The End

1.7K 74 17
                                    

Binilot din ng apoy si Shamir na patuloy pa rin sa pag sigaw. Biglang sumabog ang libro kasabay nun ay sumabog si Shamir. Naging abo ang mga ito. Nawala din ang punyal na parang bula. Agad akong tumayo at kinalagan si Alice.
Nanginginig ang buong paligid. Nalalaglag ang mga buhangin mula sa kisame.

"Alice kailangan na natin umalis dito. Guguho na ang tore na ito. Kumapit ka sa akin ng mabuti."

Tumingin ako sa pader at inisip ko na sasabog ito. Ilang sandali lang ay sumabog ito. Lumapit kami sa butas at natanaw ko ang mga kasama ko. Nagpalutang ako sa ere habang nakayakap sa akin si Alice. Dahan dahan kaming bumaba.

"Salamat at iniligtas mo ko. Naligtas mo din ba ang iyong ina?" Tanong ni Alice na may luha pa sa mata.

"Hindi Alice ang mahalaga tinulungan at iniligtas nya ako hanggang sa huling sandali." Malungkot kong sagot.

"Ano na ang nangyari?" Tanong ni Makio ng makababa na kami.

"Tapos na ang lahat." Sagot ko.

"Nasaan na ang iyong ina?" Tanong ni Gregor.

"Wala na sya, Patay na sya." Sagot ko at tuluyan nang bumagsak ang luha ko.

Niyakap ako ni Gregor ng mahigpit.

"Ang mabuti pa ay umuwi na tayo sa palasyo" wika ni Michael.

Inalalayan ni Makio si Alice at sabay sabay na kaming naglakbay pabalik sa kaharian ng Albakaw.
Hindi ko maramdaman ang tuwa sa aming pagkapanalo dahil mas binalot ako ng lungkot sa pagkasawi ng mga tao lalo na ng aking ina.
--------
--------
--------

"Ina! Ina! Ina! Andito na si ama" sigaw ng batang tumatakbo papunta kay Maria.

"Dahan dahan Solomon at baka madapa ka. Asan ang iyong ama?" Tanong ni Maria.

"Ayun oh" sagot nito sabay turo sa pintuan ng palasyo.

Lumingon si Maria sa tinuro ng bata. Tatlong tao ang pumasok dito at lumapit kila Maria.Sila Gregor, Makio at Edhar ang parating.
Binuhat ni Gregor ang batang si Solomon.

"Naging mabait ka ba sa iyong ina habang wala ako?" Malambing na tanong ni Gregor pagkatapos itong halikan sa noo.

"Opo ama" magiliw na sagot ng bata.

"Nasan si Alice?" Tanong naman ni Makio.

"Papunta na yun dito kasama si Hermione. Kanina pa din kayo hinihintay ng mga yun. Oh ayan na pala sila." Nakaturo sa mga babaeng padating na sabi ni Maria.

Agad na tumakbo si Makio kay Alice at niyakap ito.

"Mahal na mahal talaga ni Makio si Alice. Ikaw bayaw kelan mo balak tanggalin yang pagkatorpe mo kay Hermione"

"Ako na naman nakita mo!" Nakasimangot na sagot ni Edhar.

"Eh torpe ka naman  talaga!"

"Oo na torpedo na ko. Kesa naman magaya ako sa dalawang yun." Wika ni Edhar sabay turo kila Makio na naghahalikan.

"Ha ha ha inggit ka lang!" Wika ni Gregor at hinalikan nito si Maria.

"Eeeeewww dyan na nga kayo!" Nandidiri na sagot ni Edhar at pinuntahan si Hermione.

"Tara umalis na tayo. Malalaswa na tao dito." Sigaw nito at nagtawanan ang lahat.

-----
Author's special note

Thank you sa nagbasa hanggang sa huli lalo na kay CathrineMaeBarba na inspire po ako sa magaganda mong comment. . .
Happy ako sa naging result ng first story ko na ito. . .😆😆😆

MARIA (Book1) Complete✔ --editing--Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon