PART4

2.1K 61 0
                                    

-NELYA POV-

Pagkatapos ilahad ni Maria ang mga nangyari sa kanya siguro ay ito na ang tamang panahon para malaman niya ang buong katotohanan kung paano sya napunta sa akin.

Isinalaysay ko ang buong pangyayari sa kaniya.

"Kaya lang ay di ko alam kung buhay o patay na ang iyong ina." Dugtong ko pa.

Di ko alam kung makakatulong ito o makadagdag pa sa kanyang iniisip pero karapatan nya na malaman na sa simula pa lang ay kakaiba na ang naganap ng mapunta siya sa akin.

Kitang kita ko sa mukha niya ang pag aalala at  mga katanungan sa kanyang isipan.

"Tiya paano ko po malalaman kung sino o ano po ba ang pinagmulan ko?saan ho ako dapat magsimula?" Tanong niya habang nagbabadya ang mga luha na malapit nang pumatak mula sa kanyang mata.

Natahimik ako at nag isip kung paano  nga ba nya malalaman.
Nahahabag ako sa sitwasyon na kanyang kinalalagyan ngayon.

May tila bumulong sa aking isipan ng dapat Kong sabihin sa kaniya.

"Siguro magsimula ka sa paghahanap ng kasagutan sa bahay ampunan na pinagmulan naming dalawa. Sa Angel of God Institution.Baka makatulong din sayo ang tela na nakabalot sa iyo ng iwan ka ni Marie."
Sagot ko sa kanya.
Tumayo ako at kinuha sa aparador ang tela.
Iniabot ko ito sa kanya.

"Ou, tama nga na duon ako magsimula sa bahay ampunan."sabi niya habang nakatitig sa burda ng tela na iniabot ko sa kanya.

"Tutal ilang araw na lang at Sem Break nyo na."

"Opo tiya maraming salamat po."tugon niya.

Niyakap nya ako ng mahigpit. Di ko mapigilan ang lumuha dahil pakiramdam ko ay maghihiwalay kami ng matagal. Napamahal na siya sa akin dahil anak na ang turing ko sa kanya at lahat ng pagmamahal ay ibinigay ko sa kanya. Alam ko na darating din ang araw na ito pero di ko alam na ganito pala kasakit.

"Bakit ka umiiyak Tiya?" Tanong niya pagkatapos naming maghiwalay sa pagkakayapos.

"Parang kailan lang kasi ang liit liit mo pa. Ngayon heto ka at kailangan mo na tahakin ang sarili mong daan."

"Wag ka mag alala Tiya babalik po ako sa inyo dahil mahal na mahal ko po kayo. Di man po kayo ang nagluwal sa akin higit pa po kayong naging INA para sa akin."
At muli kaming nagyakapan.

Kagaya ng mga nagdaang gabi narinig ko na naman na sumisigaw si Maria.
Nagmamadali akong bumangon upang gisingin siya.

Hinawakan ko ang seradura ng kanyang pinto ngunit agad kong binitiwan ito dahil sa nakakapaso nitong init na lalo Kong ikinabahala.

"Aaaah" muling sigaw ni Maria.

Dahil dito di na ako nag atubili pa at binuksan ko ng mabilis ang pintuan.
Nagtagumpay akong mabuksan ito ngunit na lapnos ang balat sa aking palad.

Nahindik ako at halos mawalan ng ulirat ng makita ko ang isang bulto ng di ko malaman kung tao o halimaw sa paanan ng higaan ni Maria.

Dahil sa takot ay mabilis akong tumungo sa tabi ni Maria.

"Ngayon nahanap na kita di ko na hahayaan na umabot ka pa sa iyong ika-labing walong kaarawan Maria. Bwahahaha..." Sabi ng halimaw na may nakapanghihilakbot na tawa.

Matalim kung makatingin na namumula ang mga mata ng halimaw.
May matutulis na ngipin na tulad sa tigre.
Ang kanyang dila ay tulad sa isang ahas at ang kanyang balat ay parang Kay tigas dahil kulay itim ito.
Napapalibutan ng buhok ang kaniyang mukha at may mahinang usok na kulay pula ang  lumalabas sa kaniyang buong katawan.

Niyugyog ko ng ubod lakas si Maria dahil sa sobrang takot.

"Maria gumising ka." Sigaw ko sa kaniya.

Dumilat si Maria na pawisan dahil siguro sa kanyang napanaginipan.
Bumangon siya at napatingin sa halimaw sa kaniyang paanan.

"Aaaaah" sigaw ni Maria na nahintakutan sa kanyang natatanaw.

"Panaginip lang ito.
Panaginip lang ito."
Paulit ulit na sabi ni Maria.

"Hindi ka nanaginip totoo ito."pagkasabi ko ay sinampal ko si Maria upang malaman niya na hindi ito panaginip lamang.

"Tumakas ka Maria. Papatayin ka ng halimaw na yan. Iligtas mo ang sarili mo." Sigaw ko sa kaniya.

"Hindi ka na muling makakatakas pa sa akin. Naitago ka nuon ng iyong ina ngunit nahanap kita dahil sa dugong nanalaytay sa iyong ugat." Pagkasabi ng halimaw habang palabas masok ang mala ahas niyang dila.

"Hindi ako makakapayag."
malakas na sagot ko sa halimaw sabay hawak sa lamp shade na nakapatong sa lamesita.

Tumakbo ako papunta sa halimaw upang hambalusin ito ng hawak kong lamp shade.

"Salam de ore satur"
sambit ng halimaw sabay taas ng kanang kamay niya at itinapat ito sa akin. May lumabas na pulang liwanag sa kamay nito at tumama ito sa akin.
Tila naging tuod ako sa kinakatayuan ko habang hawak ang lamp shade.

"Hindi ko maikilos ang buo Kong katawan." Bulong ko sa sarili at bumagsak sa sahig ang hawak ko na dapat ay ihahambalos sa halimaw na nasa aming harapan.

MARIA (Book1) Complete✔ --editing--Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon