PART33

1.1K 38 0
                                    

Sinag ng araw na nang gagaling sa bintana ang gumising sa akin.
Agad akong bumangon at pumasok sa banyo upang maligo. Isinuot ko ang hinanda nilang mga baluti na gawa sa bakal. Itinali ko ang aking buhok ng paitaas at mahigpit upang di maging sagabal sa aking laban. Kinuha ko ang tela na may burda at itinali kong muli sa aking bewang. Inilagay ko ang punyal sa aking tagiliran. Umupo ako sa gilid ng kama at isinuot ko ang sapatos na pandigma na gawa sa bakal. Tumayo ako sa harap ng salamin at pinagmasdan ang sarali kong repleksyon.
Ibang iba na ko kaysa sa dati. Pagkatapos akong masiyahan sa nakikita ko sa salamin ay lumabas na agad ako sa aking kwarto at pumunta sa pinag usapang tagpuan.

"Buti naman nandito ka na Maria." Bati ni Gregor pagdating ko sa kanila.

Nandito na din ang hukbong mandirigma. Si Edhar at Makio ay nasa unahan ng sampung lalaki na naka tuxedo.

"Sila ba ang mga senyor?" Tanong ko sabay turo sa mga nakatuxedo.

"Ou malalakas sila kaysa sa mga mandirigma. Nakadestino sila magbantay sa mundo ng tao pero mas kailangan sila dito ngayon." Sagot ni Gregor.

"Ah, halika na simulan na natin maglakbay papunta Kay Shamir."

"Simulan na natin ang paglalakbay" Sigaw ni Gregor sa mga kasama namin.

Nagsimula na maglakad ang mandirigma sa pamumuno ni Michael.
Kami naman ay kasabay na naglakad ng mga naksuot ng tuxedo.
Papunta kami sa masukal na kagubatan taliwas sa daan patungo kila Ursula.
Malalaking mga natutuyo na puno ang mga dinaraanan namin. May mga bukal din kaming dinaraanan na madumi at mabaho ang tubig. Tanging mga huni ng uwak ang maririnig na nagliliparan sa itaas.
Matinik din at maputik ang dinaraanan namin.
Tumawid kami sa tuyot na ilog. Sa kabila nang ilog ay ang masukal na kagubatan ang sumalubong sa amin.
Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa palubog na ang araw. Alulong ng mga aso ang naririnig namin. Mga paniki na nagliliparan sa itaas ang umaaligid sa kalangitan. Nakakapanindig balahibo ang lugar hangga't lumalalim ang gabi.

Gabi na ng matanaw namin ang tore ni Shamir. Wala man lang buhay ang paligid ng tore na iyon. Sobrang tahimik na lalo kong ikinabahala at pinagtaka ng makalapit na kami dito.

"Tumakas kaya siya o baka nagtago?" Bulong ko Kay Edhar.

"Ako nga di takot sayo yun pang halimaw na yun" sagot nito.

"Wala ka talagang kwentang kausap Edhar!"

"Eh bakit kinakausap mo pa ako?" Nakangisi sagot nito.

"Bwisetttt" naiinis kong sagot.

"Ang butas ng ilong mo oh, baka masinghot ako, hahahaha!" Napalakas ang salita ni Edhar na ikinalingon ng mga kasama namin.

"Leche ka, tukmol ka talaga." Hahampasin ko na sana sya ng biglang bumukas ang malaking pinto ng tore.

Natuon ang pansin ng lahat sa tore. Naging alisto ang lahat. Lumabas ang isang bulto ng lalaki. Sa itsura nito ay nakilala ko agad siya. Ang hayop at walang puso na halimaw na si Shamir. Nakakapagtaka kasi nag iisa lamang siya.

"Nasaan na ang mga alagad ni Shamir na sinasabi nila?." Bulong ko.

Tumigil sa palalakad si Shamir. Pinagsalikop niya ang kaniyang mga braso.

"Ang tagal nyo naman dumating kanina ko pa kayo hinihintay. Kanina pa sila hayok na hayok sa mga laman nyo." Sigaw ni Shamir.

"Sino ba ang tinutukoy ng hayop na ito?" Mukhang napalakas ang sabi ko dahil napalingon sa akin si Gregor.

"Basta tandaan mo si Shamir lang ang kailangan mo tugisin. Kami na ang bahala sa lahat. Wag mo nang intindihin ang alagad niya." Sagot ni Gregor.

"Simulan na natin, sugod mga alagad ko. Karnehin nyo na ang mga mahihinang ito na naglakas loob pumasok sa teritoryo ko." Sigaw ni Shamir at itinaas nito ang kaniyang dalawang kamay.

Naglabasan mula sa tore ang mga alagad niya. Tumatakbo ang mga ito patungo sa amin. Lumabas din ang mga lumilipad na mga taong Kalahati lamang ang katawan. Wala itong mga paa.
Umaangat din mula sa lupa ang mga sanggol.
Habang papalapit sila ng papalapit sa amin ay lalo kong nakikita ang mga itsura nila. Matatalim ang mga ngipin nila na may mapupulang mata.
Ang mga tumatakbo na papalapit sa amin ay ubod ng itim na naglalangis ang buong katawan. Matatalim ang mga kuko. Para silang mga asong ulol dahil tumutulo pa ang laway.

"Humanda kayo papalapit na ang mga aswang." Sigaw ni Michael.

Ang mga sanggol naman ay kulubot na ang balat na may matatalim na ngipin at kuko.
Mabilis itong gumagapang papunta sa amin.
Nang makalapit ang mga ito ay agad nilang sinakmal ang mga mandirigma.

Dinudukot naman ng mga lumilipad na babaeng kalahati ang katawan paitaas ang iba ko pang kasama.

MARIA (Book1) Complete✔ --editing--Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon