Chapter 11

416 6 0
                                    

<A/N: sorry na tagalan po yung update. Busy po kasi ako ngayon sa performance task. Hehehe. Peace po. ✌️at mahalin niyo rin po sana si Celine Buenavista. HAHAHAHAHA.>

NIKKI POV

Mahigit isang linggo na ang lumipas ng nakipag talo ako Kay christian sa dating tambayan naming dalawa. Heto ako ngayon, Balik sa aking daily routine araw-araw. Nag lalakad ako sa food court upang bumili ng pagkain. Subalit may biglang nakabundol akong lalaki. Omyghaadd! Hindi ko kasi siya na pansin kaya't parehas kaming natumba.

"HAHAHAHA!" Tawa ng mga estudyante,

"Tignan niyo ang lampa-lampa kasi eh." Sabi ng Ibang babae.

"I'm so sorry. Hindi ko sinasadya." Sabi ko sa lalaki at agad akong tumayo.

"Okay lang miss, Next time tumingin ka sa dinadaanan mo." Tumayo siya at nag walk out.

Napansin ko yung uniform niya Ay sobrang dumi dahil sa natapong pagkain Nung na bundol ko siya.

Hinatak ko yung kamay niya. " sandali lang. Ako na yang maglalaba ng uniform mo."

"Wag,Ako na lang." sabi niya sabay walk out.

Sa sobrang kahihiyan naiwan ako sa food court na naka tunganga Habang tinitignan siya papalayo hanggang sa lumiko siya sa isang pasilyo. Lumabas ako sa food court at dalidaling pumunta sa paking lot at pumasok sa kotse ko papunta sa hospital Kung Saan ako ngayon naka destino upang mag OJT.

------------------------------------------------------------*

Ilang linggo na rin ako dito sa pilipinas Pero Hindi ko parin makita yung hinahanap ko. Pero nung nakaraang linggo ay yun yung last na sumakit yung ulo ko nang makita ko ang isang babae na malapit ng sagasaan yung aso ko. Buti na Lang dumating si Celine at inalalayan akong tumayo pabalik sa bahay.

"Babe Kung may kailangan ka sabihin mo lang sa attendant mong nurse may pupuntahan lang ako okay? Bye sandali lamang ako at babalik din ako mamaya."

"sandali. Hindi ba Kita pwedeng samahan? Bored na ako dito sa bahay eh."

"Nah. Okay lang ako babe babalik din ako agad."

Agad niya akong hinalikan sa pisngi at dali-dali siyang lumabas ng pintuan. Bumalik agad ako sa Kama at inaalala yung mukha ng babaeng nag pasakit ng ulo ko. I know may reason yun eh. Hays. Makikita at makikita ko rin siya Ulit balang araw.

-------------*

Celine POV

Papunta ako ngayon sa restaurant Kung saan kami mag kikita ni tita clarisse. Yung mama ni Christian at tita naman ni John. Hays. Kailan pa ba Ito matatapos upang masolo ko na si John? Hinintay ko siya mahigit walong taon upang mag katuluyan kami. Oo marami akong suitors sa states Pero si John lang talaga ang gusto ko. Kaya ng malaman ko nag Ka amnesia siya ay naging desperada akong tao at pumunta agad Kung saang hospital naka confine si John, buti inexplain lahat sa akin ni tita at kailangan kong maging fiancée ni John upang maging daan Ako na mahahadlang yung plano ni John na mag papakasal sa isang simpleng tao. Nikki pala yung name niya Pero Hindi ko na ma tandaan yung mukha niya.

Papasok ako ng restaurant ng ma tanaw ko si tita clarisse na kumakaway sa akin ng may biglang humarang sa aking guard.

"ma'am good afternoon. Table for?"

"Guest for Madame Clarisse Tan please."

"okay ma'am this way."

"Thanks." Pumunta agad ako sa table ni tita clarisse.

"Hi celine how's John? Umupo ka."

Nag beso Muna ako bago umupo. "He's okay po tita. Kayo po kamusta na?"

"I'm okay. Oh na pag usapan niyo na ba ni John Kung kailan ang kasal niyong dalawa? Celine tandaan mo yung usapan natin."

"Opo tita Hindi ko na lilimutan yung usapan. Pero nong nakaraang linggo bigla na Lang sumakit ulit yung ulo ni John ng makita niya yung babaeng malapit ng maka sagasa Kay johnny yung aso namin."

"Wag mong sabihin na nakita na ni John ni nikki. oh my god Celine! Hindi ka nag iingat! Bakit ngayon mo lang Ito sinabi sa akin? Natatandaan mo pa ba yung mukha ng babaeng minahal ni John? Siya lang yung reason bakit sumasakit iyon."

"Tita Hindi ko na yun ma tandaan almost 3 years na iyon."

"Sa susunod. Please mag ingat ka naman. Masisira talaga yung plano nating dalawa kapag ma uulit iyon muli."

"Noted po tita. Pero pwede ko bang ma itanong kung kamusta si Christian?"

"Oh si Christian? Ayon galit parin at Hindi talaga sumang ayon sa akin. Bakit Hindi ka parin maka move on sa kanya?"

Bigla ko na aalala na ex ko pala si Christian. Kaya nung nag break kami noon si john yung crying shoulder hanggang makalimutan ko si Christian. Pero ganyan talaga eh maliit ang mundo na ginagalawan natin. Kaya hanggang ngayon ay Hindi ko nga kayang pakawalan si John.

"tita matagal na yun. Talagang Kay John na ako ngayon."

"Good. So I got to go. Please update mo ako sa nangyayari sa inyo ni John ha, para ma set na natin agad ang kasal niyo."

"Sige po tita uuwi na rin agad ako baka hinahanap na ako ni John."

Nag beso-beso kami ni tita at umalis na siya kasama yung mga bodyguards niya.







Naiwan akong tulala. Kailan pa ba Ito matatapos? Kailan ako aasa at magdurusa na mamahalin din ako ni John ng buo? Paano kung malalaman niya na ang katotohanan at bumalik ang kanyang memorya? Paano ang pagmamahal ko sa kanya?

Continue.

Unexpected love  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon