa bulsa ko ng maramdaman kong may tumawag. Naka rehistro sa screen sa si nikki yung tumatawag.
"Hello niks? Bakit ka napatawag?"
"Alam kong may itanatago kang lihim sa akin. Magkita tayo ngayong umaga, sa dating tambayan." At agad niya itong ibinaba.
Agad akong lumabas ng condominium ko at dali dali pumunta sa parking lot. Pumasok agad ako sa kotse ko nag ini start yung engine at biglang umalis ng building. Hindi naman kalayuan yung tambayan namin ni nikki dito sa condo ko.
AFTER 15 minutes...
Nandito na ako sa tambayan namin. Nakita ko yung kotseng ginagamit ni nikki at nakita ko siyang na ka upo sa loob Habang hawak-hawak ang kanyang cellphone. Kinakabahan talaga ako ngayon dahil alam ko sa puntong Ito na may itatanong siya tungkol Kay John. Pumasok agad ako at pinuntahan Kung Saan siya naka upong Banda. Nakita niya agad ako at bigla siyang tumayo at halatang seryoso yung kanyang mukha.
"G--Good morning niks, problem?" Sabi ko sa kanya Ng pa utal-utal.
"Have a seat Christian. Mayroon akong katanungan na dapat malaman na itinago mo sa akin ng anim na taon!" Sumigaw siya sa aking harapan habang umiiyak at ang Ibang tao Ay na patingin sa anggulo Kung Saan kami umuupo.
Kinabahan ako sa kanyang inasal ngayon. Nag Kita na sila kaya ni John? "Sssshhhh! Calm down! Okay?" Sabi ko sa kanya at ipinaupo ko siya ng dahan-dahan.
Habang humihikbi siya sa harap ko, inaalo ko siya upang tumahan ng konti. "Pasensya kana at matagal kong itinago Ito sa'yo niks. Mahabang kasagutan ang dapat Mong malaman. sa ngayon, tumahan ka muna okay?"
"Alam mo Ikaw ang naging haligi ko noong mga panahon na iniwan ako ni John na walang paalam Christian, at ngayon malalaman kong may itinago ka pala sa akin?! Anong klase kang tao ka?! Pinag katiwalaan Kita ng mahabang panahon!"
"Calm down!" Ako na ngayon yung napasigaw sa sobrang galit na mayroong kaba.
Madaming taong na pa tingin sa aming area pati na yung sa may counter. Hehehe.
"sorry po. Away mag asawa."Naging tahimik yung table namin matapos ko siyang sinigawan. Walang kibuan sa aming dalawa, habang umiiyak parin si nikki sa harapan ko. Tumayo agad ako at niyakap ko siya ng mahigpit.
Sa ganong posisyon parin Habang niyayakap ko siya bigla siyang nag salita. "Ba--bakit mo Ito ginawa sa akin?"
"Ayoko kasing mahihirapan ka Kung malalaman mo yung totoo nga biglaan niks. Bigyan mo ako ng sapat na Oras upang mag paliwanag ng pa unti-unti."
"Bigyan? Christian naman eh, 6 years Mong tinago sa akin!"
"I'm so sorry niks. Nag kita na ba kayong dalawa?"
"Nag kita kami kahapon Christian eh. Alam mo kung gaano kasakit ng makita ko na may kasamang iba si John. At Ano yung pinakamasakit sa lahat? Yung taong pinakamamahal mo ay Hindi kana muling matatandaan."
"I'm so sorry okay? Alam ko sa ngayon ay Hindi mo Ito matatanggap, Pero balang araw maitindihan mo din Kung bakit ko Ito itinago sa'yo ng mahabang panahon."
Pinunasan niya ang kanyang luha at inangat niya yung kanyang mukha upang makita niya ako sa kanyang likudan. She's so beautiful even though she's crying. Kaya pala minahal siya ni John buong-buo.
-------------------------------
Pinapahinga ko Muna siya sa condo ko dahil sa away namin kanina sa aming tambayan. Hays. Hindi Muna ako pumasok ngayong araw dahil gusto ko siyang ma comfort kahit ngayong araw man lang. naawa ako sa situasyon ni nikki eh, Alam kong masakit ang katotohanan Pero Hindi ko kayang sabihin sa kanya dahil masasaktan lang siya. Si mommy naman eh, nakikisali pa sa buhay ni John. Alam ko namang mas mayaman si John sa pamilya namin, naiwan ang lahat ng ari-arian ng kanyang magulang sa kanya sa murang edad niya noong namatay sina tito at tita. Kaya't nagalit si mommy na Wala sa last will ni tita yung pangalan niya. Sakam talaga si mommy sa pera, Pero kaming dalawa ni Margaret Ay malayong-malayo yung ugali sa kanya.
My phone rings. Ugh sino naman kaya ito? Napa bangon ako sa Kama at kinuha yung phone. Cous Raphael calling....
"Yow." Sabi niya sa kabilang linya.
"Hey man. Kamusta?"
"heto. Tambak ang paper works. Eh ikaw? Wala kabang trabaho?"
Bigla kong tinignan si nikki at ayon tulog parin. Parang anghel na natutulog. Sleeping so sweet.
"Uhm. Eh Wala eh. May important matter Lang. Hehehe."
"May tinatago ka sa akin no?"
"Uhm. Wal--wala! Ha-hahaaha! Sige na bye!" Pinatay ko agad yung tawag.
Tumabi ako Kay nikki at niyakap ko siya habang natutulog parin. Parang fit yung body naming dalawa habang niyayakap ko siya. Gumalaw siya bigla siyang nag salita, "John, wag mo na akong iiwan ha. Nasasaktan na kasi ako eh, mahal na mahal Kita." Sabi niya Habang nakapikit parin at yung labi niya ay sobrang lapit na sa labi ko , isang galaw ko Lang ay maari ko ay mahahalikan ko na siya.
Oh God. Iwasan ang temptasyon. Ugh -__-
Continue.....
BINABASA MO ANG
Unexpected love (COMPLETED)
General FictionFirst time to write this kind of story written under category of General Fiction. Please enjoy at sana magustuhan niyo si nikki the explorer :) Author's note: FOR OPEN MINDED ONLY. S E P T E M B E R 15 2016 - A P R I L 20 2017 (COMPLETED)