PART17

1.5K 54 0
                                    

Ngumiti lamang si Tandang Luzila kay Maria.

"Wag ka mag alala nasa iyo ang lahat ng oras na kailangan mo para mapaghandaan ang lahat." Wika nito habang nakangiti pa din.

"Ano ho bang ibig ninyong sabihin?" Nagtatakang tanong ko.

"Ang oras dito ay iba sa mundo ng tao. Ang isang araw sa mundo ng tao ay katumbas ng isang taon dito sa mundo ng mga Albakawan."sagot nito.

"Ano ho ang Albakawan?"tanong ko.

"Ang mundong ito ay tinatawag na Albakaw at ang nakatira dito ay ang mga Albakawan. Mas kilala tayo sa mundo ng mga tao bilang engkanto, lamang lupa o diwata sa iba."sabi nito habang naglalakad papunta sa isa sa mga kabinet na may nakalagay na iba't ibang bagay.
Kinuha nito ang hugis parihabang kahon at bumalik sa aming kinakaupuan. Ipinatong nito ang kahon sa ibabaw ng lamesa.

"Panahon na para mapasaiyo ito." Wika ni Tandang Luzila habang binubuksan ang kahon.

Isang punyal na hugis krus ang hawakan ang laman nito.
Iniabot niya sa akin ang punyal.

"Para saan ho ito?" Tanong ko.

"Itong punyal ay nagmula pa sa ating ninuno. Ang dugong nanalaytay sa atin ay di tulad sa ordinaryong tao. May taglay na kapangyarihan ang dugo natin. Iba't ibang kapangyarihan at lakas. Kumukuha din tayo ng kapangyarihan sa iba pang bagay na may basbas na galing sa ating Manlilikha."sagot nito.

"Sa mundo ng tao tinatawag nila itong agimat o anting-anting. Ang punyal na yan ay isang agimat na pupuksa sa Halimaw pero kailangan mo ng mahabang pagsasanay at basbas mula sa ating Manlilikha bago mo tuluyang mapasakamay ang kapangyarihan niyan. Wala pa nakakagawa nun maliban sa gumawa mismo ng sandatang yan ilang libong taon na ang nakakaraan." Mahabang paliwanag nito.

Inabot ko ang punyal at nagliwanag ito. Pinagmasdan ko itong mabuti.

"Nahanap na ng punyal ang dapat na may mag-ari sa kanya kaya ito nagliliwanag" wika niya.

"Ano ho bang paghahanda ang kinailangan kong gawin?"

"Kailangan mag sanay ka ng iyong pisikal na lakas. Dapat matutuhan mong kontrolin ang kapangyarihan mo at higit sa lahat kontrolin ang iyong mental na kakayahan."

"Paano ko po matutunan ang mga iyon?"

"Bahala na sa iyo sila Gregor,Edhar at ang apo ko si Makio. Sila ang tatlong senyor na poprotekta sa iyo hanggang maganap ang dapat na maganap." Wika nito.

Unti unting nawala ang liwanag na nagmumula sa punyal. Inilagay ko ito sa aking tagiliran. Tumayo na ako upang hanapin sila Gregor.

"Maraming salamat po sa lahat. Aalis na po ako. Pupuntahan ko po sila Gregor." Paalam ko sa kanya.

"Walang anuman iyon. Lahat ay gagawin namin para sa iyo prinsesa." Yumuko siya sa akin pagkasabi niyon.

"Saan ko ho sila matatagpuan?"

"Itanong mo na lang sa mga tiga pagsilbi ng palasyo."

"Salamat po ulit."

Di na ito muling pang nagsalita at lumabas na din ako ng silid na iyon.
Naglakad ako pababa ng hagdan at naglakad sa pasilyo na taliwas sa pinag mulan namin. Isa pang hagdan pababa ang nasa dulo nito. Binagtas ko din ito. Pagdating ko doon ay may pintuan sa kaliwang bahagi at sa kanan ko ay may napakalawak na bulwagan. May karpet na nakalatag sa gitna nito mula sa pintuan. Sa kabilang dulo ay may tatlong baitang ng hagdan at parang mahabang enteblado ang nasa itaas nito. Sa gitna ng entabladong iyon ay may dalawang malaki at magarbong mga bangko.

"Para akong nasa isang aklat na binabasa ko lamang nuon na mga palasyo." Bulong ko sa sarili ko.

Natanaw ko ang isang tiga pagsilbi na nagpupunas ng mga pigurin sa gilid ng bulwagang iyon. Ang kasuotan niya ay kakaiba din. Nakabistida ito na kulay asul na nakapalobo sa bahaging ibaba. Nakasuot ito ng puting apron at puting bandana sa ulo.
Pumunta ako sa kanya upang magtanong.

"Magandang araw." Bati ko dito.

Lumingon siya sa akin. Matagal itong nakatitig sa akin na para bang gulat na gulat.

"Paumanhin po sa pagtitig ko sa inyo mahal na prinsesa."sabi nito pagkatapos yumuko.

"Paano mo nalaman na ako ang prinsesa? Ngayon pa lang ako nakapunta dito." Nagtatakang tanong ko.

"Dahil sa kamukhang kamukha po ninyo ang inyong ina at sinabihan na rin kami ni senyor Edhar na ngayon ang dating ninyo." Sagot nito na hindi pa rin tinatanggal ang pagkakayuko.

"Ang aking ina? Ano ba itsura niya?" Nagtatakang tanong ko.

"Andun po ang mga larawan ng inyong lahi."
Sabay turo sa kabilang bahagi ng bulwagan.

Dun ko lang napansin ang mga nakasabit na naglalakihang mga larawan na ipininta.
Kinuha ng larawan sa dulo ang aking atensyon.
Lumapit ako dito at napatulala.
Para akong nakatingin sa salamin.
Tulad ko ay kulot ang mahabang buhok nito na kulay brown. Matangos ang ilong na binagayan ng makipot ngunit mapupulang labi. Ang mata nama niya ay bilugan na may mahahabang pilik mata. Pahaba ang mukha nito di tulad ng sa akin na bilugan. Ang mata nito ay kulay abuhin at ang sa akin ay kulay asul. Marahil nakuha ko iyon sa aking ama.

Nagulat ako ng biglang may humawak sa balikat ko.

MARIA (Book1) Complete✔ --editing--Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon