"Nabura man iyong memorya, Ikaw at Ikaw parin ang mamahalin ko sinta." ~Nikki
NIKKI POV
5 years na simula nilisan ko ang condo ni sir john Ay wala na akong balita sa kanya. Naging ka close ko rin si Christian Tan, yung cousin niya. Naka tapos parin ako ng high school kahit papaano at nasa colehiyo na ako ngayon taking up BS Nursing. Mahirap ang maging graduating student dahil sa mayroon na ako ngayong OJT sa hospital malapit dito sa school namin. Si sir Raphael na naman ay naging supervisor ng isa sa mga department sa school namin noong high school ako. As usual, road trip yung ginawa namin ni sir Raphael, Hindi ko siya pinayagan na manligaw sa akin dahil sa malayo yung agwat niya sa edad ko at Hindi pa ako ready sa isang relasyon.
"Doc, tapos na po yung duty ko. See you tomorrow :)" sabi ko sa isang ka close ko na doctor. Actually madami akong ka close dito sa hospital dahil sa maganda ang pakikisama ko sa kanila at pakikitungo.
"Oh sya, Sige niks mag iingat ka." Sabi ni doctor 1
"Maging punctual lagi Idol! Hahahaha " sabi ni doctor 2
"Sus kayo talaga doc. Bye!"
---------
Papauwi ako ng bahay ng biglang nag traffic sa may intersection malapit sa amin. Sa 5 years na lumipas madaming nangyari sa buhay ko. Si sir Christian ay naging ka close ko na, yung pamilya ko ay hindi mo inakala na maging matiwasay yung buhay namin dahil sa naging OFW si papa at naging family driver siya doon sa labas ng Bansa. Naging mabait yung amo niya sa kanya kaya't malaki yung sahod ni papa, di nag tagal nakakuha kami ng bahay sa isang subdivision, at katuwang niya sa pag babayad yung kapatid kong naka pag asawa ng koreano. Akalain niyo yung ganda niya ay naka bingwit pa ng isang koreano at nag migrate sila sa states dahil sa mayaman yung kanyang napangasawa. Heto ako nag aaral parin, napapasalamat ng sobra kay Christian dahil sa ibinigay niya itong kotse na naiwan ni John sa condo dahil sa hindi naman Ito maga gamit at ipinatuloy yung scholarship ko sa pinag aaralan ko.
pinatutuloy ko parin yung buhay ko ng walang boyfriend man Lang. Sabi nga ni papa bakit daw Wala pa? Eh maganda naman ako kahit papaano. Hindi ko na Lang sinabi sa kanya yung Totoong reason bakit Hindi pa ako nag boyfriend. Dahil sa-----
..
.
.
"Ay pesting yawa!" Bigla akong na pa preno dahil sa bilang tumawid yung aso Habang papasok ako sa subdivision.
Lumabas ako ng kotse at tinignan kong nasagaan ko yung aso. "Hay salamat Hindi siya na galusan man Lang."
"Miss, sorry Hindi ko nakita na biglang kumawala yung aso ko sa akin." Bigla akong napatigil sa aking narinig, Alam ko yung boses na iyon. Hindi ako nag kakamali, siya at siya parin yung lalaking minahal ko hanggang ngayon.
"Miss?" Bigla siya Ulit nag salita sa likod ko.
"Oh no." Napatakip ako sa aking bibig. Hindi ko to inaasahan na mangyari. Siya nga . "omyghaadd. John???" Sabi ko sa kanya habang papaluha na ako.
"Oh hi miss. Bakit mo ako kilala? Sorry sa ginawa ng aso ko sa kotse mo. I apologized for what happened." sabi niya sa akin.
"Uuhhmmmm." Napatigil ako saglit dahil sa kaba na aking dinarama ng biglang sumakit yung ulo ni John.
"aaaahhhhh!" Hawak-hawak niya yung ulo niya Habang sumisigaw. Yayakapin ko na sana siya ng biglang
.
.
.may babaeng lumapit agad sa kanya at niyakap siya."Babe! What's happening to you?!" Sabi ng babae sa kanya.
"Uhm, I'm okay Celine. Napagod yata ako kakahabol Kay johnny <yun yung pangalan ng aso niya> I'll take a rest let's go" sabi niya sa babae.
inalalayan siya sa balikat ng babae Habang papatayo ng bigla akong nag salita.
"I'm sorry to interrupt your conversation But I would like to go? I'm so sorry. For what happened."
Sabi ko. biglang sumakay sa kotse ko at pinaandar Ito ng walang pag aalinlangan . Hindi ko na nilingon Yung babae Kung nag salita pa ba siya o Wala na. Ng makita ko na yung bahay namin ay tumigil ako saglit at dun binitiwan yung mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Sumakit yung dibdib ko bakit after all this time at lumipas na taon ay Hindi na ako maalala ni Sir John. Ano yung nangyari sa kanya? Ang Sakit-Sakit sa damdamin, parang sasabog yung puso ko sa selos dahil sa tinawag pa siya ng babae na "babe" at mayroon siyang engagement ring.
it means engaged na siya sa tanong walang iba kundi yung minahal ko ng sobrang sobra.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
John Maiko Tan Sy...Continue...
BINABASA MO ANG
Unexpected love (COMPLETED)
General FictionFirst time to write this kind of story written under category of General Fiction. Please enjoy at sana magustuhan niyo si nikki the explorer :) Author's note: FOR OPEN MINDED ONLY. S E P T E M B E R 15 2016 - A P R I L 20 2017 (COMPLETED)